Tali ang Tulay

1 1 0
                                    

KABANATA 12




Tagumpay ang pagtakas ko ng gabing iyon. Hindi na ako nagpaalam Kay Turyong nag-iwan na lamang ako ng sulat sa kanya.

"Magandang umaga apo." bati ni Lolo.

Nagtaka ako noong pagdating ko rito sa Kapatagan nang hindi man lang bakas sa mukha ni Lolo ang pagka gulat sa pagdating ko. Bigla na lamang itong nagtanong na ikinagulat ko. Kung bakit hindi kami magkasama ni Turyong ganung nagpaalam ito sa kanya na magpapasama ito saakin. Gulat man ay sinagot ko na lang din ito upang hindi maghinala.

"Magandang umaga din, Lolo." nakangiti kong bati.

Hindi pa masyadong nakataas ang haring araw kaya malamig pa ang simoy ng hangin na dumadampi sa mga balat namin.
Naupo ako sa bangko dito sa labas ng bahay habang abala si Lolo sa pag-aayos ng damong ipapakain sa kabayo nito.

"Apo, ngayon ba ang uwi mo?"

Napaisip ako sa tanong ni Lolo, uuwi nga ba ako ngayon? Kailangan ko ring makausap si Mara tungkol sa prinsesa upang mas madali ko itong mahanap.

"Mamayang hapon po, Lolo."

"Ganun ba? Aalis ako mamaya kaya hindi Kita maihahatid sainyo."

"Ayos lamang lo, may kabayo naman akong dala. Kaya ko na po ang sarili ko."

"Oo nga pala, mukhang darating mamaya si Turyong dito. Siya muna ang maghahatid sa----"

"Po!? A-ang ibig kong sabihin kaya ko naman, ako na lamang po ang mag-isa." napangiti ako ng mapakla.

"Sige na apo, para naman mapanatag ang loob ko. Hapon na kasi ang alis mo, delikado at ikaw pa ang mag-isa."

Napabuntong-hininga na lamang ako, wala na akong magagawa. Tumango ako bilang pagpayag, nagpaalam ito na pakakainin na niya ang kabayo sa likod-bahay.

Hayyy..... Inaantok pa ako, kailangan ko munang matulog para kahit papaano ay hindi ako matamlay sa paglalakbay pauwi sa Sitio. Pumasok na ako sa loob at diretsong nahiga sa katre, agad ding nakaramdam ang katawan ko ng kaginhawaan at nakatulog din.

"Apo, gising na at kakain na tayo ng pananghalian."

Nagising ako sa tinig ni lolo, dahan-dahan akong umupo at inayos ang sarili. Lumabas na rin si Lolo, inayos ko muna ang higaan bago lumabas.

Napahinto ako nang makita si Turyong na nakaupo katabi ni Lolo. Nagkatitigan kami sandali, bago ako nag-iwas.

"Halika na Liya." imbita ni Turyong.

Hindi na ako nagdalawang isip na umupo. Kamote, saging at daing ang nasa hapag namin ngayon. Nagpaalam ako na kukuha ng tubig sandali. Parang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana, bakit nagpunta pa ito rito? Sana hindi na lang, mukhang mahahatid ako nito mamaya. Kailangan kong maging matatag, hindi ko dapat ipahalata sa kanya na pinaghihinalaan ko siya gayong wala pa akong nabubuong plano sa pagtuklas ko ng pagkatao nito. Nasa prinsesa pa ang atensyon ko ngayon, kailangan ko ang perang makukuha kong pabuya sa paghahanap rito. Upang makalayo na kami sa lugar na ito, kailangan naming pumunta sa Mindanao at doon mamuhay ng payapa malayo sa naghahanap saamin.

Bumalik ako matapos kumuha ng malinis na tubig sa likod-bahay.

"Ihanda mo ngayon ang gamit mo apo, sinabihan ko na rin si Turyong na samahan ka sa pag-uwi at ng mapanatag naman ako." Ani lolo sabay tingin sa gawi ni Turyong kaya napatingin rin ako.

Nakikita ko sa mga mata nito ang pagtataka, bakit Kaya? Dahil ba umalis ako ng hindi nagpapaalam? Imposible naman kung ganun, mas mabuti ng umalis along hindi niya alam baka maging delikado saaming dalawa Kung sabay kaming umalis sa bayan ng gabing iyon.

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon