Sulat

6 1 0
                                    

KABANATA 9



Makalipas ang isang buwan...

"Liya, bakit tila nagmumukmok kana lamang sa iyong silid?"

"Wala akong ganang lumabas kuya, baka mamaya pupuntahan ko si Mara."

"Kung ganun ay sige. Aalis muna ako at tutulungan ko pa si itay kumuha ng mga panggatong."

Tango lamang ang naging sagot ko at umalis na ito. Isang buwan na rin ang nakalipas simula noong nangyari sa bahay ni Turyong.

*
"Sinusundan mo ba ako?"

Hindi lang gulat ang naramdaman ko sa mga sandalinv ito kundi kaba na baka na hindi ko maipaliwanag. Paano kung malaman nito? Anong mangyayari sa akin?

"A-anong sinasabi mo?" pinilit kong maging kalma lang sa kabila ng mga titig nitong nakakakilabot.

"Alam kong alam mo ang sinasabi ko, Liya."

Anong gagawin ko? Mukhang alam na nga nito.

"Hindi ko hahayaang may matuklasan ka tungkol sa akin. Huwag kana ring magbalak na alamin kung sino ako. Kung ayaw mong pagsisihan ito." patuloy nito.

Madiin at makahulugan man ay hindi ako nagpatinag o kahit nagpasindak sa mga salitang niya. Magsasalita rin sana ako nang marinig ko ang tawanan sa di kalayuan.

"Andito na sila." mahina kong sambit.

*

Bumabagabag pa rin sa aking isipan ang salitang binitawan sa akin ni Turyong. Alam kaya ni Lolo, na may nililihim si Turyong  sa kanya? Marami akong gustong malaman sa Turyong na iyon at isa lamang ang alam Kong magbibigay sa aking ng mga kaalamang iyon.

Mabilis na kumilos ako at nag-ayos ng aking sarili, kinuha ko ang pulang tali na matagal ng nakatago at ginamit ko iyon. Sa gitna ng pagmamadali ko ay ang pagkahulog ng maliit at nalukot na papel. Ito yaong nakita ko sa bahay-kubo ni lolo doon sa silid na tinutuluyan ko roon. Inayos ko ito at binasang muli.

"Nagtataka na ang Señor, ginoo. Hindi ko na alam kung anong kasinungalingan pa ang sasabihin ko kung muling magtanong ito sa mga biglaang pagkawala mo."

Gusto kong bumaba sa Kapatagan at mangalap ng kaalaman tungkol kay Turyong ngunit batid kong naroon ito. Kailangan kong magtungo ngayon din kay Mara. Nagpaalam ako kay inay at lumabas na ng bahay. Kailangan kong alamin lahat bago pa may mangyaring hindi inaasahan. Nararamdaman kong naririto lamang sa paligid ang mga naghahanap sa amin. Tila sinusundan na kami ng gulong matagal din naming pilit na kinakalimutan.

"Tao Po?"

"O, Liya. Pasok ka, nasa loob si Mara." ani Aleng Maria.

"Maraming salamat po."

"Sige maiwan ko muna kayo at may gagawin lamang ako."

Umalis na ito at naiwan ako sa maliit na Sala nito, hindi na ako nag-atubiling kumatok sa pinto ng silid ni Mara. Mukhang hindi nito naramdaman ang aking presensya.

"Mara?"

"Diyos ko po!----Ano ba iyan Liya ginulat mo ako dun."

Mabilis nito itinago sa gilid ang binabasang libro. Kailan pa ito nahilig sa pagbabasa ng libro?

"Nagbabasa ka pala ng libro? Kailan pa?"

Napaupo ako sa katre nito habang siya ay nakaupo sa upuan malapit sa maliit na lamesa katabi lang din sa mismong katre nito.

"Kahapon lang din, binigyan ako ni Mang Ernan."

"Ganun ba."

"Himala yata at napadalaw ka."

"May itatanong lamang ako sa iyo."

Biglang kumunot ang noo nito na tila nagtataka. Paano ko ba ito sasabihin? Baka magtanong ito Kung bakit nais kong malaman ang tungkol sa pamilya nila.

"Ano naman iyon? Sana lang ay masago----"

"Ang pamilya Alonso, lalo na sa mga anak nitong lalaki."

Nagulat ito at napatakip na lamang sa kanyang bibig, ilang sandali lang ay tumawa at tumayo na parang Hindi nito naintindihan ang nais kong iparating sa kanya.

"Ano! Hindi, ano ka ba naman Mara. Mali iyang iniisip mo."

Nagulat din ako sa mga sinasabi nito, ibang klase talaga kung mag-isip itong kaibigan ko. Mukhang napansin nitong naging seryuso na ang hitsura ko.

"Anong ibig mong sabihin?" sumeryuso na rin ito sa wakas.

Dinukot ko ang sulat mula sa gilid ng aking damit at maingat na ibinigay ko ito kay Mara. Noong una ay nagtataka pa ito Kaya sumenyas ako na ito'y buksan at basahin. Hinintay ko kung anong magiging sagot nito. Ilamg sandali lang ay tumitig ito sa akin pagkatapos ay ibinalik niya rin ang paningin sa sulat.

"Saan mo ito nakuha?"

"Doon sa silid na tinutuluyan namin sa bahay-kubo ni Lolo."

Nag-isip ito sandali, sana lamang ay may makalap akong kaalaman tungkol sa kanya.

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako ng ilang beses, nagtataka lamang talaga ako kung sinong Señor ang tinutukoy ng nagpadala ng sulat na ito. Hindi kaya?....

"Hindi kaya?" sabay naming sambit ni Mara habang nagkatitigan.





🦋

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon