Tenyente

5 1 2
                                    

KABANATA 10



Nagising ako mula sa ingay na nanggagaling sa labas ng aking silid. Tila nag-uusap sina itay, inay at kuya. Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang aking silid bago lumabas. Hindi nila ako napansin kaya dumiretso sa lamang ako sa likod-bahay upang maghilamos.

"Siguradong matatagalan ang pagsisiyasat gayong dumating na ang Tenyente." ani itay.

Tenyente?

"Nasisiguro ko iyan inay." pagsang-ayon ni kuya.

Pumasok na ako sa loob upang malaman ang kanilang pinag-uusapan.

"Sinong Tenyente inay?"

"Yaong inatasang magsiyasat--- Liya, gising kana pala. Halika't kumain na."

Lumingon ito sa gawi nina itay at kuya na tila kinakausap ito sa mata. May hindi na naman ba ako nalalaman sa nangyayari?

"Halika anak, ipaghahanda kita ng kamote." patuloy na inay.

Lumingon kina kuya na tumayo rin at nagpaalam at pupunta siyang Kapatagan. Habang si itay naman ay nagpaalam na paliliguan lamang nito ang kalabaw namin. Hindi na ako nagtanong at sumunod na lamang kay inay at nagugutom na rin ako.

Nasa harap ako ng mesa habang hinihintay si inay na ilapag ang kamoteng kakainin ko. Hindi mawala sa isipan ko ang pinag-uusapan nila kanina patungkol sa pagsisiyasat.

"O, heto anak. Kumain ka at kukuha lamang ako ng gulay sa kapitbahay."

Bago pa ito makaalis ay nagsalita na ako.

"Ano pong alam niyo sa pagsisiyasat inay? Naririto po ba ang nawawalang prinsesa?"

Napahinto ito na tila napako sa kinatatayuan.

"A-Ah iyon ba anak? Narinig lang namin mula sa bayan. Huwag munang isipin iyon. Sige at ako'y hahayo na." paalam nito.

Naiwan akong tulala habang nakatitig lang sa papalayong bulto ni inay. Bakit tila parang may mali? Kung hindi nila sasabihin sa akin, puwes ako mismo ang tutuklas.

×××

"Anong balak mo ngayon? Huwag mong sabihing tutulong ka sa paghahanap?"

"Parang ganun na nga ngunit sekreto lamang. Nagiging interesado na ako sa nawawalang prinsesa." nakangiting sambit ko.

"Delikado iyang gagawin mo Liya, papaano kung paghinalaan ka ng mga guardia sibil? O hindi kaya ng Tenyenteng iyon?" nag-aalala nitong wika.

Sinabi ko sa kanya ang narinig ko kanina kina inay. Hindi man klaro batid kung may mali talaga.

"Hindi naman ako magpapahuli, Mara."

"Kahit na, baka mapano ka. Lalo na iyang puso mo. Baliw kana ba?"

Napangiti na lamang ako sa mga sinasabi nito. Mabuti na lang talaga nakilala ko ang isang tulad ni Mara. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat para pakalmahin.

"Ito ang tatandaan mo Mara, walang mangyayari sakin. Pangako." ngumiti ako ng may katiyakan sa aking puso't isipan.

Sisiguraduhin kung ligtas ako, sayang din ang gantimpala. Gayung mahilig ako sa pagtuklas, gagamitin ko na lamang itong libangan.

"May tiwala ako sa iyo kaibigan, kung may kailangan ka naririto lamang ako upang makatulong kahit papaano." anito.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Mukhang magsisimula ako ngayon.

"Kailan mo balak magsimula?"

"Baka ngayon?" pagdadalwang-isip ko.

"Ngayon talaga, Liya?"

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon