KABANATA 8
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas. Kinusot ko muna ang aking mga mata at muling idinilat. Mukhang umaga na nga. Inayos ko muna ang higaan bago lumabas ng silid. Tumambad sa akin si Aleng Marimar na abala sa paghahanda ng mga gamit na dadalhin sa bayan.
"O, Liya. Mag-ayos kana at aalis na tayo maya-maya lang." tugon ni Aleng Marimar.
Mabilis na tinungo ko ang likod bahay upang maghilamos at nag-ayos na rin ako matapos nun. Napansin kung wala na si Turyong, narinig ko ring maaga itong nagising upang umuwi sa kanila. At mukhang sa bahay ng mga Alonso ang gawi ng ginoong iyon. Napapaisip na talaga ako kung isa ba siya sa mga magkapatid o isa lamang siyang tauhan roon. Ngunit bakit may may kausap siya na tila nagmamanman sa kanya sa tuwing nakatalikod ito?
"Apo, tulala ka riyan. Kumilos kana at baka maiwanan ka."
Agad akong pumasok sa loob at inihanda na rin ang mga dadalhin ko. Hindi naman gaanong kadami, damit lamang at ibang mga kailangan.
"Halina kayo." sigaw mula sa labas.
Lumabas na ako at nakita ang mga kasamahan naming isa-isa ng sumakay sa balsa. Isang balsa lamang ang gagamitin, kalahati na lamang kasi ang hindi pa mabebenta. Pagkatapos nito ay makakauwi na ako. Napangiti na lamang ako sa aking naiisip. Nais Kung tanungin si Mara patungkol sa mga Alonso. Nagiging interesado na ako ngayon sa pamilya nila. Dahil iyon kay Turyong, baka kasi isa siyang sugo sa pamilyang iyon. Lalo pa't malapit si ginoong Fulgencio kay lolo at baka may binabalak itong masama. Ayaw ko sanang mag-isip ng masama sa ginoong Fulgencio na iyon ngunit hindi maalis sa akin ang hindi mag-alala sa kaligtasan ni Lolo. Kung may gagawin mang masama ang mga ito saamin? Ano naman ang naging kasalanan namin sa kanila Kung ganun?
Nakarating kami sa bayan ng matiwasay, ngunit ilang sandali lamang ay napansin namin ang mga taong nagbubulungan matapos makaalis ng isang estranghero sakay ang kanyang kabayo. Mukhang napansin rin ni Lolo pero hindi man lang ito nag-abalang umusisa. Wala na akong nagawa kundi pumuwesto na habang isa-isang inihilera ang mga gulay at prutas.
"Bakit hanggang ngayon ay wala pa si Turyong?" biglaang tanong ni lolo.
Huminto rin ako sa ginagawa dahil room, nagawi ang paningin ko sa daan papasok sa sentro.
"Lo, may pupuntahan lamang ako." pagpapaalam ko.
"Hintayin muna natin si Turyong, apo at ng masamahan ka niya."
Siya po Ang pupuntahan ko, Lo.
"Ayos lamang ako, Lo. Hindi Naman po ako lalayo." naka ngiti kong tugon.
Wala na rin itong nagawa at pinayagan na lamang akong umalis. Alam kong hindi rin naman ako matitiis ni Lolo. Mabuti na lamang at hindi na ito nagtanong pa kung saan ako pupunta. Mula sa pagmamadali papunta sa mabagal na hakbang ang aking ginawa dahil sa mga bulungan na halos rinig ko na.
"Kumikilos na ang hari, mukhang magkakaroon na naman ng pagsisiyasat dahil sa nawawalang prinsesa."
Prinsesa? Kung ganun ay totoo nga ang kuwento sa akin ni Mara tungkol sa nawawalang prinsesa. Ngunit bakit may pagsisiyasat na nagaganap? Mukhang may ibinalita ang estranghero kanina. Wala pa akong panahon para kaganapang ito dito sa bayan at may pagsisiyasat rin akong ginagawa. Tuluyan akong pumasok sa loob ng daan patungong sentro. Katahimikan ang namutawi sa loob, hindi katulad sa labas na pamilihan ay maingay. Dito sa loob ay tahimik lamang na naglalakad ang mga tao.
Nagpalinga-linga ako sa bawat bahaging aking madadaanan at baka may makapansin sa akin. Kailangan kong mag-ingat at Ang daan na aking tinatahak ay patungo sa lugar ng nga Alonso. Napalingon agad ako sa aking likurang bahagi nang mapansing may sumusunod. Paglingon ko ay mangilan-ngilan lamang ang mga dumadaan kaya binilisan ko at nilakihan ang bawat hakbang, lingon pa rin ako ng lingon sa aking likurang bahagi at may sumusunod nga.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
Aktuelle LiteraturANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...