Piging

0 0 0
                                    

KABANATA 23




Nagising ako sa isang kakaibang silid, maging ang mga palamuti nito nitong nakapaligid saakin. Naririto na yata ako sa loob ng Cremury, napadpad ang paningin ko sa ibabaw ng aking kama. Isang pamilyar na disenyo.

"Ito ang nakalagay saaking tali." sambit ko.

Kinapa ko sa aking ulo ang tali at kinuha iyon kaya bumagsak ang lahat ng buhok kong nakatali. Magkapareho nga, mayroon lamang nakaukit sa gilid ng kuwadro. Isang lengguwaheng hindi ko maintindihan, ngunit sinabi na ito ng aking kapatid na ito ang kanilang gamit sa panulat at iyon ang itinuturo sa kanya. Sabi pa nito saakin ay mag-aaral kami ng sabay rito sa loob ng Palasyo sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa pagiging dugong-bughaw. Tumatak sa isip ko ang mga dapat na paghandaan kaya dapat marami akong malaman upang maipagtanggol ko ang aking sarili at mga Mahal ko sa buhay pagdating ng araw.

Nagulat ako nang may kumatok sa pinto, napatingin ako rito at hinintay kung may magsasalita sa labas.

"Mahal na prinsesa, ako po si Rapexa ang iyong tagasilbi." anito sa labas ng aking silid.

"Pumasok ka."

Bumukas ng dahan-dahan ang pinto at nakangiting pumasok ang tagasilbi. Maging ang kasuotan nito ay kakaiba rin at mayroong mga palamuting nababalot sa kanyang kasuotan na hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang disenyo nito.

"Magandang gabi, mahal na prinsesa. Pinapatawag na po kayo sa labas, ngunit bago po kayo bumaba ay nakahanda na po ang panligo ninyo sa loob ng banyo."

Itinuro nito ang isang pinto dito sa loob ng aking silid.

"Maligo na po kayo at sandali na lamang po ay darating na ang mga panauhin." anito.

Oo nga pala, may piging na magaganap dahil sa aking pagbabalik sa palasyo.

"Hihintayin ko po kayo rito sa labas hanggang sa matapos po kayong maligo."

Sinunod ko ang sinabi nito, naglakad ako papunta sa isang pinto kung saan itinuro ng tagasilbi. Dahan-dahan kong binuksan ito, halos malaglag ang panga ko sa labis na gandang aking nasilayan. Nakangiting binalingan ko ng pansin ang tagasilbi bago pumasok sa loob at isinara ang pinto.

Hinaplos ko ang isang malaking malalim na lalagyan ng tubig na may nakalutang na talulot ng bulaklak. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya hinubad ko lahat ng suot ko at sumakay sa isang bagay na kagaya ng isang bangka. Ilang minuto akong nakababad doon bago tuluyang umalis at nagpalit ng damit na naririto lamang sa loob ng banyo.

"Ito po ang inyon susuotin mahal na prinsesa."

Napatingin ako sa likurang bahagi ng tagasilbi. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng aking mga mata ngayon. Dati rati ay sa libro ko lamang ito nakikita sa tuwing may masisilayan akong librong nabibili ni Mara, ngunit ngayon ay maisusuot ko na ang kanilang kasuotan.

"Tutulungan ko na po kayo, Mahal na prinsesa." saad ng tagasilbi at inalis nito ang damit na susuotin ko sa lalagyan nito.

Tinulungan nga ako ng tagasilbi sa pag-aayos ng aking sarili hanggang sa napatingin ako sa malaking salamin na nasa harapan ko.

"Ak-ko ba...talaga ito?" tanong ko sa aking sarili na ngayon ay kaharap ko sa isang salamin.

"Napakaganda ninyo Mahal na prinsesa." sambit ng tagasilbi.

"Lalabas lamang po ako, babalik lamang ako kapag ipapatawag na kayo Mahal na prinsesa." anito at tuluyang umalis.

Hindi pa ko makuhang umalis sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa aking hitsurang nasa salamin. Nang magsawa ako sa aking hitsura ay umupo muna ako sa isang upuan malapit sa aking kama. Magiging maayos rin ang lahat, alam kong sa oras na makarating ako rito matatagalan pa ang pagbalik ko sa Pilipinas lalo pa't marami pa akong kailangang malaman bilang isang prinsesa at tagapagmana.

Sa oras na lumabas ako sa silid na ito, ipinapangako kong gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat sa trono ng sa gayun ay maprotektahan ko ang lahat ng taong mahalaga saakin.

"Mahal na prinsesa?"

Bumukas ang pinto at pumasok muli ang tagasilbi.

"Oras na po." anito.

Nang makatayo ako ay tinulungan niya ako saaking kasuotan lalo pa't napakabigat nito. Siya na rin ang nag-ayos sa bahaging likuran habang ako ay naglalakad.

Nagulat ako nang bumukas bigla ang pinto, kasabay nun ay ang maraming ilaw na nasa kapaligiran. Makikita mo rin sa ibaba ang maraming panauhin sa palasyo. Napakaganda ng lugar na ito at halos umiilaw lahat at kumikinang. Mayroon ding nagsasalita sa maliit na entablado haggang sa tawagin nito ang aking pangalan ngunit pangalang simula ngayon ay dadalhin ko na.

"Please welcome, our Princess Margarita Morgan."

Hindi ko man masyadong naintindihan ang sinabi ng ginoo na naka tayo sa entablado batid kong tinatawag ako nito.

"Lumakad na kayo Mahal na prinsesa." pukaw sa atensyon ko ng tagasilbi.

Nagsimula na akong maglakad kasabay ng tugtog na sumasabay sa nararamdaman ko ngayon. Kasabay nun ang nagkikislapang hindi ko alam, kahit na masakit sa mata ay ngumingiti lamang ako bilang pagpapakita ng respeto sa mga panauhing naririto.

Pinaakyat ako ng Hari at Reyna sa entablado at iniabot saakin ang mikropono.

"Maraming salamat sa mainit na pagsalubong sa akin. Sana ay magsiya kayo sa Munting piging na hatid ng aking ama at ina."

Nagsalita naman ang lalaking kanina pang naririto sa entablado tila isinalin nito sa englis ang aking sinabi upang maintindihan ng lahat. Kasunod nito ay ang hiyawan ng lahat, nilapitan naman ako ng inang reyna upang ipakilala sa mga mahalagang panauhin sa gabing ito.

Dahil hindi pa ako ganoon kagaling sa wikang englis, ngumingiti lamang ako at tumatango. Hanggang sa pinaupo muna ako ng ina kung saan ang mesang pagsasaluhan namin sa pagkain. Maya-maya pa'y may nag-anunsyo sa harap ng entablado na kainan na.

Isa-isang nagsitayuan ang mga bisita habang kami ay pinagsilbihan ng mga tagasilbi ng palasyo.

Abala ako sa aking paligid sapagkat ngayon lamang ako nakasaksi ng ganitong lalaking palasyo sa tanang buhay ko. Lalo na at ngayon lamang ako naka Kita ng klase-klaseng damit at malalaman mo talagang galing ito sa mga mayayamang angkan.

"Kumain ka na, anak." pukaw saakin ng ina.

"O-Opo.."

Mabuti na lamang at alam ko pa ang tamang galaw at paggamit ng kubyertos kaya hindi ako nahirapan. Hanggang sa matapos kaming kumain. Biglang tumugtog ang mga nakahilerang naka-itim sa gilid ng entablado at nagsimulang lumukod ang malamyos na musika sa loob ng Palasyo. Nagsitayuan naman ang magkapares at sumayaw sa gitna. Hindi rin nagpatalo ang Reyna at hari. Doon sa gitnang bahagi ito sumayaw, nagpaalam din saakin si Namadna upang magbanyo. Maiwan akong mag-isa sa mesang aming inuukupahan. Sa hindi malamang dahilan natabig ko ang telang nasa ibabaw ng mesa na gamit upang pamunas sa mukha, nang makuha ko ito. Dalawang pares ng sapatos ang nahagip ng mga mata ko nang nahawakan ko ang tela. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin.

"Magandang gabi mahal na prinsesa." bati nito.

Napangiti ako nang mapagtanto kung sino ang nasa aking harapan. Mabuti na lamang at naririto ito upang may makasama naman ako ngayong gabi.

"Magandang gabi din saiyo....Tenyente."





🦋

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon