KABANATA 26
Maagang nagising ang lahat sa palasyo, lalo na ang Hari. Nang pumasok kanina sa aking silid si Rapexa sinabi nitong gising na ang Hari at ako'y maghanda upang mag-agahan ng maaga. Kaya ngayon nasa harapan na ako ng salamin nag-aayos. Isinuot ko ang ibinigay ni Rapexa, nagtatakang napatitig ako rito. Hindi ko alam kung anong gagawin namin ngayon at bakit ito ang aking kasuotan. Batid kong sa suot na ito ay may gagawin na naman kaming panibago.
Napaayos ang aking pag-upo sa harap ng salamin nang may kumatok.
"Princess? Kakain na po." anito.
Dumaan ang mahabang buwan ito na ang tawag nila saakin simula nang malaman nilang maalam na ako sa wikang englis. Ngunit hindi ko pa rin nakakalimutan ang wikang nakasanayan. Ang wikang tagalog.
"Lalabas na ako." sagot ko rito.
Sandaling tinitigan ko ang aking mukha sa salamin bago lumabas ng silid.
Nakarating ako sa hapagkainan ngunit wala pa ang Hari.
"Nasaan ang Hari?" tanong ko sa isa pang tagasilbi na abala sa paglapag ng mga pakain.
"Kinausap pa po ang isa sa mga kawal." sagot nito.
"Good morning princess!" maligayang bati ng kararating lamang na prinsipe.
"Good morning our naughty prince." natatawang bati ko rito.
"You're always pissing me off princess." anito.
Napahagikhik naman ang ibang tagasilbi dahil sa inasal nito. Na para bang bata kung mainis.
"Yeah, I know. Seat down and we'll wait for father."
Nang maupo ito, agad nagsiyuko ang mga tagasilbi hudyat na dumating na ang Hari.
"Good morning father." bati ni Namadna.
"Good morning po." bati ko rito.
"Good morning, okay let's eat." anito.
Nasa gitna na kaming ilang minutong katahimikan nang magsalita si Ama.
"Bagay saiyo ang suot mo ngayon anak." nag-angat ako ng paningin upang masigurong ako ba ang tinutukoy nito.
"Ahm.. salamat po. Ngunit ama, nais kong malaman kung may pupuntahan ba tayo? At ganito na lamang ang aking kasuotan."
"Sasama ako ama kung maaari." sunod na wika ni Namadna.
"Gagawa tayo ng pagsusulit," napatingin ito Kay Namadna na naghihintay sa sasabihin nito sa kanya.
"Magbihis ka rin at isasama kita, ng sa ganun ay dalawa kayo."
"Salamat ama, magbibihis na ako." anito at nagmadaling umalis sa hapag.
Nasaan kaya ang Reyna.
"Mangangaso tayo anak, ating susubukan ang iyong mga natutunan dito sa loob ng palasyo sa walong buwan mong pag-eensayo rito."
Mangangaso? Sa tanang buhay ko hindi ko pa ito nagagawa sapagkat natatakot ako. Baka hindi ko kayaning panain ang kahit anong hayop.
"Bakit?" tanong nito nang maging tahimik ako.
"Wala po, kung ganun po sige."
Tumango ito at tumawag ng isang kawal na nakapuwesto sa gilid ng poste. May ibinulong ito ngunit hindi ko na pinansin sapagkat tinatapos ko ang aking pagkain.
"Sya nga pala anak. Ang iyong ina ay abala ngayong linggo kaya hindi natin siya makakasamang kumain rito."
Tumango ako bilang pagtugon, sandaling pinunasan ng Hari ang mukha niya ng malinis na tila at tumayo.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...