Paalam

9 1 5
                                    

KABANATA 19




Nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang makita ko kung sino ang pumigil saakin.

"Bakit ngayon ka lang? Anong nangyari?" pag-aalala ko.

"Paumanhin prinsesa, matagal ko kasing nakita ang Señor."

"Ayos lang iyon ang mahalaga naririto kana, halina't bumalik na tayo baka tayo ay gabihin."

Naglakad na kami pabalik, tanaw namin sa malayuan ang kababalik lang din na hari at reyna.

Tahimik lamang ang aming paglalakbay pauwi batid kong may nais sabihin saakin si Rosa ngunit hinihintay ko lamang na makarating kami saaking silid. Hindi puwedeng may makarinig saamin.

"Saan ka nga ba galing kanina?" biglaang tanong ng kapatid ko.

Hindi man ito naka tingin Kay Rosa batid kong ito ang tinatanong niya. Nagkatinginan kami sandali bago ito tuluyang sumagot.

"Paumanhin Mahal na prinsipe, may hinahanap lamang po ako." agad akong napatingin sa kanya.

"Hinahanap ko po kasi ang pamilya ko, nagtanong-tanong lamang ako sa tabi-tabi at hindi ko namalayang ang oras. Paumanhin po." patuloy nito.

"Ganun ba, hayaan mo bago pa man kami makaalis rito hahanapin natin ang pamilya mo."

Sabay kaming napatingin ni Rosa sa kapatid ko. Hindi ko aakalaing manggagaling ito sa kanya mismo.

"N-nako po, huwag na Mahal na prinsipe. Isang malaking kahihiyan iyon sa parte ko, ako na po ang bahal---"

"Sa ayaw at sa gusto mo, hahanapin natin ang pamilya mo." lumingon ito saamin at ngumiti na para bang sanay na itong gawin kahit kanino.

"Ngunit paano mo iyon gagawin kapatid?"

"Madali lang iyan, ate. Kung tutulungan mo kami mas mapapadali."

"Ayos lang saakin, nais ko rin namang tumulong."

Nakangiting tumingin kami kay Rosa na unti-unting namumuo ang luha sa mga mata nito.

"Nakakahiya naman ito, talagang prinsesa at prinsipe pa ang tutulong saakin."

"Ano ka ba Rosa, kaibigan ka na rin namin." wika ko.

Yumakap ito bigla sa sobrang tuwang nadama. Alam ko rin ang nararamdaman nito sapagkat ngayon ay nangungulila na rin ako sa pamilya ko. Nais ko na silang makita sa lalong madaling panahon.

"Maraming salamat." bulong nito saakin.

"Maraming salamat rin saiyo Mahal na prinsipe." kumalas na rin ito sa pagkakayakap saakin.

"Puwede bang Namad na lamang ang itawag mo saakin kapag tayo-tayo lamang ninyo ang magkakasama?" pakiusap ng kapatid ko Kay Rosa.

"Sige ma--Namad, kagaya ka rin ng iyong kapatid, nais niyang pangalan na lamang ang itawag imbes na prinsesa. Pinagpala talaga kayong magkapatid." bakas ang inggit nito sa kanyang tuno.

"Lahat tayo ay pinagpala Rosa, mayroon lamang talaga tayong kinakaharap na suliranin na nais ng panginoon na lampasan natin. Kagaya na lamang ng paghahanap mo sa iyong pamilya, kung hindi ka susuko tiyak na pagpapalain ka ng diyos at mahahanap mo rin sila."

"Sana'y magdilang anghel ka, Liya." anito.

"Sandali lamang, bakit Liya ang itinawag niya saiyo ate? Iyon ba ang pangalan mo rito? Kasi iba ang iyong pangalan sa Cremury." saad nito.

"Julia, iyon ang pangalan ng pangalawang pamilya ko bunso. Liya naman ay ang aking palayaw at iyon ang ipinapatawag ko saakin. Kagaya ng iyon, nais mong Namad ang itawag saiyo imbes na prinsipe."

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon