KABANATA 11
Nakarinig kami ng ingay mula sa papalapit na mga guardia sibil. Dali-dali akong itinulak nito papasok sa daanan papuntang kusina ng bahay. Ngayon ko lamang napagtantong nasa bahay niya pala kami tumigil.
"Kanina pa tayo paikot-ikot magpahinga muna tayo sandali sa banda roon." wika ng isa sa mga guardia.
Narinig namin ang papalayong yabag ng mga ito.
"Dito ka muna at may kukunin lamang ako sandali."
Hindi pa man ako naka sagot ay umalis na ito. Naupo ako sa isang kahoy na sinadya lamang na ilagay rito sa lutuang bahagi. Ilang sandali lamang ay nakabalik na ito ng may dalang lampara na magsisilbing ilaw namin.
"Tara pumasok na tayo, nasa harapan ang pinto na mabubuksan ko." anito.
Bakit nga ba niya ako sinundan? Nagdadalawang isip man ay sumunod na lamang ako rito. Wala akong ibang pagpipilian, gabi na ngayon at mahirap ng makalabas lalo na at makakapansin sa amin ang guardiang nasa hindi kalayuan saamin na nagpapahinga.
"Heto hawakan mo muna." inabot nito ang lampara at dahan-dahang binuksan ang pinto.
"Akin na ang lampara at mauna kang pumasok." wika nito.
Noong una titig na titig lamang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isipan nito ngayon. Lalo na at nanghihinala ako sa kanya.
"Huwag kang mag-alala ligtas tayo rito." anito.
Tuluyan na akong pumasok pinaupo ako nito sa bakanteng upuan na minsan ko na ring nasilayan nang kami ay natulog rito. Inilagay nito ang lampara sa harap ko at sinindihan pa ang iba upang maliwanag ang loob ng bahay.
"Hindi ba't delikado?" pag-aalala ko.
"Alam nilang may naninirahan rito kaya hindi sila magtataka." sagot nito sa mahinahong boses.
Tumango lang ako dahil sa sinabi nito, mas lumawag na rin ang takot na nararamdaman ko. Ngunit bakit kaya ito sumunod sakin?
"Turyong? Nais ko lamang magtanong kung bakit naroon ka sa kinatatayuan ko. Sinusundan mo ba ako?" naiilang kong tanong.
"Sinundan kita dahil umalis Kang mag-isa delikado na sa mga oras na ito. Mabuti na lamang at naabutan kita---"
"Iyan ba ang dahilan mo o may iba pa?" matapang kong tanong.
Malabong sinadya niyang sundan ako. Alam kong si Matthias ang sinusundan niya, ayaw lamang nitong sabihin sapagkat magtatanong lamang ako. Nakapagtataka dahil magkaibigan ang isang indio at ang Tenyente.
"Sana'y manatiling lihim lamang ang nakita mo kanina... Liya. Nagawa lamang ni Matthias na itago ang kanyang pagkatao sapagkat iyon ang nais niyang daan upang mapalapit sa kanya ang mga tao. Nais niyang malaman ng mga ito na hindi siya basta-bastang Tenyente lang---"
"Isa ba siya sa kanang kamay ng isa sa mga anak ng pamilya Alonso?" putol ko sa kanya na siyang ikinagulat nito.
"S-saan mo nakuha ang balitang iyan?"
"Sagutin mo na lamang ang tanong ko Turyong."
"Aayusin ko lamang ang tulugan mo at ng makapagpahinga ka na."
Nais ko siyang pigilan at piliting sagutin ang katungang iyon. Ngunit wala akong lakas ng loob lalo pa't naririto ako sa lugar niya. Masyado na akong pagod sa kakaisip sa plano kong hanapin ang prinsesa. Nadadala sa akong sa aking emosyon. Hinintay ko itong matapos at tawagin ang pangalan ko. Hanggang sa makaramdam ako ng antok at ginaw, ipinilig ko ang aking ulo sa upuan.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...