KABANATA 30
Pinilit kong tumayo kahit na ako'y nahihilo dahil sa pagkahukog ko mula sa kabayo. Nakikita kong palapit ng palapit ang mga ito kaya Marion kong ipinikit ang mga mata upang kumuha ng lakas sa lupa at ng maitulak ako patayo.
Pinana ko muna ang isa sa kanila bago ako umiwas sa palasong papalit sa aking gawi. Pumasok ko ang masukal na kagubatan, hinihiling ko na sana ay mayroong daan rito patungo sa Intramuros o hindi naman kaya ay sa kapatagan. Ngunit batid kong ilang oras ang igugugol nun bago ako makarating doon. Laking pasalamat ko nang makakita ng isang lumang bangka sa gilid. Nagtatakang sinuyod ko ang gubat, tila may anghel na nagbigay saakin ng pagkakataong makatakas sapagkat nakikita ko ngayon ang ilog kung saan hindi ko alam kung hanggang saan ang hangganan.
Kailangan ko lamang magtiwala, ito ang makapaglilligtas saakin ngayon. Mabigat ngunit pinilit kong hinila ang maliit na bangka patungo sa gilid ng ilog. Mabilis ang galaw ko hanggang sa makasakay ako rito. Mabuti na lamang at kahit papaano ay nagagamit pa rin ang sagwan.
Tumingin-tingin ako sa likurang bahagi, ngunit wala ng sumusunod saakin. Binilisan ko ang pagsagwan hanggang sa makarating ako sa malawak na karagatan. Sa gilid lamang ako dumaan hanggang unti-unting naging pamilyar saakin ang bawat paligid.
"Ang dalampasigan."
Hindi makapaniwalang kumurap-kurap pa ako sa aking nakikita ngayon. Ito ay ilog patungo sa karagatan, at mula sa ilog na iyon ay maaaring dumaan sino man at makapunta sa dalampasigang ito.
Nakarating ako sa dalampasigan at hinila sa buhanginan ang kalahating parte ng bangka bago tuluyang umupo dahil sa pagod.
Agad ding pumasok sa isip ko malapit lamang dito ang aking ama na siyang bihag pa rin ng Hari. Tumayo ako at inayos ang sarili, kailangan ko ng kumilos sa paraan na alam ko. Ngunit nasa daan pa lamang ako pataas nang makarinig ako ng mga yabag ng natatakbuhang mga kabayo at mga tinig na nagsisigawan.
"Secure the area!"
"Anytime the General will come and save the King!"
"Natakas ang prinsesa, kailangan nating ibalita agad ito sa prinsipe."
Isa lamang iyan sa mga naririnig ko, biglang na lamang akong binalot ng takot nang marinig ang isa sa mga sinabi ng mga ito. Pupunta si Viktur para iligtas ang ama ko. Hindi siya maaaring pumarito at masisira ang aking plano. Ngunit batid kong hindi rin naman tutupad sa usapan ang prinsipe. Mapipilitan akong kitilin ang buhay nito.
"Kapansin-pansin ang masukal na bahaging ito."
Rinig ko mula sa aking kinaroroonan na hindi rin naman malayo kung saan ang lagusan pababa rito sa dalampasigan.
Laking gulat ko nang mapatingin ako sa kakadaung lamang na bangka. Lulan nito si Matthias at... Viktur. Hindi. Hindi. Hindi.
Bumaba agad ako ng hindi lumilikha ng tunog mula sa mga patay na dahon at sanga. Kailangan nilang bumalik sa isla kung naroroon ang pamilya ko. Maging si Matthias ay ayaw kong mapahamak pagkat wala ng magbabantay saaking kapatid.
"Hindi dapat kayo naririto---"
"LIYA!/PRINCESS!" sabay nitong banggit sa aking pangalan.
Sandaling nagkatitigan ito bago muling bumalik saakin ang mga paningin. Bakas rito ang galit at pag-aalala at alam ko kung bakit.
"Halos nagkagulo ang palasyo sapagkat nawawala ka. Anong ginagawa mo rito g mag-isa---"
"Kailangan ninyong umalis. Naririto sila---"
"Kaya nga kami nandito, hinihintay namin ang hukbong pinadala ng iyong ina. Madali lamang silang makarating sapagkat hindi ito mula sainyong bansa." paliwanag ni Viktur.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...