KABANATA 20
Narating na namin ang dalampasigan ngunit nasa isip ko pa rin kung bakit nasabi saakin iyon ni Turyong.
"Ayos ka lang ba, prinsesa?" biglaang tanong saakin ni Matthias na kabababa pa lamang.
Napatingin ako sandali sa gawi ni Turyong, saktong napatingin din ito saakin. Iniwas ko kaagad ang aking paningin sa kanya.
"Oo, ayos lang ako."
"O sya, Mauna na ako sainyo at uuwi pa ako sa Trinidad." paalam ni Matthias.
Ibig sabihin kami na namang dalawa, ayos sana ang paglalakbay namin kanina ngunit nang mangyari ang hindi ko inaasahan sa bangka kanina. Mas nanaisin kong maglakad kung hindi lang ako aabutin ng gabi sa daan.
"Humayo na tayo." anito, agad din akong sumunod sa kanyang paglalakad.
Tahimik kaming naglakbay nang may makasalubong kami.
"Ayusin ang iyong talukbong." ma-awtoridad nitong utos.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at inayos agad ito. Sumilip ako mula sa likurang bahagi ni Turyong. Dalawang tao at sakay ito sa kani-kanilang mga kabayo. Kakaiba ang kanilang kasuotan at ngayon ko lamang ito nakita.
"Magandang hapon saiyo ginoo at saiyong kasama." bati ng matanda.
"Ganun din sainyo." kalmadong sagot ni Turyong.
"Nais lamang naming magtanong kung saan ang daan patungo sa Sitio ng San Jose?"
Bakit nila hinahanap ang Sitio namin? Napahawak ako sa braso ni Turyong.
"Ano ang kailangan ninyo roon?"
"May, ibibigay Sana kaming sulat."
Sulat? Para saan at kanina naman Kaya galing ito? May hinahanap ba sila?
"Ang daang ito ay sundin lamang ninyo kapag may nakita kayong mga bahay, iyon ang lugar na hinahanap ninyo." tugon ni Turyong.
"Maraming salamat, ginoo. Mauna na kami." sagot ng matanda.
Nagsimula na itong patakbuhin ang kabayo, habang tinitigan pa kami ng kasama nito bago tuluyang umalis.
"Sundan natin sila." sambit ko.
"Ano?"
"Sundan natin sila ngayon din."
"Liya, delikado ang iyong nais. Baka mapahamak tayo, inihabilin ka saakin ng iyong ama't ina."
"Hindi mo naman ako hahayaang mapahamak Hindi ba?"
Sandaling tumahimik ito at pinatakbo ang kabayo sa direksyon patungong Sitio. Kinakabahan man ngunit mas nanaig saakin ang kuryusidad kung bakit at kung saan patungkol ang sulat.
"Delikado ang ginagawa natin, Liya. Hindi natin kilala ang mga iyon." wika nito.
"Kaya nga natin sila sinusundan."
Nasubsob ang mukha ko sa likuran ni Turyong nang bigla itong napahinto.
"Arayy!"
"P-Patawad."
Napahawak ako sa aking noo habang dahan-dahan itong bumaba mula sa kabayong sinasakyan.
"H-Hi-Hindi."
Halos malugmok ang katawan ko sa aking nakikita. Tinutupok ng apoy ang mga bahay, ngunit ni isa walang nag-apula nito. Saan ang mga tao, sina Mara? Mabilis na bumaba ako sa kabayo at tumakbo patungo sa mga bahay.
"LIYAAA!" sigaw saakin ni Turyong, ayokong makinig sa kanya.
"LIYAAA BUMALIK KA RITO."
Halos madurog ang puso habang tinitingnan ang apoy na halos kainin na ang buong lugar. Sinong may gawa nito?
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
Ficción GeneralANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...