KABANATA 28
Pumatak ang gabi, matapos kaming kumain mabilis na umakyat ako sa aking silid. Sandaling nagkuwentuhan kami ni Rosa nang pumasok ito sa aking silid. Napaiyak ito nang mayakap ako.
"Huwag ka ng tumangis riyan Rosa, naririto na ako."
Kumawala ito sa pagkakayakap at humarap saakin kasabay ng pagpunas nito ng kanyang mga luha.
"Patawad, hindi ko lamang maiwasan na maiyak dahil nakita kitang muli. Gumanda ka lalo prinsesa."
Napangiti ako sa sinabi nito.
"Ikaw din naman."
"Salamat. Siya nga pala saan ang iyong kapatid? Hindi ko siya mahagilap--"
"Iniwan ko siya sa Cremury upang pangalagaan ang reyna habang wala kami."
"Bakit anong nangyari--"
"Dinukot ng prinsipe ang Hari." mahinahong wika ko.
Napansin kong natahimik si Rosa.
"Huwag kang mag-alala naririto kami upang iligtas siya."
"Ipagdarasal ko ang kaligtasan niyo prinsesa."
Ngumiti ako at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Mabuting tao sa Rosa kaya nasisiyahan akong tinulungan siya ng aking kapatid na mahanap ang pamilya nito.
"Nais ko sanang itanong saiyo Rosa kung nahanap mo na ang iyong pamilya?"
Sumigla ang mukha nito nang tanungin ko iyon sumilay rin ang matamis nitong ngiti na siyang nagpalito saakin.
"Nagpapasalamat ako saiyong kapatid, sapagkat tinulungan niya akong mahanap ang aking pamilya."
"Nahanap mo na pala?"
"Oo, kaya masaya ako. Naroroon sila sa bayan ng Trinidad nakatira."
"Masaya ako para saiyo."
"Salamat prinsesa. Ngunit kailangan mo ng magpahinga, iiwan ko na kayo. Bukas na lamang natin ipagpatuloy ang pagkukuwentuhan."
Akmang aalis na ito nang pigilan ko.
"Bakit mahal na prinsesa?"
"Saiyo ko lamang ito sasabihin, huwag mo sanang ipaalam kahit kanino."
Kunot-noong lumapit ito saaking kinatatayuan.
"May gagawin ba kayong hindi alam ng palasyo?"
"Aalis ako ngayong gabi at pupunta sa bayan ng San Juan."
Gulat na napahawak ng kanyang nakaawang na bibig si Rosa. Mabilis na lumapit ako rito at hinawakan ang magkabilang braso.
"Gawin mo ang sasabihin ko saiyo."
"Ngunit--"
"Makinig kang mabuti saakin, huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang gagawin ko ngayong gabi. Manatili kang tahimik Rosa, pakiusap."
Bakas sa mukha at nga mata nito ang pag-aalala. Batid kong nais nitong pigilan ako ngunit wala na itong magagawa sapagkat nakapagpasya na ako.
"K-kung i-iy-iyan ang na-nais mo."
"Uuwi ako bago sumapit ang umaga. Sige, makakaalis kana at naghahanda lamang ako."
Pansin kong nag-aalangan itong gumalaw.
"Magiging maayos ang lahat, pangako."
Ngumiti ako bilang pagpapagaan ng kanyang kalooban. Hanggang sa makaalis ito sa aking silid. Hindi na ako nag-aksaya ng oras mabilis na nagbihis ako ng damit na alam kong magiging komportable ako. Lumabas agad ako ng silid matapos kong maayaos ang sarili. Sinigurado kong walang taong makasalubong saakin pababa.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...