KABANATA 16
"Li--Liya..."
Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Yumukod agad ako bilang pagpapaumanhin.
"Paumanhin, Señor. Nagagalak lamang akong makita ka, nakaramdam ako ng kaligtasan."
Katahimikan ang sumunod na nangyari, iniangat ko na rin ang paningin. Upang pagmasdan ang reaksyon nito.
"Maupo muna tayo, saglit lamang ang ating pag-uusap sapagkat mag-uumpisa na ang piging."
Nauna itong umupo, sumunod na rin ako dahil nga sabi nito ay ilang minuto na lamang ay mag-uumpisa na ang selebrasyon.
"Natutuwa akong sinunod mo ang aking bilin. Pasensya na at hindi ko sinabi agad saiyo ang aking mga nalalaman noon pa man."
Hindi ko lubos maisip na ganito ang magiging kalalabasan sa pananatiling makasalamuha ang isang Señor Viktur.
"Maraming salamat nga pala...Señor sa pagligtas Kay inay, itay at kuya. Sabihin mo lang ang nais mong kapalit, ibibigay ko."
Napatitig lang ito sa mga mata ko, ngayon ko lang napagtanto kung gaano kaganda ang mga mata nito. Lampara lamang ang ilaw sa silid at ito ay nagdudulot ng kinang sa mga mata nito.
"Hindi mo na kailangang isipin iyan, ang nais ko lang ay ligtas ka at ang iyong pamilya. Kung nais mo silang makita, sundin mo lang ang sasabihin ko."
×××
"Magandang gabi sa ating lahat aking minamahal na mga panauhin. Maraming salamat at pinaunlakan ninyo ang aking imbetasyon." rinig ko mula sa labas ng aking silid.
Kanina pa nakaalis si Turyong, nawala na rin ang kaba na kanina Kong daladal. Dahil na rin siguro sa sinabi saakin nito.
"Nagpapasalamat rin ako sa mga tauhan ko dahil sa wakas natagpuan ko na rin ang matagal ng nawawala kong pamangkin. Ang piging na ito ay inaalay ko sa aking pamangkin."
"Damas y caballeros, denle la bienvida a mi querida sobrina, Princess Margaret Morgan of Thailand." (Ladies and gentlemen, please welcome my beloved niece, Princess Margaret Morgan.)
Matapos sabihin iyon ng hari, bumukas bigla ang pinto. Nagsimula na rin akong maglakad palabas ng silid. Napahinto ako nang nasa unang baitang na ako ng hagdan. Nalula ako sa aking nakikita, mga makapangyarihang tao ang ngayo'y nasa harapan ko.
Dumako ang paningin ko sa lalaking naghihintay saakin sa dulo ng hagdanan. Lumakas bigla ang loob ko, ngumiti akong humarap sa mga tao at higit sa lahat ay sa kanya. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan suot ang damit na napili ko kanina. Ngayon lamang ako nakaranas ng ganitong pagdiriwang, ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi ko maisip ulit ang pamilya ko. Ayos lang kaya sila?
"Ngumiti ka Mahal na prinsesa, huwag kang padadala sa isinisigaw ng puso mo ngayon. Kailangan mong labanan iyan at harapin ang lahat ng ito." wika ni Señor Viktur nang makarating ako sa paanan nito.
"Ligtas ka kung mananatili ka rito, ito ang tunay na pamilya mo at sila lamang ang makakatulong saiyo. Hindi sila ang kaaway rito, Liya. Pakiramdaman mo ang paligid at malalaman mo. Huwag kang mag-alala sa pamilya mo dahil ligtas sila, hawak ng hari ang kaligtasan ng pamilya mo."
"A-akala ko ay ang pamilya ko ang hinahanap ni Heneral Matthias? Nalilito na ako sa mga nangyayari."
"Tama, ang pamilya mo ang hinahanap namin. Nagpanggap ako upang manmanan si Lolo Toming dahil pinaghihinalaan namin siyang ama ng iyong ina at hindi nga kami nagkamali. Ginawa kong magpanggap hindi lang dahil ayokong sa mga paningin ng mga tao na kapag isa sa may dugong matataas ang antas ng pamumuhay ay wala ng puso para sa kapwa kaya nabibili lamang ito ng pera ngunit isa sa mga rason ko ay hanapin kayo...Lalo na ikaw Mahal na prinsesa. Kung kaya'y paumanhin sa aking nagawa, trabaho ko lamang ang protektahan kayo at baka maunahan kami ng mga kalaban at hulihin kayo."
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...