Unang Ensayo sa Palasyo

0 0 0
                                    

KABANATA 24


"Magandang gabi din saiyo... Tenyente." bati ko rito.

Unang tingin palang hindi mo ito makikilala kung hindi ito nagsalita at ngumiti hindi ko mamumukhaan ang lalaking kaharap. Ibang-iba ito ngayon, pormal ang kasuotan, hindi maikakaila ang mukha nitong guwapo. Lalo pa at palagi itong nakangiti, minsan naman ay nang-aasar at iyon ang ayaw ko sa mga ugali nito.

"Maari ko ba kayong maisayaw?" anito na siyang ikinagulat ko.

"A-Ako? Isasayaw...mo?" itinuro ko pa aking sarili bilang panigurado.

"Oo naman." anito sa masiglang tuno.

Kahit kailan hindi ako sumasayaw, sapagkat nahihiya ako. Kaya ayaw kong sumali sa nakagawiang piging namin kapag sumasapit ang araw ng pasko sapagkat magsasayaw kami, kapares ko noon ay ang aking kuya.

"H-Hindi ako marunong ng inyong sayaw."

Sumilay ang mapang-asar nitong ngiti sa labi.

"Ako ang bahala saiyo....Liya." kasabay nun ay nagpahila na lamang ako rito.

Magiging maayos ako ayun sa nararamdaman ko ngayon lalo pa't kasama ko si Matthias. Makakayanan ko ito at may nag-iisang taong kilala ako bilang si Julia Sumatra ng Pilipinas kahit na ang tingin saakin ng lahat dito ay prinsesang baguhan.

"Dito mo ilagay ang kamay mo." masuyong itinapat nito ang mga kamay ko sa balikat nito.

"At aking kamay naman ay dito." nagulat ako nang itinapat nito ang dalawang sa beywang ko.

Unti-unti itong gumalaw na tila sinasabayan ang musika.

"Ipikit mo ang iyong mga mata...Liya..." anito, nagtataka man ay sinunod ko ito.

"Damhin mo ang musika at igiwang mo ng dahan-dahan ang iyong beywang...kasabay ng musika."

Napangiti ako ng unti-unti kong nakuha ang nais nito. Nang makuha ko na sa huli ay iminulat ko na ang aking mga mata. Sandaling napahinto ako nang magkatitigan kami. Hindi ko mabasa ang mga mata nito kung anuman ang nais ipahiwatig. Nag-iwas agad ako ng paningin nang maalala si Turyong.

"Salamat sa pagturo saakin, kung iyong mararapatin nais ko sanang uminom muna ng tubig."

Hindi ko na hinintay ang kasagutan nito, mabilis akong tumakbo patungo sa labas ng Palasyo. Oo, nagsinungaling ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit takot akong mabasa kung anuman ang nasa mga mata ni Matthias kanina. Mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla ko na lang inaalala ang mararamdaman ni Viktur gayung wala naman akong dapat ipangamba. Napahawak ako sa dibdib ko nang lumakas ang kabog nito.

"H-Hindi... Wala akong nararamdaman sa Señor. Wala akong nararamdaman kanino man." sambit ko sa hangin.

Naririto ako sa labas ng palasyo, hindi pa ako nakapasyal sa kabuo-an ng palasyo at ako'y tulog kanina nang makarating rito. Dinala ako ng aking paa sa gilid na bahagi kung saan may mahabang bangko roon. Nais ko lamang magpalamig dahil sa nangyari. Mali yata ang naiisip ko tungkol sa titigan namin kanina ng Tenyente.

"Batid kong nagsinungaling ka saakin." isang boses ang pumukaw sa pag-iisip ko.

"Huwag mo sanang mamasamain ang pagsunod ko saiyo rito, mahal na prinsesa. Nais ko lamang ipaalam sainyo na bukas ng umaga ang simula ng inyong pag-eensayo kasabay ng iyong kapatid." anito.

"Ganun ba, salamat."

Pinilit kong maging maayos ang pagsasalita gayung apektado pa rin ako kanina.

"Aalis na po ako." anito pagkatapos ay yumukod bilang paggalang.

Tumalikod na ito, ngunit akala ko ay wala na itong sasabihin.

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon