Desisyon

3 1 0
                                    

KABANATA 18

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan hanggang sa huling baitang ay nanatiling titig na titig lamang ako sa aking nasaksihan. Napatingin ako kay tiyo Felipe na naka ngiting tumango saakin senyalis na ako'y ngumiti at yakapin sila. Ngumiti na rin ako sa mga ito, nagulat ako sa biglang pagyakap saakin ng reyna. Hindi ko magawang makagalaw, nanatiling naka tayo lamang ako habang tinitingnan ng mga tagapagsilbi at ng mga panauhinng dumating.

"Kay tagal ka naming hinanap anak." anito sa gitna ng aming yakapan.

Hinawakan nito ang aking balikat at iniharap sa kanya, makikita ko sa kanyang mukha kung gaano ito natutuwang makita ako. Ngiti ang aking naging tugon, sumunod namang lumapit saakin ang hari.

"Sa wakas anak nasa harap ka na namin, patawarin mo sana kami at kami ay nahuli. Ang laki-laki muna anak."

Umalis sa harap ko ang Reyna upang mabigyan ng pagkakataong makayakap saakin ang hari. Tuluyang tumulo ang luha ko nang tumitig ako sa reyna na maluha-luha pa rin dahil sa nasaksihan.

"Ayoko ko sana kayong abalahin ngunit, lumalamig na ang pagkain. Nais ko sanang ipagpatuloy ninyo ang kuwentuhan sa gitna ng ating hapag." pukaw saamin ni Tiyo Felipe.

Kumalas na rin ang hari, pinahid nito ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

"Sang-ayun ako saiyo kapatid." tugon ng reyna kay Tiyo Felipe

"Sya nga pala anak, ito ang ate Maragarita mo." pagpapakilala saakin ng hari sa binatilyong kasama nila. Matangkad ito at may hitsura din.

"Swạs dī mạndī thi dị̂ phb khuṇ."  (Hi, it's nice meeting you.)  anito sa lengguwahe Hindi ko maintindihan.

"Xỳā chı̂ p hās ʹāk hxng reā ṭhex ca mị̀ k hêācı phyāyām phūd pĕn p hāa ā filippins." (Don't use our language yet, she will not understand. Try to speak in filipino language.)

Sandaling natulala ako dahil sa pag-uusap nilang hindi ko maintindihan. Hanggang sa tumango ang binata.

"Ako nga pala si Namadna, nakababatang kapatid niyo Mahal na prinsesa." yumukod ito at hinalikan ang aking kamay.

"O sya, halina kayo." tawag muli saamin ni Tiyo Felipe.

Sumabay saakin si Namadna habang nasa huli naman ang hari at reyna, mayroon itong ponag-uusapan. Abala naman ang lahat ng tagasilbi sa palasyo sa kakaayos sa hapag. Pinagsilbihan naman ako ni Rosa pati na rin ang aking kapatid.

Nasa gitna na kami ng hapag ngunit hindi ako mapakali sa titig ng Mahal na prinsesa. Kahit na abala ako sa pagkain ko, nakikita ko sa gilid ng aking paningin na nakatitig ito saakin. Nakangiti ito na tila ba hanggang ngayon ay hindi ito makapaniwala na nasa harapan na nito ako.

"Kumusta naman kayo roon sa kaharian, kapatid?" basag ni Tiyo Felipe sa titig ng Mahal na reyna saakin.

"Maayos lang kami roon, sa katunayan bga noong pinadalhan mo kami ng mensaheng nagpapahiwatig na naririto na ang prinsesa tinipon ko lahat ng mga tao ko sa kaharian upang maging handa sa pagbabalik ng prinsesa."

Tuluyang nabitawan ko ang kubyertos na hawak ko. Mabuti na lamang at mahina lang itong bumagsak kaya mukhang hindi ito nakaagaw ng pansin sa kanila.

"Masaya din akong malamang masaya kayo ngayon." ani tiyo Felipe.

"Nais ko pa sanang makipagkuwentuhan saiyo kapatid, ngunit ang aking gustong mangyari ay saiyong pribadong silid na lamang upang tayo-tayo ang magkarinigan, mahirap na." pabirong wika ng reyna.

"Siya nga pala, Ginoo. Saan mo ba natagpuan ang anak namin?" tanong ng Hari matapos nitong uminom ng tubig.

"Mahabang isturya ngunit aking paiikliin, dahil sa tulong ng inyong kinuhang Tenyente mas napadali ang paghahanap. Sa tuoong rin ng anak ni Armando Alonso ang dating Tenyente ng hukbo ng Intramuros."

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon