Lihim

9 1 2
                                    

KABANATA 7



"O, apo. Saan si Turyong? Hindi mo ba siya nakita?"

Bungad sa akin ni Lolo pagkarating. Gusto ko sanang magtanong Kung gaano na ba kakilala ni Lolo si Turyong ngunit wala akong ganang pag-usapan iyon at baka mabigla rin ito.

"Hindi po, Kaya bumalik na lamang ako."

"Ganun ba apo, sige bantayan mo muna ang paninda at bibigyan ko lamang ng pagkain sina Marimar."

"Sige po."

Umalis na ito dala ang supot ng pagkain. Hindi ko maiwasang mapa-isip kung bakit inilihim sa amin ni Turyong kung saan ito tumutuloy at kung ano------

"Hindi bagay sa isang magandang binibini ang nakasimangot."

Nagulantang ang diwa ko nang magsalita ang isang lalaki sa harapan ko. Agad akong napatayo at ngumiti rito.

"Ano po ang nais ninyong bilhin, ginoo?"

Ngumiti lang ito sandali, kaya napaiwas ako ng tingin.

"Itong lahat ng paninda ninyo ang nais ko binibini."

Umawang ang labi ko sa sinabi nito, ganun na lamang ba ito ka yaman? Napatitig ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Magara ang kasuotan at mukhang mayaman ang itsura.

"Magandang tanghali, ginoong Fulgencio."

Sabay kaming napalingon ng lalaki sa biglaang pagdating ni lolo.

"Sa iyo rin tay Toming."

Teka? Bakit parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyon? Saan ko nga ba iyon narinig?

"Ano ang ibig mong bilhin, ginoo?" tanong ni lolo.

Ngumiti lamang ang ginoo sabay tawa ni Lolo.

"Alam ko na iyang iniisip mo hijo. Huwag na, tama na iyon sobra-sobra na kung bibilhin mo na naman itong lahat ng aming paninda." patuloy ni Lolo.

Ganun na ba sila katagal magkakilala at tila sobrang malapit na sila sa isa't isa.

"Hindi naman po masasayang ang lahat ng iyan tay Toming. Sapagkat nais kung bigyang ng masarap na hapunan mamaya ang mga tagapagsilbi, hardinero at mga batang nasa daan."

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanila habang nag-uusap na parang wala ako sa harap nila.

"Napakabait mo talaga hijo. Kaawaan ka sana ng diyos."

"Salamat ho."

Nakangiti lamang ito, hanggang sa mabaling nito ang paningin sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin at itinoon sa mga gulay na paninda.

"Ah, oo nga pala ginoo. Ito si Liya, ang babaeng apo ko. Liya apo, ito naman si ginoong Fulgencio Alonso, ang pangalawang anak nina Señor at Señora Alonso."

Napaangat agad ang paningin ko kaya nagkasalubong ang mga paningin namin ng ginoo. Gulat ang makikita sa aking mata sa mga sandaling iyon hindi ko aakalaing makikita ko siya sa araw na ito. Dati ay ikinukuwento lamang siya saakin ni Mara. Ngunit ngayon....

"Apo, ayos ka lamang ba?"

"O-opo. Ikinagagalak ko pong makilala kayo ginoong Fulgencio." agad akong yumuko bilang paggalang.

"Ako rin, binibini."

"Liya na lamang po." muling sambit ko habang nanatiling nakayuko.

"Sige, kung ganun, Liya."

"Akin ng ibabalot ang mga bibilhin mo, hijo." wika ni lolo na siyang nagpaayos ng tayo ko.

"Naku, huwag na tay Toming, may lalagyan akong dala." sagot ng ginoo.

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon