KABANATA 25
nong na sana ako sa tagasilbi nang pumasok sa aking silid ang inang Reyna.
"Anak? Gising ka na?"
Mabilis na lumapit saakin ang Reyna ganun na din ang pagkagulat ng Hari.
"Anak!"
Nakatingin lamang sa malayo ang Tenyente habang nag-aalalang hinaplos ng Reyna ang aking mukha.
"May sakit ka pala anak. Hindi mo man lang sinabi saamin."
"Hindi ko kayo hahayaang mag-alala para sa kalusugan ko ina..." tumingin ako rito.
"Ama." pagkatapos ay sa Hari.
"Mabuti na lamang at nariyan si Matthias."
"Napag-usapan naming susunod na linggo na lamang ang susunod na ensayo at ng makapagpahing----"
"Huwag, ang ibig kong sabihin ama. Kaya ko naman, kailangan kong nag-ensayo huwag tayong magsayang ng oras."
Sandaling nagkatitigan ang aking ama at ina. Bago ito nagsalita muli.
"Papayagan ka namin sa gusto mo ngunit hayaan mo kaming pagpahingahin ka ng dalawang araw."
Mas mabuti na rin iyon kaysa naman sa isang liggo. Kailangan kong bilisan ang kilos at paghahanda ng sa ganun ay matapos na ang lahat ng ito. Kung ako ang habol ng sakim na prinsipe, haharapin ko siya sa araw na handa na ako. Ako mismo ang pupunta sa kanya para tapusin na itong lahat. Kung hindi ito madadala sa usapan papayag ako sa pakikipaglaban kung iyon ang nais nito.
"Sige po."
"O sya, magpahinga kana iiwan ka muna namin."
Umalis na sa aking paanan ang Reyna ganun din ang amang hari. Naunang naglakad ang Tenyente malapit sa pinto nang pigilan ko ito.
"Sandali... Tenyente."
Napatingin saakin ang hari at reyna.
"Nais ko sanang makausap ang Tenyente ama."
Sandaling napatingin ito sa nakatalikod na Tenyente.
"Sige, maiwan na muna namin kayo."
Agad na napaharap ang Tenyente at yumukod bilang paggalang sa Hari at Reyna na ngayon ay nakalabas na.
"Aalis na rin po ako prinsesa, babalik ako maya-maya upang maghatid ng inyong hapunan." paalam saakin ng tagasilbi.
"Sandali."
"Ano iyon prinsesa?"
"Nais kong malaman ang iyong pangalan."
"Rapexa... Iyon ang aking pangalan prinsesa." nakangiting wika nito.
"Salamat, Rapexa."
"It's my pleasure princess." anito sa wikang englis.
"Walang anuman ang ibig kong sabihin Mahal na prinsesa." anito at yumukod bago umalis.
Sandaling tahimik ang paligid, nang mapansin ni Matthias na hindi ako nagsasalita ito na mismo ang lumapit sa aking kama at sa paanan ito umupo.
"Ano ang nais mong pag-usapan natin... Liya."
Umangat ang paningin ko dahil sa tawag nito saakin. Ngumiti ito na siyang nagdulot ng kaba sa puso ko. Bakit ganito?
"Liya?"
"Ahm... N-Nais ko sanang turuan mo ako sa wikang englis. Ayaw kong ibang magturo saakin."
Iyon sinabi saakin ni Namadna, may magtuturo saamin dito sa loob ng Palasyo at hindi ako komportable kung iba ang magtuturo saakin.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...