KABANATA 3
Nagising ako nang naramdaman ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking pisngi, iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang aking Inay.
"Tumayo ka na riyan Liya anak at aalis tayo ngayon." saad ni Inay at humarap sa akin.
"Pupunta tayong Kapatagan at ating pag-uusapan ang pagbaba natin sa bayan sa susunod na buwan." nakangiting tugon ni inay.
Sa sobrang pagka bigla ko ay napayakap ako kay inay na siyang ikinagulat nito at yumakap na rin pabalik sa akin. Noong kumawala na si inay tumingin ito sa aking mga mata.
"Alam kong gusto mong matunghayan ang ganda ng bayan. Kung kaya'y napagdesisyonan namin ng ama mo na bumaba tayo ngayong darating na Marso at isasabay namin kayo sa paghatid ng mga inani naming palay." wika ni Inay.
Habang hinahaplos-haplos ni Inay ang aking buhok, Hindi ko maiwasang tumitig rito na may halong tanong na naglalaro sa isipan. Kung bakit nga ba inilihim nila sa akin ang aking karamdaman, akala ko simpleng pagdaramdam lamang ito ngunit mayroon pala akong sakit na hindi ko alam kung kailan at saan ko hahanapin ang lunas.
"Halika ka na sa baba anak at ng makakain kana habang hinihintay pa natin ang iyong Itay at Kuya na nasa balon." ani inay at lumabas na.
Napabungtong-hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang bintana na ngayon ay bukas na bukas at yumayakap sa akin ang lamig ng simoy ng hangin sa umaga. Tumayo na ako at inayos ang higaan saka bumaba.
"Umupo ka na rito sa tabi ko anak at ng makakain na tayo, tapos ng kumain ang Itay at Kuya mo." ani Inay.
Lumapit ako sa tabi ni Inay at nagsimula ng kumain, tuyo at kamote ang almusal namin ngayon. Nakita ko rin sa maliit na sala namin ang isang basket na dadalhin sa Kapatagan. Pansin ko rin ang katahimikan habang kumakain, batid kung nagaalala pa rin sa akin si Inay. Hindi ko namalayang naka titig na pala ako kay Inay kaya nagtatakang nagtanong ito akin.
"Bakit anak? May problema ba?"
Napayuko lamang ako saka nagsalita ng hindi tumitingin sa mga mata ni Inay.
"W-wala po Inay." sagot ko.
Ilang minuto ang dumaan at dumating na sina Kuya at Itay, habang nililigpit namin ni Inay ang aming pinagkainan at agad kong hinugasan. Nung natapos ako, pumasok na ako sa aking silid at kinuha ang gamit na dadalhin, dahil sabi ni inay kanina bukas kami ng umaga uuwi.
Pagkatapos kung makuha ang gamit ko ay lumabas na rin ako at umalis na kami para simulan ang aming paglalakbay, habang kami ay sakay sa balsa patungo kina Lolo Toming.
SA KAPATAGAN.....
Tahimik lamang noong kami ay dumating, tanghaling tapat kaya sumisilong pa ang mga tao rito. Nagsimula ng bumaba si kuya sumunod naman si itay at inay. Habang kinukuha nila ang aming mga dala, hindi ko maiwasang magpalingalinga at baka aking masumpungan ang lalaking nakita ko rito at doon sa dalampasigan.
"Liya, ano pa ang iyong hinihintay riyan? Bumaba kana at dalhin mo na iyang basket at baka nagugutom na ang Lolo Toming mo." ani inay na siyang nagpabalik sa akin sa katinuan.
"Opo Inay." sagot ko at bumaba na sa balsa.
Habang naglalakad kami patungo sa bahay ni lolo, rinig ko na ang pagsalubong niya sa amin. Kaya kumaway na lamang kami. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang sinabi kanina ni inay na narito kami at pag-uusapan ang pagbaba namin sa susunod na buwan sa bayan ng Trinidad. Hindi ko lubos maisip na parang kahapon lang noong pinag-uusapan namin ni Mara ang tungkol sa pagbaba sa bayan. Tapos ngayon totoong bababa kami, napakasaya ko at matutupad na rin ang isa sa nga inaasam-asam kong makapunta sa bayan.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
Ficción GeneralANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...