Señor Viktur

1 1 0
                                    

KABANATA 13




Wala na nga yata akong pag-asang makita ang prinsesa, akala ko pa naman ay magiging madala ang lahat. Kumikilos na rin ang mga guardia sibil, ngunit ako ay parang nawalan na ng gana. Kailangan kong makahanap ng paraan para maunahan ko sila. Sayang din ang pabuya, iyon na lang ang paraan para makaalis na kami rito sa Sitio.

Dinala ako ng mga paa ko sa dalampasigan, inaya ko ring sumama sa akin si Mara ngunit hindi ito sumama sapagkat sasakit lamang daw ang puso niya sa tuwing makikita niya ang lugar na ito. Gusto ko munang pumarito at ng makapag-isip-isip kahit papaano.

"Isang kalapastanganan ang pumarito sa aking---"

Hindi ko sinasadyang mapatayo mula sa pagkakaupo sa buhanginan at lumingon sa nagsalita. Ngunit bigla na lamang itong tumalikod. Halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang mapagtantong si Matthias ang naririto. Paanong napapayag niya si Señor Viktur gayung sekreto lamang ang lugar na ito?

"Ma-Matthias?"

"Paumanhin binibini, akala ko kasi ibang tao ang naririto."

"Ngunit bakit naririto ka, gayung wala naman si Señor Viktur?"

"Minamanmanan ko ang lugar na ito at baka may mga masasamang loob ang maparito."

Mukha ba akong masamang tao?

"Huwag kang mag-alala hindi naman ako----"

"Sinong naririyan, Matthias?" ani ng boses mula sa likuran nito.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita si Turyong suot ang magarang kasuotan. Paanong----

"Isang binibini lamang ginoo, na kilalang-kilala mo."

Umalis ito sa harapan ko at nagtagpo ang mga mata namin ni Turyong. Bakas rito ang pagkagulat.

"A-anong ginagawa mo rito?" may diin na wika nito.

"Sino ka ba talaga?!"

Kailangan ko siyang harapin ngayon mukhang itong problemang ito ang unang mahaharap ko. Mas mabuti na iyon at ng malaman ko rin kung anong pakay niya sa pamilya ko.

"Akala ko ba alam mo na kung sino ako binibini?"

Tila tumaas ang balahibo ng mga braso ko dahil sa matigas na boses nito. Huwag dapat akong matakot sa mga sandaling ito. Unti-unti itong lumapit sa kinatatayuan ko, hindi ako nagpatinag. Hindi niya dapat maramdamang natatakot ako sa kanya at baka ito pa ang maglagay sa akin sa kapahamakan.

"Magtatanong ba ako ginoo, kung batid ko?"

"Magaling! Palaban ka rin naman pala."

"Ngunit alam ko naman ang kahinaan mo."

Nakaramdam ako ng lamig dahil sa sinabi nito. May binabalak nga ito, kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito.

"Mahal na mahal mo naman ang pamilya mo hindi ba?" nagulat ako nang lumapit ito malapit sa tainga ko. Napaatras ako bigla dahil sa takot na naramdaman.

"Tinatakot mo ang binibini, ginoo." ani ng boses sa likuran ko. Nasisiguro kong si Matthias ito.

"Matapang ang isang ito, nakuha nga nitong pumarito sa lihim kong taguan. Ikaw siguro iyong napaparito ngunit nagtatago lamang. Sa tuwing naririto ako."

Dahan-dahan ulit nitong inilapit sa akin mukha niya.

"Tama ba ako, binibini?"

H-huwag mong sabihing siya nga?

"Ik-ikaw....si.... Señor----"

"Tenyente Matthias?! Señor Viktur!? Nasaan kayo?"

Halos pigil ang hininga ko at ganun din siya na nakaharap pa rin sa akin. Bakas din sa mukha nito ang gulat. T-tama nga ako, siya si Señor Viktur. Ng-ngunit bakit kailangan niyang magsinungaling sa amin? Tama nga ang hinala ko noong una pa.

"Ginoo, kailangan na nating kumilos. Akala nila ay nawawala tayo, umalis na tayo rito. Nagawan ko na rin ng paraan ang daan papunta sa gawing ito upang hindi nila mapansin." ani Matthias.

Nalilito man ay hindi na ako nagpatinag nang higitin ni Señor Viktur ang kamay ko. Sinundan namin ang daang tinahak ni Matthias. Sa masukal na bahagi kami dumaan kung saan naroroon ang dulo ng lugar na ito. Malalaking bato ang sumalubong saamin, inakyat namin ito upang maka daan sa lugar kung saan hindi namin masasalubong ang mga guardia sibil na kanina'y naghahanap sa kanila.

"Ayos ka lang ba binibini?" may pag-aalalang bahid sa mukha ng batang Tenyente.

Kung aking sisipating maigi ang hitsura nito ay mag-aalangan kang paniwalaan kung ito ba'y Tenyente talaga o isa lamang sa mga mayayamang angkan.

"Huwag kang mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko."

Nagulat ako nang bigla itong ngumiti na parang nahihiwagaan.

"Paumanhin, ngunit humahanga lamang ako sa katapangan mo, binibini. Tila may kakaiba saiyo na hindi ko pa nakikita sa ibang binibini rito."

"Salamat kung ganun."

Nauna na akong maglakad dahil alam ko na rin naman ang daan na tinatahak namin. Kasunod kung naglakad ay si Matthias habang nasa huli naman si Señor Viktur. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya talaga ito. Malayo kasi ito sa ikinuwento sa akin ni Mara.

"Anong ginawaga ng mga guardia rito?"

Alam kung nag-uumpisa na itong maghanap sa nawawalang prinsesa. Ngunit ayaw kung ipahalata sa Tenyente na alam ko at baka ito ay magtaka na lamang.

"Alam mo na siguro ang pakay ko rito, bukod sa kanang kamay ng Señor."

At ito ay ang hanapin ang nawawalang prinsesa. Kailangan ko silang pangunahan ngunit papaano? Gayung wala na akong ibang paraan upang mas mapadali pa ang paghahanap.

"Ang nawawalang p-prinsesa----"

"Bilisan na natin at ng makauwi ka na sainyo, Liya." bigla na lamang itong pumagitna sa amin ni Matthias. Walang modo ang Señor na ito. Nauuna na itong naglakad saamin na agad din naming sinundan.

Imbes na masindak ay mas kumukulo ang dugo ko sa kanya. Kung hindi lamang ako nagpadala saaking kuryusidad, mas makikilala ko pa sana ang Señor na ito. Ang Señor na mabait ang nais kung kilalanin hindi ang isang walang modo.

"Hayaan mo na siya, binibini." ani Matthias.

Pumasok sa isip ko ang planong hindi ko pa naisasagawa ngunit idinidiin na sa akin ng tadhana.

"Mabuti na lamang at mabait ka." walang emosyong sambit ko.

At ito ay ang makuha ang loob ng Tenyente upang alam ko ang mga galaw nito sa paghahanap sa prinsesa. Magagamit ko rin itong daan upang malaman ang nais saamin ng isang Señor Viktur Alonso na nagbabalat-kayo bilang ginoong Turyong...





🦋

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon