EPILOGO

0 0 0
                                    

Masamang panaginip...

Nagising ako dahil sa naramdamang hindi maipaliwanag sa loob-loob ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata kasabay ng pagdaloy ng dalawang butil ng luha sa aking pisngi. Agad akong napaupo at unti-unti ipinalibot ang paningin.

Nasa hospital ako, nasa loob ako mismo ng pribadong kwarto dahil nag-iisa lang ako sa loob. Dumako ang paningin ko sa isang mahabang sofa kung saan nandoon si Mommy natutulog. Makikita ko sa mukha nito ang lungkot at stress. She have this small black circles at the bottom of her eyes.

Pero yung nangyari sa panaginip ko parang totoong-totoo. Halos tingnan ko na ang sarili pero wala man lang akong makitang sugat. Sinisiguro kong ako yung namatay, pero ang ikinagugulat ko. Lahat ng nangyari sa panaginip ko ay nakasulat lang sa ginagawa kong libro. Ang hindi ko lang alam bakit parang totoong-totoo. I even felt the real scenes, simula sa sugat at lahat-lahat sa huling pagkakataon.

Si... Viktur, ang lalaking ginawa kong kapareha ni Julia. Totoong nahawakan ko siya, nayakap at minahal. Napahawak ako bigla sa dibdib ko malapit sa puso nang bigla itong tumibok nang hindi ko maipaliwanag. I almost experienced the whole thing based on what I've wrote in my very own story. Paano nangyari yun? Ni hindi ko maalala kung bakit ako nandito, at kung bakit nasa loob ako ng panaginip ko at ako pa mismo ang gumanap. No hindi ko ninanais maging ako si Julia. Though I've got the Julia from my name, Julianneah.

"Anak?!"

Mabilis na bumaling ang paningin ko sa kagigising lang na si Mommy. Hindi ito makapaniwalang makita akong nakaupo ngayon sa kama.

"Jesus Christ! Mabuti at gising ka na." lumapit ito saakin at hindi pa rin makapaniwalang gising na ako.

Halos pinasadahan niya ng haplos ang buong mukha at braso ko. Bigla namang bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin ni mommy sa pumasok.

"Tapos ko ng bayaran ang dalawang buwang hospital--ANAK?!" hindi makapaniwalang sigaw ni papa na nauwi sa mabilis na paglapit saakin.

"A-Anak? Gising ka na talaga--kumusta? Ayos lang ba ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo kami ng Mommy mo-"

"I'm fine, Dad. I'm sorry for making both of you worried."

Mahinahong tinitigan nila ako pagkatapos ay sila naman ang nagkatitigan tapos balik ulit saakin. Parang nag-uusap ang mga ito na sila lang ang nagkakaintindihan.

"I'll call the Doctor to check you up." Dad said at umalis din.

Kami na lang ni mommy ang nasa loob ngayon ng silid. Lalong naging malabo saakin ngayon kung bakit ako nandirito ni wala akong maalalang nadisgrasya pala ako kaya akon naririto. About the two months na sinabi ni Daddy feeling ko sa hospital bills yun eh. Pero bakit ganun? Two months na pala akong andito pero hindi ko man lang maalala ang nangyari sakin bago nila ako dalhin dito. I even asked myself, why the hell happened to me at ang mga isinulat ko sa libro ko ay nangyayari sa panaginip ko.

Actually I didn't think that's a nightmare nor a dream. Kasi parang totoo siya, feel na feel ko lahat ng eksena doon. Tapos ngayon nasa hospital pa ako matapos ang last part ng story which is pinatay ko ang character ni Julia Sumatra dun. And then BOOM! I woke up here. Ano kayang nangyari?

"Pinag-alala mo kami anak, we don't even know why did you collapsed inside your room. Wala ka namang sakit, ang ipinagtataka namin hawak mo lang yung libro mo tapos nakahiga ka na parang natutulog sa sofa. Ginising ka namin ng papa mo pero hindi ka naman nagising kaya we decided to bring you here."

Tinitigan ko lang ang mga mata ni mama, ramdam ko ang pag-alala nito sa mga buwan na lumipas at tulog lang ako.

"Wala namang ibang diagnosis ang Doctor. Kundi dahil sa radiation kaya ka nagcollapsed. Kasi naman anak, huwag mong masyadong bugbogin yang mata mo sa laptop."

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon