Kabanata 6
Isang buwan na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking pandinig ang nakamit kong kasagutan. Habang lumilipas ang ang araw ay nagiging tulala lamang ako dahil sa nalaman ko.
***
Napatitig ako sa mukha ni Mang Ernan nang matanong ko iyon. Pinagmamasdan ko ang kanyang reaksyon. Ngunit nanatili lamang itong kalmado habang nakatuon ang atensyon sa mga batang nakapalibot malapit sa siga."H-hindi pa pala nasasabi sa iyo ng iyong inay?"
Nanatili pa rin itong nakatitig sa harapan namin.
"H-hindi pa po."
Napayuko na lamang ako, dahil naalala ko na naman ang pag-iyak ni inay dahil sa sakit ko at itinago nilang lahat sa akin iyon.
"Hindi ko alam kung bakit inilihim ito sa iyo hija. Ngunit kailangan mong malaman na...."
"Na ano po?"
"Liya, anak nasaan ka?"
Muntik ng sumabog ang puso ko sa kaba dahil sa pagsigaw ni inay. Nais ko pang malaman ang sagot ayokong palipasin pa ng ilang araw ang suliranin kung ito.
"May sakit ka sa puso, hija."
Hindi ko alam kung anong dapat maramdam sa mga sandaling iyon. Tila isang musikang nakakabingi ang pabalik-balik sa isipan at tainga. Bigla na lamang akong nakaramdam ng panlalamig ngunit nabalik lamang ako sa ulirat nang magsalita si inay sa likurang bahagi.
"O, anak nandito ka lang pala."
"Maiwan ko muna kayo." ani Mang Toming.
Nakatitig lamang ako sa unti-unti g pag-alis nito.
"O, anak. Anong pinagkukuwentuhan ninyo ni Mang Toming?" nakangiti nitong tanong.
Sa mga sandaling iyon, gusto ko ng ibuhos ang lahat ng galit sa kanila. Kung bakit nagsinungaling ang mga ito.
"W-wala po inay. Ma-mauna na po ako sa ating tirahan."
Nanatili lamang akong nakayuko habang unti-unting umaagos ng dahan-dahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ewan ko ba at kung bakit ganito na lamang kasakit ang idinulot ng kasagutang iyon. Narinig ko pang tinawag ako ni inay ngunit hindi ko na ito pinansin at patuloy lamang ako sa paglakad. Abala ang lahat kaya hindi gaano nila napansin ang ganoong nangyayari.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...