Chapter four

35.2K 826 26
                                        

Chapter four
Kristina

"Umalis na sila. Ano bang nagyari. Nanginginig ka kanina. May ginawa ba sila sayo? Malilintikan sila sakin kung mayroon. Papatayin ko sila!" Seryoso nitong sabi na kinamaang ko. Basi sa mukha nito ay hindi siya nagbibiro. Ngayon ko lang nakita ang seryoso nitong mukha. Dahil ang maloko at manyak na Harold ang siyang nakasanayan kong makita.

Anong ibig niyang sabihin?

Mariin akong napailing. Naalala ko bigla ang nangyari ngayon lang. Ang babaeng ginahasa ng walong kalalakihan.

Napatingin ako sa hawak kong cellohone. Nakavideo pa pala ito. In exit ko ito at akmang isisilid ko na sa bag ko nang bigla itong kunin ni Harold sa kamay ko.

Kukunin ko sana iyon nang pigilan ako nito. Kinakalikot nito ang cellphone na kinabahala ko. Baka makita nito ang video na nakuhanan ko.

Nakarinig nalang ako ng sigaw ng babae at mga halakhak ng mga kalalakihan. Pinapanood nito ang video. Matapos ito sa pinapanood ay ibinalik nito agad ang cellphone sakin.

Tiningnan ako nito ng matiim. Seryoso at hindi ko alam ang pinapahiwatig ng mga tingin nito.

"Mag-iingat ka. Mapangangib ang pinasok mo." Napakunot noo ako sa katagang binitawan nito. Para bang nasa panganib ang buhay ko. Dahil sa sinabi nito ay nakaramdam ako ng takot baka pag uwi ko nandoon na sila sa bahay ko at hinihintay ako. Baka patayin ako nun bigla nang walang kalaban laban. Baka gawin din nila sakin ang ginawa nila doon sa babae. Sa isiping iyon ay napaluhod ako bigla at napatakip sa mukha ko. Kinikilabutan ako.

"Ano nang gagawin ko! Papatayin na ba nila ako. Gagawin ba nila sakin ang ginawa nila sa babaeng iyon?" Hindi ko namalayan humahagulhol na pala ako. Bakit ba kasi naligaw ako. Bakit kasi nanood pa ako doon sana tumakbo na agad ako.

"Fuck! Hindi mangyayari iyon! Dumaan muna sila sakin!" Napatingala ako sa sinabi ng lalaking ito. Itinayo niya ako at tinitigan sa mga mata ko. Pinahid nito ng kamay ang mga luha ko. Napakurap naman ako nang ilang beses dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Una akong napayuko.

"Kilala mo ba sila? Anong klase silang mga tao?" Tanong ko dito nang mahimasmasan ako.

Ngumiti ito. Iyong Harold na kilala kong maloko.

"Dito ba tayo mag uusap o sa loob ng bahay mo?" Nakangisi nitong tanong na kinailing ko. Napatingin ako sa relo ko. Ala una na pala ng madaling araw at heto kami sa madilim na eskenita. Umalis narin siguro ang mga kalalakihan.

Naalala ko bigla ang babae.

"Harold... Paano ang babae baka pinatay nila. Puntahan natin!" Nag aalala kong sabi. Nauna akong humakbang. Nakokonsensya ako dahil hindi ko natulungan ang babae. Sana humingi ako nang saklolo. O kaya tumawag ng mga pulis pero natuod ako at hindi na alam ang gagawin. Pero mabuti nalang at navideohan ko ang nangyari. Siguro ibibigay ko ito sa mga pulis para may ebidensya. Sana buhay pa ang babae.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon