Epilogue

39.6K 1.1K 162
                                    

Epilogue

"Happy Birthday to you! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday Hyriel!" Masigabong na palakpakan ang namayani sa buong garden habang may malamyos na birthday songs na background ang humuhuni. Napapalibutan ng munting mga bata na kaedaran ng anak ko, ang pumapangalawa kong bunsong anak na si Hyriel Keth Villafuerte.

Ikalimang kaarawan niya ngayon at dito sa malawak na garden namin idinaos ang kanyang kaarawan. Mga malalapit na kaibigan niya at classmates ang imbitado sa kanyang kaarawan.

"Blow your candle baby." Malambing na pagkakasabi ng mahal kong asawa. Kahit buntis siya ay naglalaway parin ako sa maganda niyang katawan. Kahit tumaba pa siya o anupaman ay inaakit parin niya ako. Hindi ako magsasawang angkinin siya.

Ilang taon narin kaming ikinasal at ang araw na iyon ay isa sa pinakamahalagang araw sa buhay ko. Ang araw ng pag-iisang dibdib namin ni Kristina. Ang babaeng pag-aalayan ko ng aking buhay.

Bubuo ako kasama siya ng masayang pamilya. Hindi magsasawang mahalin siya at angkinin ng paulit-ulit.

Kaya nga naparami na ang lahi ko kakalabit sa kanya. Sa tuwing magbubuntis siya ay ginaganahan akong angkinin ang asawa ko. Pero nag-iingat akong huwag mapahamak ang anak namin. Alam kong siya ay ganoon din sa'kin kaya ganado ako. Sinadya ko rin na buntisin siya kada-taon para walang takas sakin. Gusto ko ng maraming anak kaya ganoon ang ginawa ko. Gusto ko ng maraming anak para may silbi naman ang bahay namin na malaki. Gusto kong makita na masaya at maingay dito sa loob ng bahay.

Boring naman kung konti lang.

The more the merrier nga.

Pinagbitiw ko narin siya sa kanyang pagtuturo para mas maalagaan niya ng maigi ang mga anak namin at dahil kaya ko naman silang buhayin.

"Daddy! Halika dito! Family picture tayo!" Sigaw ng sexy kong asawa at kita ko nga na nandoon ang buo kong pamilya. Nasa gitna siya at kalong niya ang birthday boy namin. Nasa kaliwa ang apat kong binatilyo na si Haram, Harem ang kambal. Sunod si Harol at Hyubs. Nasa kanan naman ang dalawa kong dalagita, sina Kristene at Klarieth kalong ang dalawa nilang bunso na Sammy at Meribeth.

Ipinangalan ng asawa ko sa anak namin ang pangalan nila Sam at Meribeth. Mag-asawa narin ang dalawa at may apat na mga anak.

Nakabusangot ang mukha ng dalawa kong dalagita habang pinandilatan ako. Mainipin kasi ang dalawa. Habang sa mga binatilyo ko ay tipid na ngiti lang. May pinagmanahan.

Nilapag ko ang hawak kong wine at lumapit sa pamilya ko. Kinuha ko si Hyriel kay Kristina at ako ang kumalong sa kanya.

May kinuha kaming photographer at booth para sa mga bisita na gusto ng souvenir.

Malawak ang pagkakangiti ko habang pinipicturan kaming magpamilya. Makikita sa mukha ko ang saya at pagmamahal sa pamilya kong binuo. Wala na akong hahanapin pa kundi ang pamilya ko lang at ang mga taong malapit sa'min.

NANDITO ako ngayon sa verandah umiinom ng wine habang tinatanaw ang malawak at madilim na kalangitan. Tanging mga bituin lang ang nagniningning.

Kahit madilim ay mayroon parin liwanag. Linawag na kahit kailan ay hindi mawawala.

Katulad sa buhay ko noong nasadlak ako sa kadiliman. Walang patutunguhan at walang saysay kung mabuhay pa o hindi. Pero sa isang iglap ay biglang dumating ang liwanag ko. Ang linawag na nagpabago ng buhay at pananaw ko. Ang liwanag na matagal ko nang hinihintay.

"Sweetheart. Ang lalim yata ng iniisip mo?" Nilapag ko ang baso at agad pinulupot ang mga braso ko sa bewang ng asawa ko. Nagtatakang nakatingala siya sa'kin. Nakaawang ang mapula niyang labi at gusto kong halikan iyon ng paulit-ulit. Isama pa ang nakakaakit niyang katawan na kita ko sa suot niyang manipis na pantulog. 

She the next VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon