Chapter Seven
Kristina
Madilim na nang lumabas kami ni Harold. Marami din kasi ang nagpapabloter kaya natagalan kami.
Nalaman ko rin na anak pala ng isang politiko ang babae. Nag-iisa siyang anak at nasa college na. Alam na rin ito ng pamilya ng babae at malaki ang pasasalamat nila sakin dahil mayroon nang ebidensya na magtuturo sa mga suspect. Kinikilala na rin ng mga authoridad ang mga suspetsado. At sisiguruhin ng pamilya na makukulong ang may sala. Iinform nalang daw kami pag may lead na sa mga suspect.
Napabuga ako ng hangin.
Gumaan ang pakiramdam ko nang malaman kong hindi galit ang pamilya ni Evelyn. Nalaman ko na Evelyn Vale pala ang buo niyang pangalan. Tinanggap na nila ang pagkawala ng anak nilang babae. Pero hindi nila mapapatawad ang mga taong humalay sa anak nila. Bibigyan nila nang hustisya ang pagkamatay ng anak nila.
"Nagugutom ka na ba?" Napailing ako sa tanong ni Harold. Kanina Oo. Nagugutom ako pero hindi na nang malaman kong hindi galit ang pamilya ni Evelyn sakin. Gumaan ang nararamdaman kong guilt.
"Thank you pala sa pagsama sakin." Nahihiya kong sabi na tiningnan ito. Tango lang ang isinagot nito sakin. Isinuot nito uli sa ulo ko ang helmet bago siya sumampa sa manibela. Sumunod naman ako. Humawak ako sa braso nito at sumampa sa upuan. Niyakap ko uli ang mga braso ko sa beywang nito nang paandarin na niya ang motor bike.
Nagtataka ako ng huminto kami sa isang fast food chain. Nilingon ako nito.
"Kain muna tayo. Gutom na ako."
"S-sige." Nakokonsensya kong sambit. Hindi ko pala naisip na kaya ako nito tinanong kanina ay dahil gutom din pala siya.
"Ikaw nalang kaya ang kainin ko sweetheart." Napatingin ako bigla sa sinabi nito. Iba kasi ang pinapahiwatig ng salita niya. Nakangisi ito sakin bago bumaba ang tingin nito sa braso ko. "Ayaw mo kasi akong bitawan." Patuloy nito na kinapula ng mukha ko. Agad ko naman kinalas sa pagkakayakap sa beywang niya ang mga braso ko.
"A- Ah... S- sorry." Nauna itong umalis bago ako nito inalalayan sa pagbaba.
Pumasok kami at nag order. Isang rice at fried chicken with coke sa akin. Siya naman ay tatlong order ng rice, beef steak,sisig at isang pitsel ng tubig. Grabe! Sobrang gutom na pala ang lalaking ito. Sinabihan ako nitong humanap ng mauupuan kaya nauna ako at naghanap ng bakante. Nang makakita ako ay naupo ako. Napatingin ako sa relo ko. Magseseven na pala ng gabi.
Dumating si Harold na dala ang order namin. Agad nito nilantakan ang pagkaing inorder. Kahit madami pa siyang kumain ay minimaintain pa din nito ang kalusugan. Halata kasi sa makisig nitong pangangatawan.
Kumain na din ako. Pero dumadako din ang paningin ko sa magana nitong pagkain. Napaangat ito ng tingin kaya nagtama ang mga mata namin.
"Ubusin mo ang pagkain mo sweetheart." Utos nito at agad bumaling sa kinakain. Palagi nalang niya sinasabi ang endearment na iyon sakin. Wala kaming relasyon. At hindi naman niya ako girlfriend. Eh ano ba ako sa kanya? Hindi naman siya nanliligaw. At lalong wala naman namamagitan samin. Eh... Ano iyon sa bahay mo? Muntik ka na nga marape ng Harold na iyan!
Kontra ng isip ko. Iyon lang naman. Kasalanan ko din naman dahil nagpatangay ako sa galing nitong maghalik.
Napailing nalang ako at inubos na ang kinakain ko.
Past eight na kami nakarating sa lugar namin. Bumaba ako habang si Harold naman ay ipinaparada ang kanyang motorcycle sa gilid ng daan. Inilock din nito para hindi manakaw. Hindi na kasi ito makakapasok sa looban.
Inaya na niya ako nang matapos na siya sa ginagawa. Lumalakad kami sa makitid na eskinita. Marami parin mga tambay ang umiinom sa gilid. Malapit na kami sa bahay namin nang bigla itong mapahinto. Kaya napasubsob ang mukha ko sa likod niya. Nakasunod kasi ako. Iniharang naman nito ang isang braso sa gilid ko.
Lumingon ito sakin at sinenyasan ako.
"Ssshhh!" Napaharap siya sakin at kinabig ako bigla na kinataka ko. "May mga taong umaaligid sa bahay mo." Bulong nito sa tenga ko na kinakiliti ng katawan ko. Dahil sa mainit at mabango nitong hininga. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nito. Langhap ko rin ang mabango nitong cologne na lalaking lalaki talaga at hindi masakit sa ilong. Iwinaksi ko bigla ang mga iniisip ko. Napabalik ako sa sarili dahil sa sinabi ni Harold na may mga tao sa bahay ko. Nakaramdam naman ako ng kaba at takot dahil posible na ang mga taong iyon ay sangkot sa panggahasa kay Evelyn. At narito sila para patayin ako.
Titingin sana ako sa bahay ko ng pigilan ako ni Harold.
Napatingala ako sa kanya na may pagtatanong.
"A-ano nang g-gagawin ko Harold? P-papatayin naba nila a-ako?.." Kinakabahan ako dahil natunton na nila ang tinitirhan ko. Ano na ang gagawin ko. Alam na nila ang bahay ko. Paano pa ako makakasiguro na ligtas ako kung may nakabantay nang mga tauhan nila sa paligid.
"Hindi mangyayari iyon. Walang sinuman ang pwedeng manakit sayo Sweetheart. Nandito ako. Poproteksyonan kita." Matatag nitong sabi na nagbigay sakin ng saya. Seryoso ang mga mata nito at alam kong hindi siya nagbibiro. Bumalik naman ang pakiramdam ko na ligtas ako sa kanya. Na secure ako sa mga kamay niya. Na siya lang ang taong makakaligtas sakin. Siya lang at wala nang iba.
"Umalis na tayo dito." Inakay ako nito kaya napasunod nalang ako.
"Saan tayo pupunta. Harold?" Tanong ko nang maiupo na ako nito sa upuan at isinuot ang helmet sakin.
Tinitigan naman ako nito bago ngumiti.
"Sa kaibigan ko." Agad siyang sumakay sa motor at inistart na ang makina. Napayakap naman ako uli sa kanya.
Sana matapos na ang problemang ito. Sana mahuli narin ang mga salarin para maging panatag na ako at hindi na ako makakaabala pa ng iba. Lalong lalo na kay Harold. At para mawala na itong nararamdaman ko.
Dahil ako naman ang nanganganib kung palagi ko siyang nakakasama.
***
Please votes, comments and share. Thank you.
Mayambay
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romance"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
