Chapter twenty six

26.2K 556 11
                                        

Chapter twenty six
Kristina

Maganda ang gising ko kinaumagahan. Isama pang kinamulatan ko na katabi ko ang mahal ko. Ilang gabi din na hindi ko siya kasamang matulog at magising dahil sa nangyari. Ngayon ay eto siya sa tabi ko at mahimbing pang natutulog. Alam kong wala siyang tulog siguro dahil sa nangyari samin nito lang at ngayon ay binabawi niya ang kanyang lakas at pagod na katawan kaya tulog na tulog pa siya at idagdag pa ang nangyari kanina na anong oras na kami natulog.

Pinagmasdan ko ang payapa niyang paghinga. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang gwapo at maamo niyang mukha. Napakapula pa ng labi niya. Siguro mana siya sa kanyang ama na may itsura din at halatang pinaghalong banyaga ang kanyang anyo. Matangkad at gwapo. Napaka-hot pa ng katawan kaya napalunok pa ako nang makita ang matipuno niyang dibdib na walang takip na kumot at namula din ako na nag-init nang matanto kong nakadikit pala ang kanya sakin at ramdam na ramdam ko pa. Hindi talaga ako magsasawang magpaangkin sa kanya dahil sa lahat ay nasa kanya na ay mahal ko pa siya at magkakaroon pa ng anak at mga anak pa sa susunod.

Napangiti ako sa isiping ako ang nanay ng mga anak niya.

Pumikit ako at hinalikan siya sa labi. Napakalambot pa ng labi.

Napatingin ako sa orasan at nakita ang oras. Lagpas alas diyes na pala ng madaling araw at hindi pa ako nakakapagluto.

Maingat kong kinalas ang kamay niyang nakapulupot sakin at bumangon. Akala ko ay magigising siya dahil gumalaw ang katawan niya at may kinakapa kaya kumuha ako ng unan at pinayakap sa kanya. Mahimbing parin ang tulog niya.

Pumasok ako ng banyo at naligo. Medyo maayos narin ang pakiramdam ko. Lumabas ako at nagbihis hanggang sa natapos ako ay tulog parin si Harold. Sobrang kulang talaga siya ng tulog at bumabawi ngayon.

Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Gusto kong humigop ng mainit na sabaw kaya gagawa ako ng nilagang baboy. Tiningnan ko ang laman ng refrigerator at napangiti ako sa tuwa dahil mayroon ang kailangan ko.

Nagsaing muna ako at pagkatapos ay inihanda ang mga kailangan ko sa nilaga. Hiniwa ko ang karne ng baboy at hinugasan. Pagkatapos ay ang hiwa nang langka. Naghiwa din ako ng sibuyas at bawang para sa  pagisa ko mamaya. Nagtakip lang ako ng ilong dahil sa amoy ng bawang at sibuyas.

Nang maluto na ang sinaing ko ay inihanda ko naman ang kalderong paggisahan ko. Naglagay ako ng mantica at ginisa ang sangkap pagkatapos ang karne ng baboy. Nang magisa ko na at malambot na ang baboy ay naglagay ako ng tubig na katamtaman lang at naglagay din ako ng batwan pang paasim. Kasunod ang langka at tinitikman ko ang lasa kung okay lang ang timpla ko.

Napangiti ako dahil tama lang ang timpla at asim.

"Hhmm... Ang sarap naman.." Napapitlag ako ng yumakap si Harold sa bewang ko. Inaamoy pa niya na may kasamang halik ang batok at leeg ko. Pinaharap niya ako at hinalikan saking labi na kinatugon ko rin. Inaangat pa niya ang suot kong bestida at hinahaplos ang hita ko.

Kusa ko na siyang pinatigil at baka saan naman kami umabot at hindi na makakain. Gutom na ako at isa hindi ko na siya mapipigilan kung maumpisahan na niyang gawin.

"kumain muna tayo dahil alam kong gutom ka na at kami rin ni Baby." Buti naman tumigil siya at tiningnan ang niluto ko.

"Wow! Mukhang masarap nga Sweetheart. At ikaw ang may sala kung bakit ginutom agad ako." Inirapan ko nalang siya dahil sa kapilyuhan niya. Ang hilig talaga ng lalaking ito. At kita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan at mukhang nakatulog siya ng maayos.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon