Chapter twenty
Kristina
Sinusulit namin ni Harold ang pag-stay dito sa resort dahil bukas ay huling araw na namin na maglalagi dito. Kaya bawat minuto at oras ay ini-enjoy naming dalawa. Nililibot namin ang paligid at kinukuhanan ko nang litrato ang mga magagandang tanawin na nakikita ko, kasama rin siyempre kami ni Harold sa picture na masaya at puno ng pagmamahalan.
Alam kong ganoon din ang dalawang magkasintahan na hindi namin nakakasama dahil may sarili din silang mundo at sinusulit din ang mga natirang araw namin dito sa resort.
Ngayon nga ay nandito kaming apat sa isang cottage na nasa gitna ng dagat. Presko ang simoy ng hangin at maganda ang view. Nakakarelax at bagay sa katulad kong stressed na tao.
Nag-iihaw ng isda at seafoods sila Harold at Sam sa labas habang kami ni Meribeth ay inihahanda sa lamesa ang mga dala naming pagkain dito sa loob ng cottage. Sandwich, salad, spaghetti, lumpia at fresh mango juice, ang mga dala namin pagkain.
Natigilan ako sa ginagawa ng marinig ko ang tanong sakin ni Meribeth.
"Friend, alam na ba ni Harold na buntis ka?" Umiling ako sa kanya bago ko natingnan sa labas si Harold. Naudlot naman kasi ang pag-amin ko sa kanya kahapon nang muntik na ngang malunod si Sam sa dagat. Tsaka nalang siguro kapag nakabalik na kami ng Maynila.
"Hindi pa Beth, pagbalik nalang natin siguro sa Maynila." Tumango nalang si Meribeth sa sinabi ko.
Pumasok si Sam na dala ang mga naihaw nang mga isda, kasunod niya si Harold na bitbit naman ang mga malalaking hipon. Bigla akong natakam pagkakita ko nun. Nilagay nila sa lamesa ang mga naihaw nilang pagkain kaya naupo narin kami at sinimulan nang kumain.
Agad akong nagsandok sa plato ko nung malaking hipon at tsaka ko ito binalatan. Sarap na sarap ako habang kumakain.
"Dahan dahan lang sa pagkain, Sweetheart." Nahihiyang napatingin ako kay Harold na nangingiting napapailing nalang sakin. Binabalatan niya rin ako ng hipon at sinusubuan pa kaya tukso agad ang inabot namin mula sa kaharap namin.
NANLALATA ang katawan kong napaupo sa upuan. Napahilig ako sa sandalan at ipinikit ang mga mata. Kakauwi lang namin galing sa isang masayang adventures. Napamulat ako ng aking mga mata nang tabihan ako ni Harold sa upuan.
Nagtaka ako nang kunin niya ang mga binti ko at inilagay sa kanyang kandungan. Napapikit muli ako nang sinimulan niyang hilot hilutin ang mga paa ko. Nakakarelax sa pakiramdam ang hatid ng mga kamay niya sa paa ko. Naririnig ko rin ang pagtunog ng mga buto ko sa paa.
Maya maya ay nagulat ako at napatili nang buhatin ako ni Harold. Napatampal ako sa kanyang balikat dahil sa ginawa niya. Nginisihan lang niya ako.
"Sa kwarto ko na ikaw hihilutin, Sweetheart." May kakaibang himig ang hatid ng kanyang salita na agad ko naman kinamula at kinanit din ng katawan ko kaya napaiwas ako sa kanyang mga titig. Bigla siyang tumawa ng malakas dahil napansin niya agad ang reaksiyon ng katawan ko.
"Damn! Sweetheart! Umakyat na tayo bago pa kita maangkin dito!" Umaakyat kami sa taas habang pangko ako ni Harold. Nasa may pinto na kami nang mapahinto siya. At nakakunot noong tinitigan ako.
"Ang bigat mo yata, Sweetheart? Mukhang tumataba ka na ah." Napuna niya pala ang pagbabago ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romance"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
