Chapter twenty nine
Kristina
Matapos kong masalaysay ang lahat lahat sa mga magulang ko ay napahinga ako ng malalim. Hinawakan ako ni Harold sa kamay kong nanlalamig. Lahat ng detalye na nangyari sa'kin ay sinabi ko sa kanila. Simula umpisa hanggang sa ngayon. Sinabi ko rin ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Sobrang tuwa ni Mama na malamang magkaka-apo na siya at kambal pa. Habang si Papa ay nagalit dahil sa hindi ko pagsabi ng mga nangyayari sa'kin at siyempre inaalala niya ang kaligtasan ko. Pero kalaunan ay tinanggap narin niya ang nangyari sa'kin at ang pagbubuntis ko nga ngayon.
"Binata. Alagaan mong mabuti ang anak namin at ayokong makita siyang nagdurusa at umiiyak dahil sayo. Maliwanag ba?" Striktong pagkakasabi ni Papa na sinuway ni Mama. Basta pagdating sa'kin ay strikto siya. Ayaw niyang nakikitang umiiyak ako o nasasaktan dahil siya daw ang labis na nasasaktan habang nakikita ako sa ganoong sitwasyon.
"Matagal na pong nakatatak sa puso't isipan ko iyan. Kaya susulitin ko itong pagkakataon na nandito po kayo sa harap namin." Nagtaka ako nang tumayo siya at humarap sa magulang ko. Nakatayong nakayuko siya sa harapan nila Mama at Papa.
"Sir. Ma'am. Hinihingi ko po ngayon sa inyo ang basbas upang kuhanin ang kamay ng inyong anak. Nangangako ako sa harap niyo na mamahalin, rerespetuhin at aalagaan ko si Kristina higit pa sa buhay ko. Siya po ang buhay at kaligayahan ko at ang mga anak namin." Lahat kami ay nagulat sa sinabi na iyon ni Harold. Hindi ko aakalain na hihingi siya ng permiso sa magulang ko. Pinigil ko ang mga luha kong nagbabadya baka hindi ko na sila maawat pa.
Parati akong pinapaiyak ni Harold. Hindi sa lungkot kundi sa sayang pinaparamdam niya sa'kin. Siya lang talaga at walang makakapantay na ibang lalaki sa puso at pagmamahal ko.
Tinitigan ako ni Papa sa'king mga mata at alam kong nakikita niya ang nilalaman ng puso ko. Dahil alam nang ama kung ano ang nararapat para sa kaligayahan ng anak niya.
Huminga ng malalim si Papa bago bumuka ang bibig niya.
"Pumapayag na ako. Magkaka-apo na ako kaya dapat buo ang pamilya niyo. Welcome sa pamilya namin. Harold." Tumayo si Papa at niyakap si Harold. May binubulong pa si Papa sa kanya na hindi ko naririnig. Nakita kong napakamot si Harold sa kanyang batok.
Niyakap din siya ni Mama na nagthumbs-ups pa sa'kin. Ang parati niyang hinihiling sa'kin na magkanobyo at magka-apo ay natupad na.
Nilapitan ako ni Harold at niyakap. Sobrang saya ng mukha niya. Ganoon din ako. Mababakas saming dalawa ang wagas na pagmamahalan. Walang sinuman ang makapaghihiwalay at hahadlang.
LIMANG araw ang inilaan namin sa resort bago kami babalik ng Maynila. Nagandahan sila Mama sa resort kaya nagliwaliw muna ng husto ang mga magulang ko sa buong resort dala ng pagkakakidnap sa kanila. Pampawala daw ng stress.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romansa"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
