Chapter fifteen
Kristina
Huminto muna kami sa isang restaurant dahil sobrang gutom na raw ng kaibigan ko kaya pumasok kami sa nadaraan naming restaurant at kumain muna. Bigla akong nagutom nang makita ko ang mga masasarap na pagkaing tatak ng palawan na sineserve sa restaurant na ito. Medyo naparami nga ang nakain ko, ganoon din si Meribeth na nagpatake-out pa. Humupa muna kami ng kinain bago kami lumabas ng restaurant at nagpatuloy uli sa aming biyahe. Mahigit isang oras pa daw ang biyahe kaya medyo malayo pa ang bibiyahe namin.
"Matulog ka muna, sweetheart." Napalingon ako kay Harold mula sa pagtanaw ko sa labas ng bintana. Tinanaw ko kasi ang malawak na palayan na bago palang tumutubo. Pansin ko rin na umaakyat kami sa maatas na daan at tanaw na tanaw ko ang magandang tanawin sa paligid ko. Nakikita ko rin ang ang malawak at asul na asul na karagatan.
Tumango ako at napangiti kay Harold bago ako napahilig sa matigas niyang dibdib. Nakaramdam na din kasi ako ng antok. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ni Harold habang hinahagod niya ang likod ko. Napangiti naman ako dahil sobrang sweet niya sakin. Napailing nalang din ako sa mapanuksong tingin ni Meribeth ng mapadako ang tingin ko sa kanya na nagyayakapan na nga ang dalawa at naghahalikan pa. Napapikit nalang ako ng aking mga mata dahil sa inaantok na ako hanggang sa unti unti na akong makatulog.
Napamulat ako ng mga mata ng may maramdaman akong mainit na bagay sa labi ko. Nakangiting mukha ni Harold ang bumungad sakin na kinangiti ko rin bago ako gumanti sa halik niya. Napaungol ako ng sipsipin niya ang ibaba kong labi na kinangiti niya.
"Kanina pa kita gustong mahalikan, sweetheart. Pero pinigil ko dahil alam kong mahihiya ka sa kaibigan mo at baka magalit ka sakin at hindi pa ako makakascore sayo!" Napahampas ako sa balikat dahil sa huling sinabi niya. Napamula rin ako sa hiya pero binalewala ko lang. Tumawa naman siya bigla ng malakas kaya pinaghahampas ko ang balikat at dibdib niya dahil sa inis ko. Sinasangga lang niya ang kamay ko nagulat nalang ako ng halikan niya muli ang labi ko habang ang mga kamay ko ay hawak na ng isa niyang kamay. Sinipsip niya ng mariin ang labi ko ng makapasok na ang dila niya sa loob ng bibig ko. Ginaya ko ang paraan ng paghalik niya kaya napangiti ako ng mapaungol siya sa ginawa ko. Sabik na sabik kami sa paghahalikan na hindi pansin ang dalawa na kanina pa pala kami tinatawag. Nagulat nalang ako at naitulak si Harold na nabitin at nakakunot ang noo habang tinitingnan ako at hindi pansin ang dalawa na nakatunghay samin.
"Friend, mamaya na yan. Baka dito pa kayo gumawa ng milagro. At baka masira niyo pa ang sasakyan ng resort." Namumula ang mukha kong napayuko sa mapanuksong tinig ni Meribeth. Habang si Harold naman ay napapamura nalang na kinasaway ko sa kanya.
"Fuck! Sam, ilayo mo nga ang girlfriend mo! Istorbo kayo saming dalaw—" Natakpan ko bigla ang bibig ni Harold dahil sa sinabi niya. Tumawa ng malakas si Meribeth habang inaawat ni Sam na napapakamot nalang sa batok.
"Pasensya na pre, sige mauna na kami. Alam mo naman siguro ang rest house, magkita nalang tayo doon." Inakay na nito si Meribeth na kinandatan ako bago siya nagpaakay kay Sam. Napailing nalang ako sa kakulitan ng best friend kong iyon na parang bata. Buti nalang kinaya ni Sam ang pagkakulit ng babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romance"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
