Chapter Ten

34.6K 758 22
                                        

Chater Ten
Kristina

Napamulat ako ng mga mata ng may maramdaman akong malambot na bagay sa labi ko. Nakangising mukha ni Harold ang nabungaran ko. Hinahalikan nito ang labi ko.

"Magandang umaga, sweetheart. Masakit pa ba?"

Napakislot ako ng minamasahe nito ang ibaba ko. Tinampal ko naman ang kamay nito sa ilalim ng kumot dahil nahihiya ako matapos ang nangyari samin kagabi. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang mga tagpong iyon. Halos magdamag din kaming natapos.

Bumangon ako sa kama at akmang tatayo pero napaupo ako uli ng maramdaman ang kirot sa ibaba ko. Masakit rin ang katawan ko at parang namanhid pa ang balakang ko. Agad naman akong inalalayan ni Harold sabay buhat sakin kaya napayakap ako sa leeg nito. Napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa nahihiya ako at hubo't hubad pa ako. Habang siya naman ay nakaboxer na. Dinala ako nito sa banyo at pinaupo sa nakasirang upuan ng basin. May pag alala sa mukha nito.

"A-ayos na ako... P-pwede ka nang lumabas."

Napaiwas ako ng tingin ng ngumiti ito sakin. Lalo lamang nahuhulog ang damdamin ko sa kanya sa mga pinapakita niya sakin ngayon. Bakit kasi ang gwapo niya.

Inangat nito ang baba ko kaya nagtama ang paningin namin.

"Masaya ako na binigay mo sakin ang sarili mo, sweetheart. Akin ka lang. At gusto kong pagsilbihan ka."

Matapos nitong sabihin iyon ay binasa nito ang katawan ko. Sinabon niya rin ang buo kong katawan at hindi lingid sakin ang malalim nitong paghinga. Pero ewan ko ba kung sa katawan ko o sa puso kong nagmumula ay kusa ko siyang hinalikan sa labi niya na kinatigil nito sa pagbanlaw sakin. Pero sandali lang dahil gumanti na ito ng halik sakin. Mas maalab ang palitan namin ng halik. Bumaba ang labi niya sa leeg ko pababa sa dibdib ko. Napadiin ang kapit ko sa buhok niya ng sinusubo nito ang mga nipples ko. Kahit malamig ang katawan ko ay pakiramdam ko sobrang init na ng nararamdaman ko. Pinangko ako bigla ni Harold at isinandig sa pader kasabay ng pagbaon ng ari niya sa loob ko. Napaungol din kami pareho. Medyo mahapdi parin pero kalaunan ay hindi na. Mabilis na gumagalaw sa loob ko si Harold. Na patuloy ang paghahalikan namin.

"Damn! Sweetheart ang sikip mo parin!"

Bulong nito sa tenga ko.

Paulit ulit niya akong inangkin hanggang sa kapwa na kami humihingal at napatigil.

Sabay narin kaming naligo ni Harold. Pinangko niya uli ako at pinunasan ng twalya ang katawan ko nang mailapag niya ako sa kama. Itinakip niya ang kumot sa katawan ko pagkatapos ay nagpatuyo na din siya ng katawan at sinuot niya ang extrang T-shirt na pinahiram ni Aldrin sa kanya. Habang ako naman ay ang puting bestida na galing naman kay Agnes. Binalik nito ang tuwalya sa sabitan at bumalik sakin na nagsusuklay ng buhok ko.

Yumukod siya at hinalikan ako sa labi. 

"Sumunod ka lang sweetheart sa labas kapag tapos ka na sa ginagawa mo."

Tumango ako sa sinabi niya. Lumabas na siya ng kwarto at ako nalang ang naiwan.

Bumuga ako ng hangin. Ilang ulit naman may nangyari samin ni Harold at hindi ko mapigilan ang sarili na magpaangkin sa kanya dahil gusto ko rin. Dahil gusto rin ng puso ko at katawan ko. Napapitlag ako nang maalala ang ginawa namin ni Harold. Pakiramdam ko ay nandito pa siya sa loob ko at ang labi niya sa buo kong katawan. Bigla naman nagreact ang katawan ko lalong lalo na sa bandang hita ko.

Iwinaksi ko ang ulo. Tumayo nalang ako ng dahan dahan dahil kumikirot pa ang ibabang katawan ko. Inayos ko ang hinigaan namin ni Harold dahil sobrang gulo at nakakahiya naman sa mag asawa kung madadatnan ito. At malalaman nila na may ginawa kami ng Harold na iyon. Napatigil ako nang mapadako ang tingin ko sa beed sheet na may mantsa ng dugo. Paano nato? Alangan naman dadalhin ko at doon ko labhan sa bahay. Malalaman na talaga nila. Nakakahiya talaga sa mag asawa. Sabihan ko nalang kaya si Harold? Tama iyon nalang ang gagawin ko. Kasalanan naman niya kaya siya ang gumawa ng paraan. Tinupi ko nalang ang bed sheet at tinago sa ilalim ng drawer dito. Nilagay ko naman sa bag ko ang pinahiram sakin na damit ni Agnes kasama ang uniform ko. Ganoon narin sa kay Harold na nasa ibabaw ng kama bago ko ito binitbit. Mabuti nalang at medyo malaki ang bag ko. Isasauli ko nalang ang mga damit kapag nalabhan ko na ang mga ito. Nakakahiya naman kung si Agnes pa ang maglaba.

Napabuga muli ako ng hangin bago ko buksan ang pinto. Lumabas ako at nagtungo sa kusina. Rinig ko ang tawanan ng magkaibigan. Pumasok ako at nadatnan silang nagkakape habang si Agnes naman ay hinahanda ang mga pagkain sa lamesa. Napatingin sila sakin ng mapansin ako. Nagtama ang paningin namin ni Harold na lihim akong kinindatan. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Pero nakita ko ang lihim na pagngisi ng mag asawa na kinailang ko.

"Good morning Kristina! Maupo ka na at kakain na tayo."  Tumayo naman si Harold at pinaghila ako ng bangko kaya lumapit ako at naupo sa tabi niya. Pinag lagyan niya ako ng pagkain sa plato ko. Napakislot ako bigla ng maramdaman ko ang isang kamay niyang minamasahe ang hita ko sa ilalim ng mesa. Lihim ko naman pinigilan ang kamay nito sabay sulyap sa kanya at pinandilatan ko ng lihim. Pero hindi nito ako pinansin. Grabe naman ang pagkakangisi ng mag asawa samin na halatang may nalalaman sa pagitan namin ni Harold. Napayuko nalang ako. Nakakahiya talaga sa mag asawa ang ginagawa ng lalaking ito.

Napatingin naman ako sa Harold na ito ng pisilin nito ang kamay ko na hawak na niya pala. Nakatingin rin siya sakin na nakangiti.

"Kumain ka na sweetheart. Ayaw mo naman siguro malate sa klase mo?" Lihim ko nalang siyang inirapan sabay kuha ko ng kamay sa hawak niya. Nakakainis kasi siya. Kumain nalang ako at doon ko itinuon ang pansin. Napakamot nalang sa batok si Harold at kumain narin. Lihim din nagkatinginan ang mag asawa.

"Mag iingat kayo sa biyahe ha." Sabi ni Agnes matapos ako nitong yakapin. Bibisita daw kami dito kung may time kami ni Harold. Medyo nalungkot ako na aalis na kami sa bahay na ito dahil napalapit narin ako sa kanila.  At isa pa dito sa bahay na ito nawala ang virginity ko at kung saan naranasan ko ang pagiging ganap na babae.

Matapos kaming magpaalaman ay umalis na kami ni Harold. Nang makarating kami sa nakaparadang motor ni Harold ay napatili ako bigla ng pangkuin niya ako at iupo sa manibela kasabay ng paghalik niya sa labi ko na nakaawang. Napayakap naman ako sa leeg niya. Pumasok ang dila niya sa bibig ko at sinipsip ang dila ko na kinaungol ko. Pinigilan ko naman siya agad ng mas palalimin pa nito ang halik. Baka makita pa ng mag asawa at nakakahiya sa kanila. Mabuti nalang sumunod ito. Binitawan nito ang labi ko at hinalikan naman ako sa noo na kinapikit ko. Sinuotan niya ako ng helmet bago siya umangkas at inistart na ang makina. Mahigpit ko naman siyang niyakap nang bilisan nito ang pagpapatakbo. Medyo maaga pa naman kaya aabot pa ako sa klase ko.

"Gusto mo bang dumaan muna sa bahay mo, sweetheart?"  Napailing ako sa tanong ni Harold. Lumingon siya saglit at itinuon na muli sa unahan ang tingin.

"Mamaya nalang pag uwi ko baka umalis na din ang mga taong inutusan nila." Hindi siya nagsalita pero narinig ko ang malalim nitong paghinga.

Sana pag uwi ko wala na ang mga taong iyon. Sobrang abala na talaga ako kay Harold. Baka isipin pa niya na inaabuso ko ang pagtulong niya sakin ng walang bayad. Nilalagay ko pa ang buhay niya sa panganib. Ano na kayang status ng mga pulis sa kaso ni Evelyn. Sana may lead na sila sa mga suspect. Dahil kung wala pa ay nasa panganib parin ang buhay ko at hindi din ako matatahimik kung hindi pa nahuhuli ang mga hayop na lalaking iyon.

***
Please votes, comments and share. Thank you.

Mayambay

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon