Chapter twenty seven
KristinaNamalayan kong umiiyak na pala ako dahil sa sobrang saya ko. Ang lalaking mahal ko ay siya din pala ang destiny ko. Totoong hindi ako binigo ng pangako ko. Katabi ko ngayon ang lalaking pinapangarap kong makasama. Dahil tadhana na ang naglapit sa'min.
Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya agad akong natauhan at pinahid ang mga luha kong pumatak.
"Sweetheart. May masakit ba sayo? Masakit ba tiyan mo?" Nakangiting umiling ako sa kanya na hawak na ako sa mukha. Sobrang nag-alala ang mukha niya.
"W-wala... Masaya lang ako na kasama kita." Napahinga siya ng maluwag at tsaka niya hinimas ang tiyan ko. Parati niyang hinimas at kinakausap si Baby sa tiyan ko at sasabihing; 'Huwag mo masyadong pasakitan ang mama mo sa tiyan niya anak ha at mahal na mahal ko kayong mag-ina ko. Kapit lang anak.'
"Buti naman nakinig ang anak natin sa sinabi ko." Sabi niya bago ako halikan sa noo at labi. Pagkaraan ay pinausad niyang muli ang sasakyan. Isang kamay lang ang ginagamit niya sa manibela dahil ang isa ay nakahawak sa isa ko ring kamay.
Umayos nalang din ako ng upo at itinuon ang tingin sa unahan. Patuloy parin ang malamyos na kanta pero iba naman ang kumakanta.
Kalahating oras ang binyahe namin nang marating ang isang klinika yata. Malinis at kulay puti ang pintura sa labas ng pader. Kalapit niya ang ilang mga drug stores at laboratory.
Dra. Rizamee Buencamino
Obygaynee.Tanaw ko ang pangalan ng clinic nga sa unahan ng maparada ang sasakyan sa harap mismo ng klinika na may sariling parking lot.
Lumabas si Harold at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong lumabas.
Pumasok kami sa isang glass door at information desk agad ang tumapat samin. Lumapit kami ni Harold sa babaeng clerk na agad kaming nakita at magalang na bumati.
"Good morning Maam, Sir."
"Miss. May appointment kami kay Dra. Buencamino." Si Harold na kinatingin ko sa kanya dahil nagtaka ako kung bakit nakaappointment na siya dito. Pinisil lang niya ang kamay kong hawak niya.
"Yes Sir. Pasok na po kayo sa kanyang office at nandoon na po siya." Anang babaeng clerk. Hinila naman ako ni Harold kaya lumingon muna ako sa babae.
"Sige, salamat Miss." Tumango siya at bumalik na sa kanyang ginagawa.
Tumapat kami ni Harold sa isang pinto kung saan nakalagay ang pangalan ng doctora.
Dalawang katok ang ginawa ni Harold bago niya buksan ang pinto. Iginiya niya ako papasok.
Isang magandang babae ang nakangiting sumalubong sa'min. At ang kanyang magandang ngiti ay kay Harold lang nakafocus. Isang sulyap lang ang ginawad niya sakin. Maganda siya at matangkad kahit nakasalamin ay nandun parin ang ganda at nakalugay ang kulot niyang buhok. Bagay din sa kanya ang suot niyang doctor's uniform.
"Hi Harold." Nagagalak niyang pagbeso kay Harold at isa naman ay hinayaan niyang halikan siya. Nakaramdam ako ng inis sa lalaking ito at ang pagtango lang sa'kin ng doktora at nahuli ko pa ang pag-irap niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romance"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...