Chapter twenty eight
Kristina
"Anak.. Gising! Kristina!" Unti unti kong dinilat ang aking mga mata nang makarinig ng boses malapit sa'kin.
Medyo nahihilo ang pakiramdam ko nang mamulatan ang hindi pamilyar na lugar sa'kin. At doon ko napagtanto ang nangyari sa'kin. May tumakip sa ilong ko at nawalan ako ng malay.
"Kristina, anak ko.." Natigilan ako at agad napatingin sa gilid ko. Umiyak ako sa tuwa ng makita ang mga magulang ko.
"Ma, Pa!" Gumalaw ako para puntahan sila pero napansin kong nakatali ako. Nakaupong nakatali ang kamay at mga paa ko dito sa bangko.
Nagpumiglas ako pero nasasaktan lang ang kamay at paa ko sa higpit ng tali sa'kin.
Ganoon din sila mama at papa. Nakatali rin silang dalawa.
"Ma, Pa! Kamusta po kayo? Sinaktan ba kayo nila?" Umiling si Mama na kinahinga ko ng maluwag.
Napalibot ang tingin ko sa paligid. Luma na ang lugar na natatambakan ng mga sirang bakal at ilang mga kagamitan pang mekaniko. Halatang abandonado na itong lugar dahil sa mga sirang bubong at ilang mga kagamitan.
"Sino ba ang mga taong kumidnap sa'tin anak. Wala naman tayong atraso sa kanila." Si papa na halatang naguguluhan sa mga nangyayari. Si mama ay patuloy parin na umiiyak at ganoon din siya naguguluhan at may takot sa kanyang mga mata.
Dahil sa'kin kaya sila nandito ngayon sa sitwasyong maglalagay ng buhay nila sa panganib. Ang mga inosente kong magulang ay nadamay.
"Mahabang istorya Pa—" Natigil ako sa pagsasalita nang may narinig kaming ingay ng sapatos na papunta sa kinaroroonan namin. Madilim dito sa loob kaya hindi kita ang paparating.
"Kamusta ang magpamilya? Nagkita- kita na kayo sa wakas. Family reunion!" Masama ang tingin pinupukol ko sa kaharap ko. Pumapalakpak pa siya sa tuwa habang nginingisihan kami. Kasama niya ang mga kampon niyang pumatay kay Evelyn.
"Hayop ka! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong kasalanan! Mabubulok kayo sa bilangguan!" Tumawa lang siya ng malakas at hindi natinag sa sinabi ko. Ganoon din ang mga kasama niya. Ngising malademonyo ang mga mukha nila at parang mga high na gumamit ng pinagbabawal na gamot. Namumula at nanlilisik ang mga mata.
"H-huwag po!" Napatingin ako sa likod nila ng may isang dalagita ang wasak ang damit na hinahalikan ng isa nilang kasama na hubo't hubad na. Sinubsob nito sa sahig ang babae at wala pasabing inangkin nito ang kawawang dalagita.
"Aaahhh!!" Napaiyak nalang ako sa sinapit nang babae. Kahit anong piglas ko ay walang silbi para matulungan siyang ginagahasa. Katulad ng ginawa nila kay Evelyn. Katulad niya hindi ko siya natulungan. Pinapanood ko siyang ginagahasa ng mga hayop na ito.
"Wala talaga kayong puso! Hintayin niyo lang. Mabubulok din kayo sa kulungan!" Lalo siyang ngumisi ng masama na pinasadahan ang katawan ko. Kakaibang ngisi na puno ng pagnanasa. Kahit nangilabot ang balat ko sa paraan ng pagtitig niya ay nakipagtitigan ako sa kanya ng puno ng galit at pagkasuklam ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romance"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
