Chapter twenty one

25.4K 581 8
                                        

Chapter twenty one
Kristina

"K-kristina?"

Napapitlag ako nang makita kong nakatayo si Harold sa harapan ko na halatang nagulat pagkakita sakin. Bigla naman bumukal ang galit ko sa kanya sa mga rebelasyong narinig ko ngayon lang.

"Kanina ka pa—" Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin dahil malakas ko na siyang sinampal na kinapiling ng kanyang mukha. Hindi ko mapigilan ang sariling kong maiyak dahil sa panlolokong ginawa niya sakin. Pinamukha niya akong tanga at ginamit.

"Bakit mo nagawa ito sakin Harold! Pinagkatiwala ko sayo ang lahat! Wala akong itinira sa sarili ko dahil lahat nang mayroon sakin ay ibinigay ko sayo ng buong puso! Pero anong ginawa mo ha? Niloko mo ako! Pinaasa!" Pinagsusuntok ko ang kanyang dibdib dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya. Hinayaan lang niya akong pagsuntukin siya na seryoso ang kanyang mukha at hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip.

"M-matagal mo na bang alam ito ha! Bakit mo naman ito inilihim sakin, Harold! Ano! Sagutin mo ako!" Niyuyugyog ko na ang kanyang mga balikat habang walang pigil naman ang mga luha ko. Ngayon ay hinawakan na niya ako saking mga kamay at bigla niya akong niyakap pero nagpupumiglas ako sa kanyang hawak. Parang sa isang iglap lang ay natakot na akong mapalapit sa kanya. Ayoko ko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdan ng puso ko ngayon. Ang sobrang sakit na niloko ka nang taong pinagkatiwalaan mo at higit sa lahat ay minahal mo.

"Pag-usapan natin ito nang maayos sa bahay, Kristina. Halikana at mahamog na dito sa labas—"

"Huwag kang maniwala sa kanya, Ms. Beautiful. Niloloko ka lang niyan nang kapatid ko. Matagal na niyang alam na ang grupo ko ang tumira at pumatay doon sa babaeNarinig mo naman siguro na ayaw niyang mawalan nang mana galing sa ama namin? Kaya hindi niya ako maisusuplong sa mga pulis." Biglang lumitaw ang binatilyo sa gilid namin na may malapad na ngisi sa kanyang mukha.

Masama kong natingnan si Harold na may pagbabantang tingin sa kanyang kapatid.

"Huwag kang maniwala sa kanya, Kristina. Ako ang paniwalaan mo. Pag-usapan natin ito nang maayos. Tara na." Lumayo ako sa kanya at iwinaksi ko ang kamay hinawakan niya. Marahas kong pinahid ang mga luha ko.

"Masaya ka ba sa panloloko mo sakin, Harold? Masaya ka bang makukuha mo na ang kayamanang ninanais mo?" Napapikit ako ng mariin bago dumilat habang nakakuyom ng mahigpit ang mga kamay ko.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon