Chapter nineteen

25.3K 648 24
                                        

Chapter nineteen
Kristina

Sobrang pawis ang katawan ko habang tumatakbo ako sa mahabang daan. Hindi ko alam kung saan patungo itong walang katapusan na daan. Pero sa patuloy kong pagtakbo ay may narinig akong umiiyak na babae.

Hinanap ko sa masukal na damuhan ang pinanggalingan ng tinig ng babae. Malapit na ako sa kanya dahil naririnig ko na ng malinaw ang kanyang tinig na umiiyak. Hinawi ko ang isang malaking damong ligaw na humaharang sakin. Nang mahawi ko na ay ganoon nalang ang panlalaki ng aking mga mata.

"Please help me! Please help me!"

Nakatitig sakin ang mga mata niyang umiiyak at nagmamakaawa sakin.

Hubo't hubad siya at naliligo sa kanyang sariling dugo.

Napaatras ako at nangilabot sa takot ang katawan ko nang unti unti siyang gumagapang palapit sakin habang ako ay patuloy ring umaatras.

"Please help me!.. I want to be in peace! You the only one who can help me... Pleas help me..."

"Shit! Sweetheart! Gising! binabangungot ka! Gising Sweetheart!"

Malalim akong napasinghap nang magmulat ako ng aking mga mata. Pawis na pawis ang buo kong katawan habang niyuyugyog ni Harold ang mga balikat ko. Nang makita niyang gising na ako ay agad niyang hinawakan ang pisngi ko.

"Anong nangyari? Ayos ka lang?" Nanginginig parin ako habang umiiling sa kanya. Sobrang nag alala ang magkasalubong niyang mga kilay habang pinupunasan niya ang pawis ko sa noo.

"H-harold... Napanaginipan ko siya..." Gumagaralgal ang boses kong nakatingin kay Harold na nagtataka ang kanyang mga mata.

"Sinong siya, Kristina? Sino ang napanaginipan mo?"

"Si E-evelyn... H-humihingi na siya ng hustisya, Harold. Bakit ang tagal mahuli ng mga kriminal na iyon, Harold!" Naghihisterical ko nang sambit na kinabig naman ako agad ni Harold at pinapakalma. Pero hindi ako makakampante kung hindi parin nahuhuli ang mga pumatay kay Evelyn. Hanggang ngayon ay wala pa kaming natatangap na information laban sa mga kriminal na iyon. Kahit si Evelyn ay natatagalan narin sa pag-usad ng kaso niya. Kaya humihingi na siya ng tulong sa panaginip ko.

"Ssshhh... Tumahan ka na, Sweetheart. Nandito ako para tulungan ka. Sige na matulog ka na uli, babantayan kita." Umiling iling ako sa dibdib niya habang nakasubsob ako sa kanya. Alam kong ramdam niya ang panginginig ng katawan ko.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon