Chapter seventeen
Kristina
"Are you pregnant?"
Nanlalaki ang mga matang napatutop sa kanyang bibig si Meribeth. Agad din akong napahawak sa puson ko. Hindi pa man ang period ko kaya hindi ko masasabing buntis ako dahil hindi pa naman ako delayed.
But the signs of a pregnant women are the symptoms that I experienced lately.
Madali akong magalit. Paiba-iba ng mood. Madaling magutom at ngayon nga ay nahihilo at nasusuka ako dahil sa naamoy kong mabaho.
Kung buntis nga ako ay sobrang saya ko ngayon dahil dinadala ko ang anak namin ni Harold. Ang anak namin ni Harold na bunga ng aming pagmamahalan.
Alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang buntis ako.
Hinawakan ko ang mga kamay ni Meribeth na sobrang tuwa ang kanyang mukha.
"Beth, huwag mo munang sabihin ito kay Harold hanggang hindi pa ako sigurado kung buntis nga ako." Tumango tango naman siya sa sinabi ko.
"Of course friend. Bukas samahan kitang bumili ng pregnancy test para masure natin kung buntis ka nga. Ikaw ha, inunahan mo pa akong mabuntis! Bilis talaga ng Harold mo,Bestfriend!" Agad ko siyang sinenyasan na tumahimik na dahil papasok na sila Harold dito sa kusina. Nilinis ko muna ang lababo bago kami sumalubong sa kanila.
"Love, pa order nalang tayo ng food sa restaurant. I'm so tired na para mag luto pa. Okay lang sayo friend?" Tumango ako sa tanong niya.
"Okay lang, Beth."
"Sige tatawag na ako. Friend anong sa inyo?" Tumingin ako kay Harold baka sakaling may gusto siya pero umiling lang siya.
"Ikaw nalang bahala Beth. Ah... Samahan mo pala ng dinuguan at puto, Beth. Thank you." Tumango siyang nakangisi sakin bago siya may tinawagan sa cellphone ni Sam.
Tumingin naman sakin si Harold na nakakunot noo.
"Akala ko ba hindi ka mahilig doon?" Napakurap ako sa tanong niya. Naalala pala niya ang sinabi ko noon sa kanya na hindi ako kumakain ng dinuguan dahil hindi ako kumakain ng mga lutong baboy. Pero ngayon ay gustong gusto kong kumain ng dinuguan na may puto.
Natatakam akong kumain nun.
"A-ah—"
"Love, may ginawa palang sandwich si Kristina. Ito muna ang kainin natin. Harold, tikman mo ang sarap!" Napahinga ako nang iligtas ako ni Meribeth na lihim pang kumindat sakin.
Naupo sila Sam sa pwesto nila habang pinaghila naman ako ni Harold ng bangko bago siya naupo. Kinuha niya sa plato ko ang kinagatan ko nang sandwich kanina at kinain. Inuma niya pa sakin na kumagat din ako pero umiling ako at pasimple akong hindi huminga para hindi ko malanghap ang mabahong amoy ng onion. Baka masuka uli ako.
Ilang minuto din ang hinintay namin bago dumating ang inorder ni Meribeth.
Sinalin namin ni Meribeth ang mga pagkain sa plato at inilagay sa lamesa ganoon din ang dinuguan at puto na takam na takam na akong kumain.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romansa"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
