Chapter twenty five

26.7K 612 4
                                        

Chapter twenty five
Kristina

Pinahiga niya muli ako sa kanyang dibdib habang siya ay nakasandig sa kama. Nadadama ko rin ang tibok ng puso niya.

"Anak ako ng isang maid. Katulong ang aking Ina sa isang pinakamayamang pamilya dito sa bansa. Sa kasamaang palad ay umibig si Ina sa amo niyang lalaki. Ang pamilyang Villafuerte na may isang anak na lalaki. Lingid sa kaalaman ni Nanay ay may pagtingin din ang lalaki sa kanya kaya nang malaman nung lalaki na may pag-ibig si Nanay sa kanya ay nanligaw siya dito at inilihim nila ang kanilang relasyon at sabi pa nung lalaki na hindi nito mahal ang kanyang asawa at si Nanay daw ang pinakamamahal niya at lahat ay gagawin para sa kanya. Kaya lubos nagtiwala si Nanay at nagpatuloy ang kanilang relasyon at sinekreto nila iyon lalong lalo na sa asawa nung lalaki. Hanggang sa nagbunga ang kanilang bawal na relasyon ay doon natuklasan ng asawa ang kanilang pagtataksil. Pinapili niya ang lalaki kung si Nanay ba o siyang legal na asawa ang kanyang pipiliin. At doon nawasak ang buhay at puso ni Nanay at pinalayas siya ng asawa nung piliin ng lalaki ang kanyang legal na asawa. Dahil sa kayamanan kaya nito pinili ang asawa. Lumayo si Nanay na may puot sa kanyang puso at pagkamuhi doon sa lalaki."

Nakatitig lang ako kay Harold habang siya naman ay napatiim bagang. Nakakuyom ng mariin ang kanyang kamao. Nakikita ko sa mga mata niya ang poot at galit para sa kanyang ama. Ang ama niyang hindi siya pinanindigan. Ang ama niyang tinaksilan ang kanyang ina.

Sobrang hinagpis pala ang nangyari sa Nanay ni Harold. Ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkabigo ng kanyang pag-ibig ay hindi mapapantayan ng kahit anumang material. Dahil ang sakit ay walang kapantay.

Katulad ng unti unti kang pinapatay.

Ang lalaking minahal nito ay hindi nararapat sa kanyang Ina lalo na ang pag-ibig nito.

"Lumaki ako at nagkaisip na walang kinikilalang ama. Tinatanong ko noon sa sarili kung sino ba ang ama ko. Kung bakit wala siya sa tabi namin dahil lahat ng mga kaklase ko noon sa school ay hinahatid sila ng kanilang mga ama habang ako ay wala at tinutukso parati na putok daw ako sa buho. Nagalit ako noon at pinagsusuntok ko ang mga kaklase kong nambully sakin. Agad nilang pinatawag si Nanay nang malaman ang ginawa ko. Pag-uwi namin sa bahay ay pinagalitan ako ni Nanay. Tinanong ko rin siya kung sino ang ama ko at kung nasaan siya pero niyakap lang niya ako at hindi umimik."

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon