Chapter twenty four
KristinaIlang minutong natahimik si Harold habang hinihintay ko ang kanyang mga paliwanag. Nang sa wakas ay bumuka ang kanyang bibig para magsalita.
"Kahit kailan man ay hindi kita niloko, Kristina. Hindi din ito dahil sa kayaman na narinig mo. Kahit kailan wala akong interest sa kayaman na iyan. May malalim akong rason kung bakit ko inilihim sayo ito at kung bakit hindi ko pa naikukulong ang kapatid ko." Natigilan ako sa kanyang sinabi pero hindi ibig nun ay naniniwala na ako sa kanyang paliwanag. Baka gumagawa lang siya ng rason para maniwala ako sa kanya.
"Anong rason iyan ha? Sabihin mo! O sadya talagang niloloko mo lang ako at ginamit. Pina-ibig at tsaka iiwan matapos mong makuha ang gusto mo! M-minahal mo ba ako, H-harold?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya iyon. Gusto kong marinig mula sa kanya ang totoong sagot.
"Mahal na mahal, Kristina—"
"Sinungaling! Kung totoong mahal mo ako hindi mo magawang ilihim sakin ang lahat! Kung mahal mo ako... Sasabihin mo ang totoo!" Marahas niyang nasipa ang isang dahilan ng pagkatumba nito at gumawa ng ingay, pero hindi ako natinag sa kanyang ginawa. Alam kong nagtitimpi lang siya ng kanyang galit. Pero gusto kong malaman kung ano pa ang kanyang inililihim sakin. Dahil pakiramdam ko ay mayroon pa at hinaharangan niya ako sa gusto kong malaman.
Umaagos narin ang masagana kong mga luha.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Kristina! Hindi ko gustong malaman mo pa ito dahil alam kong makakasama ito para sayo at sa anak natin!" Sobrang pagpipigil na ang kanyang tinitimpi dahil napapagulo na siya sa kanyang buhok habang nakatitig sakin. Wala akong paki-alam kung magalit man siya sakin basta malaman ko lang totoo niyang tinatago.
"Hindi din naman ako matatahimik kung may inililihim ka pang iba sakin, Harold. Gusto kong malaman ang tungkol lahat sa kaso ni Evelyn. Please, sabihin mo na." Mahinahon ko nang paki-usap sa kanya. Baka sakaling madala siya sa paki-usap ko at sabihin na sakin ang totoo.
Nakita kong natahimik siya ng ilang minuto. Nakikipagtitigan siya sakin.
Pagkaraan ay marahas siyang napabuga ng hangin.
Umayos siya ng tayo at pinakatitgan ako.
"Una sa lahat, hindi ito tungkol sa kaso ni Evelyn. Tungkol ito sayo at sa pamilya mo." Agad nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig. Naguguluhan ako sa kanyang sinabi. Una si Evelyn tapos ang pamilya ko naman? Paano nasali ang pamilya ko sa gulong ito?
"Anong tungkol sa pamilya ko?" Hindi siya umimik. Nag-iwas din siya ng titig sakin. Ako nalang ang kusang lumapit sa kanya dahil sa pakiramdam kong kakaiba. Bigla akong tinupok ng kaba na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romance"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...