Chapter eight

33.7K 788 16
                                        

Kristina
Chapter eight

Isang oras siguro ang binyahe namin ni Harold bago kami huminto sa isang concrete na bahay. Iilan lang ang mga bahay dito at malayo ang agwat na nakapagitan sa bawat bahay. Naunang umalis si harold sa motor bago ako nito tinulungan sa pagbaba. Kinuha nito ang helmet sa ulo ko at nilagay sa side mirror ng motor. Napatingin naman ako sa relo ko.   Past nine na ng gabi.

"Ayos ka lang?"

Napatango ako sa tanong ni Harold. At nahihiya rin ako sa kanya. Siya pa nga ang dapat kong tanungin kung ayos lang ba sa kanya ang pang iistorbo kong ito. Gumawa pa ako ng problema na ikapapahamak ng buhay niya.
Pero hindi niya ako iniwan at nandiyan siya palagi sa tabi ko kapag kailangan ko siya. Kapag nasa panganib ako. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko sa tuwing malapit siya sakin ay kumakabog ng mabilis ang puso ko. Para bang magkakaroon pa yata ako ng sakit sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito. Pero kung wala ang presensya niya nasa normal naman ang heart beat nito? Ano kayang ginawa ng Harold na ito sa puso ko? In love na ba ako sa manyak na ito?Aarrghh!!! Hindi pwede ito!  Manyak at babaero ang Harold nato. Lolokohin lang ako nito katulad sa mga babaeng pinaasa niya. Palagi ko nga naririnig ang mga iyak ng mga babae niya dahil pinaasa lang sila ng lalaking ito. Nagagalit nga ako noon sa Harold na ito dahil sa pinaglalaruan lang nito ang damdamin ng isang babae na handang magpaalipin sa kanya. Mga babaeng patay na patay sa kanya. Sarap din noon ipakulam ang lakaking ito na bigyan ng nakakahawang sakit ang gwapong mukha nito para hindi na makaakit pa ng ibang babae. Tapos ngayon ako na ba ang sususnod niyang mabibiktima sa taglay niyang kakisigan?

Napakislot ako bigla ng may mainit na bagay ang sumakop sa bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko na hinahalikan ako ni Harold.

Nagbitiw ito at nakangiting tinitigan ako. Hinawakan nito bigla ang baba ko. Sobrang lapit ng mukha niya sakin.

"Bakit ka nakatulala sakin, sweetheart?" Napaiwas ako sa tanong nito. Biglang uminit ang mukha ko. Nahuli pa akong nakatitig sa kanya. Baka anong isipin nito. O baka isipin nito na pinagpapantasyahan ko siya. Naku, sobrang nakakahiya.

"A- ah... H-hindi ah! Saan pala tayo?"

Nabubulol kong sabi. Napabuga ako ng hangin ng bitawan na nito ang baba ko at tumalikod siya sakin. Tinanaw nito ang kaharap na bahay at kinalampag ang gate.  Nakabukas pa ang ilaw kaya may tao pa sa loob.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki na kaedaran lang din ni Harold. Tinanaw muna nito kung sino ang tao bago ito lumapit sa gate.

"Harold? Pare!"

Agad nito binuksan ang gate nang makita si Harold. Akala ko magyakapan sila pero sinuntok ng lalaki sa magkabilang braso si Harold. Ganoon din ang ginawa ni Harold sa lalaki.

Napatingin bigla ang lalaki sakin bago nito hinarap si Harold na may nakakalokong ngisi.

"Sino siya pre?" Tukoy nito sakin matapos akong sulyapan ng mabilis. May itsura ang lalaki at makisig din. Matangkad ito pero mas matangkad sa kanya si Harold na hanggang leeg nito. At mas gwapo parin si Harold sakin.

"Girlfriend ko pre."

Mabilis kong natingnan si Harold dahil sa sinabi niya. Nakatingin din siya sakin at kinindatan ako. Binalingan nito ang lalaki na malapad ang ngisi kay Harold.

"Pre si Kristina. Sweetheart, siya si Aldrin. Matalik kong kaibigan." Pagpapakilala nito samin. Sinaluduhan ako ng Aldrin habang ako ay kimi lang ngumiti. Iniisip ko parin ang sinabi ng kasama kong lalaki. Pinakilala ba naman akong girlfriend niya eh hindi nga nanliligaw sakin. Hindi ko natandaan na nanligaw siya at tinaggap ko tapos ang cool pa ng pagkakasabi nito sa kaibigan niya na girlfriend niya ako. Sarap talagang tadyakan ang pagmumukha ng Harold na ito sa totoo lang. Nakakarami na siya sakin na nabibigla nalang ako.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon