Chapter eleven

31.7K 697 8
                                        

Chapter eleven
Kristina

Ipinarada ni Harold ang motor sa gilid ng daan. Umalis ito sa motor at inalalayan ako. Kinuha niya ang helmet sa ulo ko kaya inayos ko ang buhok ko na medyo nagulo. Bigla naman hinawakan ni Harold ang baba ko at hinalikan ako nang mabilis tsaka nito binitawan. Napalibot naman ang tingin ko sa paligid baka may nakakita sa paghalik ni Harold sakin at napahinga ako dahil medyo malayo ang distansya namin sa gate. Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin na kinangisi lang nito sabay hapit sa bewang ko at hinalikan akong muli.

"Masarap kasi ang labi mo sweetheart." Bulong niya matapos ang halik. Pinagdikit niya ang noo namin at hinalikan ako doon na kinapikit ko.

"S-sige na papasok na ako. Mag iingat ka sa pagmamaneho at huwag mong bilisan." Tumango tango siya sa sinabi ko bago ako bitawan. Humakbang na ako pero napalingon uli sa kanya dahil nakatayo parin siya at tinitingnan ako. "Umalis kana." Iwinigayway niya ang isang kamay na sinasabing mauna na akong pumasok. Napahinga nalang ako bago ko siya talikuran. Lumakad na ako papasok sa gate. Nang nasa loob na ako ng gate ay nilingon ko siya at sakto naman na sinuot nito ang helmet at umangkas na sa motor niya. Agad naman nitong pinatakbo ang motor hanggang sa mawala na sa paningin ko. Nagpatuloy nalang ako sa pagpasok at ginawa ang dapat kong gawin. Nang matapos ako ay dumiretso ako agad sa room ko. Pagpasok ko ay nasa kanya- kanya ng upuan ang mga students ko. Binati nila ako nang makita ako. Nilagay ko muna ang  bag ko sa upuan bago ko sila hinarap.

"Good morning din class." Alam kong excited na kayo sa nalalapit na bakasyon. Since malapit na ang school year end ay may ipapagawa ako sa inyong assignment, na kailangan niyong ipasa pagbukas ng school year." Napabaling ako kay Moreen ng magtaas siya ng kamay.

"Yes, Moreen?"

"Ano pong assignment iyan, Miss?" Tanong niya na mukhang ganoon din ang nasa isip ng iba niyang classmates. Kumuha ako ng chalk at nagsulat sa black board bago uli humarap sa kanila na napatango tango sa sinulat ko.

"My vacation day. Gumawa kayo ng picture o pwede niyo naman isulat ang mga nangyari sa inyo base sa inyong experience. Maliwanag ba?" Napabaling ako kay Micho ng magtaas siya ng kamay.

"Yes, Micho?"

"Miss, paano po kung wala kaming maisulat, bagsak po kami agad?" Tanong nito na kinasang ayunan din ng ibang mga boys. Hay, pagdating talaga sa assignment tinatamad na gumawa ang mga boys na ito.

"Hindi naman babagsak, pero dagdag grades din iyon dahil home work, at tsaka mahaba haba din ang bakasyon kaya imposibleng wala kayong may maisulat. Anything that you want to share with your own classmates. Ganoon din naman ang ipapagawa ko sa ibang section. Is that clear?"

"Yes, Miss!" Sabay nilang bigkas. Kaya nagpatuloy na kami sa natitira pang aralin. Malapit na din kasi ang fourth grading.

Nagpatuloy ang klase ko hanggang sa sumapit na ang tanghalian. Inaayos ko ang mga gamit ko ng dumating si Meribeth.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon