Chapter three
Kristina
Proud na proud ang buong school namin dahil sa matagumpay na pagsusulit. First ranking lang naman ang school sa ginanap na National Achievement Test. First time itong nangyari sa school. Kaya todo ang saya na nararamdaman namin ngayon. Nandito kami sa principal's office. Dahil may konting salo salo na bigay ni Mrs Tolomo. Ang school principal.
"Congratulations to all of us! Keep up the good work." Masayang wika ni Ma'am Tolomo. Naging maganda ang pamamalakad nito sa ilalim ng kanyang pamamahala. Even the school campus were clean and green. She's strictly implemented the garbage violations. May multa nga ng sampung piso kung nakita kang tumapon ng basura mo kahit plastic o papel man iyon. Marami na nga ang namultahan na mga estudyante dahil sa implement na iyon. Pero ngayon ay wala na masyadong napenaltehan.
Matapos ang konting salo salo ay bumalik na kami sa kanya namin classroom.
"Congrats satin friends. Matatalino talaga ang mga students ko!" Pagmamalaking sabi ni Meribeth nang papaakyat na kami sa second floor.
"Asus! Matalino rin naman ang mga students ko at ang ibang section. Kaya tayo naka number one." Sabi ko na kinasama nito ng tingin sakin.
"Okay fine. Lahat naman ng students dito matatalino!" Sabi nalang nito na papasok na sana sa room nito nang lumingon ito sakin. "Nga pala friend sama ka sa party mamaya ni Ma'am Saavedra?" Tanong nito na kinailing ko. Hindi ko kasi sure kung sasama ako o hindi. Ininvite kami kasi ni Ma'am Saavedra sa kanyang birthday. Medyo malayo kasi dito ang bahay ni Ma'am Saavedra at baka gabihin ako sa pag uwi. At baka wala na akong masakyan. Babae pa naman ako.
"Ewan ko friend. Bahala na mamaya." Tumango lang ito sa sinabi at nagpatuloy na ito sa pagpasok sa loob. Pumasok narin ako at nagsimula na ang klase ko.
Pagkatapos nga ng aming klase ay lulan na kaming mga teachers sa sasakyan ni ma'am Saavedra. Hindi nga sana ako dadalo kaso pinilit talaga ako ni Meribeth. Iiyak daw siya hanggang sa pumayag daw ako. Baliw talaga. Kaya no choice ako kundi ang sumama.
Pagdating namin sa tapat ng two storey na bahay ni ma'am Saavedra ay bumaba na kami ng sasakyan. Nasa isang subdivision ang bahay nila. Pumasok kaming sampo na kapwa ko co-teachers. Hindi din nakasama ang ibang teachers na pamilyado na.
Nakahanda na sa mahabang mesa ang mga pagkain nang makapasok kami. Kanya kanya naman kaming naupo.
"Guys, kain lang kayo diyan ha. Magbibihis lang ako." Sabay kaming napatango bago umakyak sa taas si ma'am Saavedra.
"Makakain narin sawakas. Gutom na talaga aketch!" Natitilihan sabi ni Sir Solomon. Hindi masaya ang grupo namin kung wala siya. Siya kasi ang joker namin. He's a gay.
Kumuha ako ng spaghetti at loaf. Medyo gutom din ako kaya naparami ang kain ko. Ganoon din si Meribeth na matakaw talaga sa pagkain.
Makalipas ang ilang oras ay hindi ko namalayang magnanine na pala ng gabi. Busy kasi ako sa kakanood ng tv habang umiinom ang mga kasama ko. Hindi naman ako umiinom. Binabantayan ko lang si Meribeth na medyo tipsy na. Susunduin naman siya ni Sam pero ten pm pa daw ang out nito. Nakilala rin namin ang husband at dalawang anak ni ma'am Saavedra. Okay lang din kay ma'am Saavedra na magdamag daw kaming mag-inuman dahil wala naman pasok bukas. It's Saturday. Kaya nilubos lubos ng mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romance"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
