Chapter six

33.2K 742 10
                                        

Chapter six
Kristina

"Friend, malapit na ang bakasyon. Saan ka magbabakasyon?" Tanong sakin ni Meribeth habang kumakain kami dito sa canteen.

"Siyempre uuwi ako. Namimis ko na ang pamilya ko. Alam mo naman na tuwing bakasyon lang ako nakakauwi samin." Agad kong sagot sa kanya. Gusto ko na ngang pabilisan ang oras para makauwi na ako."Eh, ikaw ba saan kayo ni Sam?" Nanunudyo kong tanong na kinalawak ng ngiti nito. Alam na alam ko ang ngiting iyon. Kabisado ko na kasi ang ugali ng babaeng ito.

"Siguro sa beach resort nila Sam kami magbabakasyon. Sa Palawan. Ang ganda doon friend. Nakita ko ang picture sa cellphone ni Sam. Sama ka?" Pagkukumbinsi nito sakinPero uuwi talaga ako samin. Mas gusto ko pang kasama ang mga magulang ko keysa magbakasyon sa isang lugar. At isa pa sigurado akong makakaistorbo lang sa kanila. Moment nilang magkasama doon ng walang iniintindi.

"Thank you nalang friend. Makakaistorbo lang ako sa moment niyo doon." Panunukso kong sabi na pinandilatan lang ako. Madali kasi itong mapikon kong tinutukso ko.

Bigla kong narinig na tumutunog ang cellphone ko. Kinuha ko sa bag at tiningnan kung si Mama ba ang tumatawag pero unknown number ang nakarehistro.

Napakunot noo ako. Sino naman ang tumatawag sakin. Hindi nakarehistro ang number sa phone at hindi ko rin kilala ang taong ito na tumatawag sakin ngayon. Kinancel ko ang tawag at binalik sa bag ko ang cellphone ko. Pero hindi ko pa naisisilid ang phone ko nang magring na naman ito. Kinancel ko ulit pero ganun parin. Magriring parin.

Napatingin ako kay Meribeth nang kunin nito sa kamay ko ang cellphone.

"Hello! Sino to?" Bungad nito na kinatingin ko lang. Wala na akong magawa eh sinagot na niya ang tawag. "Ha? Harold? As in ikaw si Harold Magbanua?.. Ayyy!!!" Sinuway ko ang boses nito dahil natitili ito bigla. Napapatingin tuloy ang ibang students samin. Nakakahiya talaga ang babaeng ito. Tama ba ang narinig ko na si Harold ang kausap niya? Saan naman nakuha ng lalaking iyon ang number ko. Hindi ko naman binigay sa kanya.

Napatingin uli ako kay Meribeth nang inabot nito sakin ang cellphone ko.

"Kausapin mo daw si prince charming. Important matters ang sasabihin niya. Ikaw ha hindi ka nagkukwento sakin. Kwentuhan mo ako mamaya ha!" Kunyari pagtatampo nito. Hindi na ako nagsalita at kinuha ang cellphone sa kamay niya. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari sakin dahil ayaw kong mag alala pa siya sakin.

Napahinga ako nang malalim. Ano naman kaya ang sasabihin ng lakaking iyon at tumawag pa.

Lumabas muna ako ng canteen at naupo sa isang bench na walang katao bago ko sinagot ang tawag.

"H- hello?" Kinakabahan kong bungad. Kahit alam ko na kung sino ang nasa kabila. May sumagot naman agad.

"Mag half day ka. Pupunta tayo sa police station." Agaran nitong sabi.

"H-ha?.. P-pwede bang mamaya nalang pagkatapos ng klase ko?" Nauutal kong sabi. Binigla kasi ako ng lalaking ito. Sasamahan niya ako? Pero mamaya pa ako aalis. Plano ko kasi na pagkatapos ng klase ko magtutungo sa police station para ipabloter ang nakuha kong video. Busy kasi kaming tapusin ang mga natitirang aralin dahil sa nalalapit na end of school year.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon