Chapter twenty three

26.1K 571 4
                                        

Chapter twenty three
Kristina

Inaalayan ako ni Harold habang papalabas kami ng hospital. Ngayong araw ang labas ko at kaming dalawa nalang ang naiwan dito sa Palawan. Nang muling dumalaw sila Meribeth at Sam sakin dito sa hospital ay sinabi ni Meribeth na kailangan niya na daw bumalik nang Maynila dahil nagkaroon daw ng emergency sa kanyang pamilya. Kaya nung araw ding iyon ay lumuwas agad sila gamit ang private chopper nila Sam. Ayaw pa nga sana akong iwan dito ni Meribeth dahil alam niya naman ang sitwasyon ko at ang sa pagitan namin ni Harold, pero ako na ang nagkumbinsi sa kanyang kailangan siya nang kanyang pamilya at kaya ko naman ang sarili ko. Ilang araw lang din na pahinga ang kailangan ko dahil bawal pa sakin ang bumiyahe ng matagal at baka mabinat daw ako. Ayoko ko na muling muntik nang mawala uli ang anak ko sakin. Mabuti nalang din ang malakas ang kapit ni Baby sa sinapupunan ko.

Maingat akong isinakay ni Harold sa isang kulay abuhin na sasakyan na magara. Napaisip naman ako kung sa kanya ba ito o hindi, pero sigurado ako na sa kanya nga ito base narin sa narinig ko kahapon. Mayaman ang kanyang ama! Agad din siyang pumasok sa loob at tiningnan ako nang matiim. Napasinghap ako nang umusog siya ng kunti palapit sakin na dahilan ng pagpikit ko. Biglang bumilis ang pintig nang puso ko. Tumatama narin ang kanyang mainit na hininga sa mukha ko. Dahilan ng pag-iinit ng katawan ko. Ang katawan kong sinusuplong ako.

At ganoon nalang ang hiyang nararamdaman ko nang marinig  ang kanyang binanggit. Biglang namula sa hiya ang mukha ko.

"Seatbelt first, Sweetheart." Nakita ko ang mapanukso niyang ngiti nang magmulat ako nang mata. Bumalik na siya sa kanyang upuan at inistart ang makina habang ako naman ay natahimik nalang at itinuon ang pansin sa labas. Baka sa paglapit niyang muli sa akin ay magdudulot na naman ng sakit sa dibdib ko. Ayoko nang mangyari iyon.

Wala kaming imikan sa loob nang sasakyan hanggang sa makarating kami nang rest house. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto dahil kusa na akong lumabas ng sasakyan. Dalawang hakbang palang ang nagagawa ko nang biglang may bumuhat sakin. Bridal style. Pinilit ko siyang ibaba na niya ako pero hindi niya ako pinansin at matiim lang siyang nakatitig sakin bago siya lumakad habang buhat niya ako.

"I-ibaba mo na nga ako, H-harold!" Ani ko sa nagagalit na boses pero wala siyang paki-alam sakin kahit na pinagtitinginan na kami ng ibang mga turista na nakakasalubong namin. Ang iba sa kanila ay kinikilig pa habang pinagmamasdan kami habang ang iba naman ay kinikilig hindi sa amin kundi kay Harold lang na nagpapansin pa nga sa kanya. Hindi naman sila tinutuonan ng pansin ni Harold. Ako pa yata ang naiinis sa mga babaeng nagpapaflirt sa kanya. Isipin pa lang na may ibang babae siya ay gusto ko nang magwala. Magwala sa sarili sa isiping may iba siyang bibig na kahalikan o ang mas malupit ay mayroon siyang babaeng inaangkin na ilang beses narating ang langit.

Sa mga isiping iyon ay gusto kong sabunutan ang Harold na ito hanggang sa makalbo. Pero gusto ko rin siyang itali sa kama ko para wala nang mag-aangkin sa kanya kundi ako dahil ang gusto ko ay ako lang at ako lang talaga.

Bakit ba iniisip ko ang mga ganun?

Diba, galit ako sa lalaking ito?

Pinapahamak mo talaga ako, my dear heart.

Napayakap nalang ako sa kanyang leeg habang nakasubsob ako sa kanyang dibdib. Lihim ko rin siyang pinagmamasdan na seryoso lang ang kanyang tingin sa daan. Ngayon ko lang din napansin ang pangingitim ng ilalim ng magkabila niyang mata. Halata sa kanya ang walang tulog. Gusto kong haplusin ang bahahing iyon pero pinipigilan ko ang sarili ko.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon