Chapter twelve
Kristina
Agad kaming lumabas ni Meribeth matapos ang meeting ng principal samin. Tungkol sa fourth grading exams at sa nalalapit na graduation ng Senior high school. Mga programs at activities na kailangan asikasuhin at tapusin.
Lumabas kami ni Meribeth ng gate habang pinag uusapan namin ang tungkol sa mga programs para sa graduation ng bigla niya akong hawakan sa braso. Napatingin ako sa kanya na may ininguso na kinakunot noo ko.
"Meribeth, anong ngininguso mo diyan?" Napabaling ang tingin niya sakin na pinandilatan ako bago nito tinuro ang kung anong tinuturo niya.
"Hay, Ikaw na talaga ang innocent lady, friend. Ayon oh. Si lover boy mo at ang prince charming ko. Nag uusap sila at para bang magkakilala na." Napatingin naman ako sa tinuro niya. At nagulat ako ng makita si Harold na nakasandig sa motor niya habang naninigarilyo. Sa gilid nito ay si Sam na nakasandig din sa kotse niya habang nag uusap nga sila. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko nang mapalingon siya sa gawi ko. Tinapon nito bigla ang sigarilyo at inapakan sabay ayos ng tayo nito at tinitigan ako. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang titig niya. Nakita kong kumaway si Sam kay Meribeth na todo ang pagkakakilig. Kinalabit naman ako ng babaeng ito na bumulong pa sakin.
"Use protection!" Napalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya at pinandilatan siya. Ginaya pa nito ang sinabi ko noon sa kanya. Hindi nalang niya ako pinansin na nauna nang lumakad habang mahina akong tinawanan dahil sa reaksyon ko. "Hi Harold! Please take good care of my best friend!" Binati pa nito si Harold na tumango lang habang ang tingin ay sa akin. Nagyakapan ang dalawa at para bang wala ng bukas kung magyakapan. Sobrang sweet. Bilib ako sa pagmamahalan nilang dalawa na kahit may konting tampo o away sa pagitan nila ay wala pang isang araw ay bati na agad ang dalawa. Hindi naman nagtatagal ang away nila. Mapag pasensya at maunawaing tao kasi si Sam sa kadramahan ng best friend kong iyon. Parang bata kasi.
Nagulat ako at napakislot ng may mainit na bagay sa labi ko. Sabay hapit ng matigas na kamay sa bewang ko. Napalaki ang mata ko ng makitang si Harold ang humahalik sakin. Binitawan naman niya agad ako habang may ngisi sa labi nito. Narinig ko naman ang mapanuksong kantiyaw ni Meribeth.
"Miss na kita, sweetheart." Kung alam mo lang din Harold sobrang miss na din kita. Hindi na nga ako makapag concentrate sa discussion ko dahil sumasagi siya sa isip ko. Sumasagi din sa isip ko ang nangyari samin kagabi. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti at mamula ang aking mukha na hindi ko pinahalata sa mga students ko habang nagkaklase ako kanina. Baka ano pang isipin nila sakin.
Napakislot ako at napatingin kay Harold ng hawiin niya ang buhok na tumatabon sa leeg ko. At kita ko ang kakaiba niyang ngisi sa labi habang pinagmamasdan ang leeg at labi ko na kinabilis naman ng tibok ng puso ko.
"Markado na kita, sweetheart." Bulong nito kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Tumikhim ako ng mahimasmasan sa pagkawala sa sarili.
"A-ah, kanina ka pa?" Napailing siya sa tanong ko.
"Tara na?" Tumango naman ako sa tanong niya. Lalakad na sana ako ng mapatingin ako sa kamay ko na hinawakan nito at pinagsiklop. Napamaang tiningnan ko siya. Kinindatan lang niya ako sabay hila sakin kaya napasunod ako ng lakad.
Nagpaalam naman sila Meribeth samin na nasa loob na pala ng sasakyan at nauna na silang umalis. Habang sinuotan naman ako ni Harold ng helmet at pinangko paupo sa motorcycle, pagkatapos ay sumunod siya sa manibel at inistart ang motor.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romansa"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
