Chapter eigtheen

25.1K 614 9
                                        

Chapter eigtheen
Kristina

Naisipan kong maglibot libot kaya nandito ako ngayon sa gilid ng dalampasigan naglalakad habang tinatanaw ko ang buong paligid. Nawiwili parin ako sa buong tanawin dito sa resort. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mga berdeng halaman at puno pati na ang malinis at malawak na karagatan. Parang iniimbitahan din ako ng karagatan na maligo sa kanyang tubig. Sa mala asul na katubigan.
Pati ang ihip ng hangin ay napakalinis na walang halo ng polusyon. Malamig at mabango.

Hindi pa masyadong marami ang mga turista dahil magaa pa naman. Ang ibang nandirito ay galing pa sa kanilang overnight staying. Ang iba naman ay inagahan ng pumarito para makahanap ng mas magandang view at nang komportableng cottage para sa pamilya o kabarkada. Mayroon kasing cottage na mura at mayroon ding mahal ang presyo. Depende sa klase ng cottage na kukunin mo.

Nagpatuloy pa ako sa aking paglalakad nang makarinig ako ng mga hiyaw na galing sa pinakahulihang cottage. Napatingin ako doon at kita ko ang mga binatilyong nag- aapiran habang may hawak na mga cellphone at may itinutuon. Napatakip ako sa bibig at nangilabot dahil may dalawang hubad na katawan ng babae at lalaki ang gumagawa ng kahalayan sa ibabaw ng lamesa at sa harap mismo ng limang mga kalalakihan. Vinevideohan pa nila ang nagaganap na sex scandal! May nakita akong isang lalaki na hubad barong pumasok na galing sa likod ng mga malalaking bato na agad din humihiyaw sa ginagawang scandal. May bigla namang lumabas na lalaki na naka-shorts lang din habang may kasunod siyang babae na nag-aayos pa ng damit nito. Napansin siguro nung lalaki na nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang napatingin sakin na nakakunot noo at parang kinikilala ako. Bigla siyang natigilan at napamura nang matitigan na niya ako na kinatakot ko naman dahil pakiramdam ko ay nasa panganib ako.

"Fuck! She's here!"

"Babe, what's wrong?"

Hindi niya pinansin iyong babae sa halip ay mabilis niya akong pinuntahan na kinaatras ko. Malapit na niya akong mahawakan nang mapatigil siya dahil sa galit at nakakatakot na boses na familiar sakin.

"Kristina!" Napalingon ako kay Harold na may pagbabantang tingin na pinupukol sa lalaki. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may tensyon sa kanilang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Sa akin na siya nakatingin. Pero pakiramdam ko ay hindi sa akin ang tanong niya.

Agad niya akong niyakap at inilayo sa lalaking nakatulala parin. Niyakap ko rin siya at sinubsok ko ang mukha ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

Hinahagod niya ang likod ko.

"Ayos ka lang? Wala siyang masamang ginawa sayo?" Umiling ako sa tanong niya. Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga. Pagkaraan ay kumalas na ako nang yakap sa kanya. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. Nawala na ang takot ko dahil nandito siya sa tabi ko.

Pero pakiramdam ko ay kilala ako ng lalaking nasa harapan namin?

Bakit siya napamura nang makita niya ako?

Napapitlag ako nang hilahin na ni Harold ang kamay ko. Napabaling muna ang tingin ko sa lalaki na may kakaibang ngisi sa labi habang tinitingnan niya ang likod ni Harold. Nakita ko naman ang mga kasama niyang lalaki na nakatanaw na din pala samin. Sa akin pala sila nakatingin at parang may kaiba sa mga tingin nila sakin na kinabahala ko. Agad na akong napakapit sa braso ni Harold na kinataka niya pero hindi nalang siya nagsalita.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon