Prologue
KristinaBigla akong nagising ng makarinig ng mga ungol sa kabilang pader. Itinuon ko ang tenga sa may pader at tama ako sa kabila nga nanggagaling ang mga ungol. Maririnig ko talaga dahil magkadikit dikit lang ang mga bahay at dito mismo sa kwarto ko nakadikit ang kabilang bahay. Walang iba kundi ang bagong lipat na manyak na si Harold Magbanua.
Mahigit isang buwan na itong nakalipat sa dating bahay nila aling Bea na lumuwas ng probinsya ang mag anak. Isang buwan ko narin naririnig ang mga ungol ng babae na dinadala ng manyak at kinakama. Kaya nagiging masama na talaga ang araw ko kapag nakikita ko ito.
Kumukulo ang dugo ko. Bakit pa kasi pinarentahan ni aling Bea sa lalaki pang iyon. Dumating lang ito halos araw araw nakapila ang mga kadalagahan sa labas ng pinto nito.
Napatakip ako sa magkabilang tenga ko ng marinig naman ang mga hindi ko nais marinig.
Aaaahhh!!! Faster babe! Ooohhh... Malapit na ako! Ang laki laki at haba mo talaga! Hmmmm... Ibaon mo pa! Ang sarap mo!" Ungol mula sa babae. Malandi ang boses nito na halatang nasasarapan sa ginagawa nila. Naririnig ko ang tunog ng mga katawan nila pati ang lagitnit ng kama ay dinig na dinig ko. May balak pa talagang sirain ang kama.
Bumangon ako at napatakip na ng unan. Napatingin ako bigla sa orasan ko at nadismaya ako dahil alas tres palang ng madaling araw. Grabe! Ilang babae na naman kaya ang ikinama nito.
Napakahilig talaga ng lakaking iyon. Makakatikim ka sa sakin mamaya letche kang manyak ka!
"Hoy! Magpatulog naman kayo!" Mariin kong sigaw dito sa dingding ko. Alam ko maririnig nila ang boses ko dahil dikit lang naman sa kabila. Pero ang mga malandi parang wala lang narinig. Mas naging malakas pa nga ang mga ungol nila. Parang may hinahabol ang tunog ng mga katawan nila.
"Fuck babe! Im comming!" Daing na bigkas ng manyak na lalaki. Nakakairita talaga ang boses nito. Kumukulo na naman ang dugo ko marinig lang ang landi ng boses nito.
Nandidiri ako sa ginagawa nila. Oo. Aminin kong sa edad kong twenty one ay wala pa akong karanasan sa mga bagay patungol sa pag-ibig at sex. Pero alam kong ginagawa lang ang mga iyon kung kasal ka o may may asawa kang tao. Pero sa kanila ay wala at mali sa mata ng Panginoon at sa mata ng mga tao. Importante parin ang sagradong kasal sa pagitan ng babae at lalaki. At dahil alam mong mahal ka talaga ng taong pinakasalan mo. At walang mali kung anuman ang nais niyong gawin. Pero ang lalaking katabi ng bahay ko ay hindi alam ang salitang sagrado at kasal.
Nakakairita talaga ang ingay nila. Manyak!
Paghihimutok ng isip ko. Maaga pa ako bukas dahil may gagawin pagsusulit ang mga estudyante ko sa National Achievement Test. Kaya kailangan na maaga kaming mga teachers. Kailangan kasing maiayos ang mga test papers na gagamitin sa exam.
Kaya sa isip ko nalang ang mga masasamang mga salita na pinagsasabi ko sa lakaking iyon. Dahil baka maireport pa ako sa office at mas makakasama sa pangalan ko. Teacher pa naman ako kaya dapat maging ihemplo ako ng mga bata. Nasa grade eight ang handle ko at marami akong mga estudyante na kapit bahay ko din. Kaya nag iingat ako sa mga salita ko laban sa manyak na lalaking iyon. Pero kung hindi ako makapagtimpi ay lalabas talaga ang pagkasuplada ko.
Sa amin kasi ay may pagkamaldita ang ugali ko. Dito ako naka upa ng bahay dahil medyo malapit sa eskwelahan at dito lang ang may bakanteng paupahan. Dito din kasi ako naka ranking. Sana nga doon samin para malapit sa bahay pero dito ako naasign. Pero okay lang naman para makaipon ako ng maigi. Doon kasi baka hindi ako makaipon dahil kukunin lang lahat ni Mama. Siya kasi ang nagtatago ng mga ipon ni Papa bilang guro din si Papa sa amin lugar.Matipid kasi si Mama at hindi siya maluho. Siya ang taga budget. Bibili kasi ako ng sasakyan para regalo ko kay Papa. Malapit na rin kasi ang birthday nito. Kaya isusurprise ko siya. Pero napakamahal ng sasakyan kung branded kaya siguro secondhand nalang para mura.
"Im comming!!!"
"Come with me babe!" Napabalik ako sa pag iisip ng marinig ang mga daing nila. Ang manyak magaling din pala mag English.
Natahimik bigla sa kabila at pinakikiramdaman ko kung ano na ang ginagawa nila. Idinikit ko bigla ang tenga sa pader. Wala nang ingay siguro nakatulog na sa sobrang pagod nila.
Ang mga walang hiya! Nakatulog na eh ako eto gising na gising. Tumingin ako uli sa orasan ko at magfofour na ng umaga. Paano pa ako makakatulog nito. Once na magising kasi ako ay hirap na akong makatulog.
Kaya napagdesisyonan kong bumangon na at magsaing nalang. Nag unat muna ako ng katawan bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa maliit kong kusina. Mabuti nalang kompleto dito. May kusina, tubig at banyo. Kahit maliit lang ay okay na sakin. Ako lang naman mag isa.
Nang luto na ang sinaing ko ay nag prito naman ako ng hotdog at itlog. Nang matapos ako ay nagtimpla ako ng gatas at nilagay sa lamesa ang niluto. Kumuha ako ng kanin at kumain na.
Matapos ako maghugas ng plato at magtootbrush ay nagpahinga muna ako bago nagtungo ng banyo. Naghubad ako ng damit at nagbuhos ng tubig. Napahiyaw ako ng tumama ang malamig na tubig sa katawan ko. Bigla tuloy nawala ang antok ko. Nagsabon ako ng katawan bago nagbanlaw. Lumabas ako ng banyo na nakatapis. Nagtungo ako sa kwarto at nagbihis ng pang teacher kong uniform. Mint green with scarf ang blouse ko at dark green naman ang palda. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok na basa pa.
Nang matapos ko na ang pag ayos ko sa mga gamit ko sa school ay tumingin ako sa relo ko. 5:18am. Sinukbit ko na ang shoulder bag ko. Nasa kamay ko naman ang handbag na laman ang mga ginagamit kong mga materials sa paaralan.
Inilock ko muna ang pinto bago naglakad sa makipot na daan. Tagpi tagpi talaga ang mga bahay at ang kilos mo sa loob ay madidinig kung maingay ka. Katulad nalang ng manyak kong kapitbahay. Hindi ingay kundi ungol ang maririnig ko araw- araw. Hindi na nahiya sa mga pinanggagawa sa loob ng bahay niya. Parang ako pa ang mahihiya sa kanila.
May mga makakasalubong akong mga kapitbahay na binabati ako na binabati ko rin. Mga tambay na nagkakape. May mga nagbibiliards na mga kalalakihan na maaga pa. Mayroon naman mga ina ang nagchichismisan habang nagwawalis sa bakuran nila.
Araw araw ito ang makikita ko na nakasanayan ko na. Doon kasi sa amin sa probinsya ay tahimik at payak lang ang buhay. May pagkakatulad man ang ginagawa araw araw ng mga tao doon pero iba sa kapaligiran. Sariwa ang hangin doon at malayo ang distansya ng mga kabahayan. Dito wala ka talagang privacy. Baka naninilip nga ang manyak na yon sakin sa pader. Naku makakatikim talaga ng sampal ang lalaking iyon.
"Good morning! Miss beautiful teacher!"
Napatigil ako sa paglalakad ng marining ang boses ng manyak kong kapit- bahay. Napalingon ako sa gilid at nagtama ang paningin namin. May nakakalokong ngisi sa labi nito habang pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Nagkakape siya kasama ang mga tambay na kagrupo nito. Kinakantyawan lang siya ng mga ito na nagsi- apiran pa.
"Bastos! Manyak! Mayabang! Akala mo ikaw na ang pinakagwapong tao sa balat ng lupa!" Mahina kong bulong. Nakakairita talaga ang pagmumukha ng lalaking ito.
"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib! Hindi masarap kung maliit iyang dibdib at katawan mo!" Nakangising sabi ni Harold Magbanua. Aba't! Wala talagang modo. Sobrang sama ng ugali.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Manyak talaga! Himala ang aga gumising ng lalaking ito. Magdamag kaya silang gumawa ng kababalaghan.
Napatampal ako bigla sa noo ko. Bakit ko iniisip ang mahalay na kaganapang iyon.
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglakad. Kumukulo na naman ang dugo sa manyak na yon. Naririnig ko pa ang pagtudyo ng mga kasamahan nito. Wala talagang magawa sa buhay niya. Wala na ba siyang babae na mapaglilibangan at ako ang napagbalingan.
Nasira tuloy ang araw ko.
Sumakay na ako ng tricycle dito sa terminal at nagpahatid sa eskwelahan.
May araw karin sakin manyak ka!
***
Please votes, comments and share. Thank you.Mayambay.
![](https://img.wattpad.com/cover/179529434-288-k405198.jpg)
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Roman d'amour"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...