Chapter five
Cristina
"H-hello Ma?" Nanginig kong tanong kay Mama. Nanginginig kasi ang buo kong katawan dahil sa nangyari. Muntik nang may mangyari samin ng lalaking iyon. Sa lalaking kinaiinisan ko. Sa lalaking binubulabog ang tulog ko gabi-gabi. Sa lalaking uhaw sa babae. Pero ang lalaki din ito ang siyang tagapagligtas ko. Kung hindi sa kanya siguro patay na o pinagpipiyestahan na ang katawan ko ng mga walang puso na mga lalaking iyon. Ang lalaking sumagip ng buhay ko. Ang lalaking nagngangalan Harold Magbanua.
"Hello anak. Nandiyan ka pa ba? Hello?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni mama.
"O-opo ma. Nandito pa ako. Bakit po kayo tumawag. May problema po ba diyan?" Tanong ko nang mahimasmasan ako. Alam kong nakatingin sakin si Harold.
"Wala nak ayos lang kami ng papa mo dito. Ikaw ba ayos ka lang diyan? Bigla kasi akong kinabahan na hindi ko mawari. Baka kasi kung napano ka diyan. Sure kang ayos ka lang diyan?" Ramdam ko sa boses ni Mama ang pag aalala. Tama nga ito ng kutob na hindi ako okay na nasa panganib ang buhay ko kanina. Siguro mother instinct nga kung may masamang nangyayari sa anak mo.
"W- wala naman po Ma. A- ayos lang po ako dito. Huwag po kayong mag alala sakin. Kaya ko po ang sarili ko." Kinagat ko nang mariin ang dila ko dahil sa pagsisinungaling kay Mama. Hindi kasi ako sanay na maglihim sa kanya. Kahit sa maliit na bagay ay sinasabi ko dito kahit ang crush ko sa school noong nasa high school pa ako ay sinasabi ko talaga. Ayoko ko kasing mag alala pa sila sakin.
"Hay. Mabuti naman anak. Sige na nak magpapaalam na ako. Mag-iingat ka lagi diyan ha. Bye. I love you nak." Tumango ako at napangiti sa sinabi ni Mama. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang makausap ko si Mama.
"Bye Ma. I love you both." Sabi ko bago nawala sa kabilang linya si Mama. Binalik ko na ang cellphone sa lamesa.
Napapikit ako nang mariin at napahinga ng malalim bago ko hinarap si Harold na nakahiga sa kama ko. Nakatihaya ito habang unan ang magkabila nitong mga braso. Seryoso ang mukha nito at hindi ko alam kung ano ang iniisip habang nakatingin sakin.
"P-pwede bang u-umalis ka na." Mariin kong sabi na hindi makatingin sa mga mata nito. Nahihiya ako sa nangyari. Baka isipin nito na madali akong makuha at mahalina sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. At baka isipin din nito na madali akong makuha dahil niligtas niya ako. Oo niligtas nga niya ako pero hindi naman ako ganoon uri ng babae na kapalit ng pagligtas niya sakin ay ang puri ko ang kapalit.
Nakita kong bumangon ito sa kama ko. Humakbang ito palapit sa kinaroroonan ko na kinakaba ko. Hinawakan nito ako sa baba ko at pinatingin sa kanya. Nagtama ang paningin namin.
"Hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Mas binaliw mo pa ako sa pagtakam sayo. Sweetheart." Seryosong bigkas nito na kinamaang ko. Iba ang dating ng pagkakasabi nito na para bang pag aari niya ako.
Bumaba ang labi nito sa labi ko. Mabilis ang ginawa nitong paghalik sakin. Binitawan na niya ako at binuksan ang pinto.
"S-salamat." Mahina kong bulong pero alam ko na dinig nito ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romance"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
