Chapter sixteen

24.8K 641 29
                                    

Kristina
Chapter sixteen

Panay ang mapanuksong sulyap sakin ni Meribeth habang kumakain kami dito sa kusina. Sinusubuan kasi ako ni Harold. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako sa nangyari kanina. Baka kasi narinig niya kami kanina at ang ungol ko. Kukulitin na naman ako ng babaeng ito. Magkaharap kami ni Meribeth habang magkatapat naman sila Harold at Sam na sinusubuan din si Meribeth at ganoon din siya kay Sam.

They always sweet to each others.

"Nga pala friend, boating tayo mamaya ha, I'm so excited na!" Kahit ako ay excited narin na sumakay ng bangka. Gusto ko rin makita ang buong tanawin dito. Ang mga tanawing hindi ko pa nakikita.

"Okay." Sagot ko sa kanya na kinalapad ng ngisi niya. Matapos naming kumain ay nanood lang kami ng television na Basketball ang pinapanood ng dalawa. Ginebra san Miguel vs. Nlex ang naglalaro. Napapahiyaw din ako sa tuwing nakakascore si Scottie Thompson. Fan na fan kasi ako ni Thompson. Napapailing ang dalawa sakin habang si Harold naman ay napapamura at masama ang tingin kay Thompson. Ini-off niya bigla ang t.v. sabay hawak sa kamay ko at umakyat kami sa kwarto. Pagpasok namin ay agad niya akong isinandal sa pinto na madilim ang mukha.

"Fuck! Sweetheart! Ayokong may iba kang lalaki na hinahangaan at bukangbibig! Ako lang!" Magkasakubong ang kunot noo niyang mukha dahil sa galit. Masama bang humanga sa idol mo? Matagal ko na kayang idol si Thompson. Mula pa nung High School ako.

"Bakit ka ba nagagalit? Humahanga lang naman ako sa idol kong si Thompson ah. " Mas lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Hinawakan na niya ako sa magkabilang balikat ko. Seryoso parin ang mukha niya.

"Sabi nang huwag mo nang sabihin ang gagong lalaki na iyon!" Kahit pigil ang boses niya ay ramdam ko parin ang pagtitimpi niyang sigawan na ako. Kita ko rin ang pamumula ng mukha at leeg niya sa galit. Napahigpit narin ang hawak niya sa braso ko.

"Eh bakit ka nga galit na galit. Idol ko lang naman siya sa Basketball ah at tsaka sa television ko lang naman siya nakiki—"

"Nagseselos nga ako!" Napahinto ako sa sinabi niya. Nagseselos siya? Totoo? Si Harold Magbanua ay nagseselos kay Scottie Thompson? Babaero versus Basketbolero?

Pero lihim akong kinilig nang marinig ko na nagseselos siya. Ibig lang sabihin na mahal niya talaga ako. Napangiti nalang ako dahil sa narinig ko mula sa kanya.

"Anong nginingiti mo, Sweetheart?" Nawala na ang madilim niyang anyo napalitan na ng mapanuksong ngisi niya.

"T-totoo bang nagseselos ka?

" Yes. Kaya ako lang ang dapat mong hangaan dahil mas magaling pa akong mag shoot kaysa lalaking iyon!" Bilib na bilib niyang sabi sa sarili. Nangunoot noo naman ako sa sinabi niya.

She the next VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon