Chapter twenty two

25.5K 570 6
                                        

Chapter twenty two
Kristina

Paggising ko kinaumagahan ay namamaga ang mga mata ko. Bumangon ako para magbanyo nang bigla akong mapahawak sa tiyan ko. Napapadaing napaupo ako sa sahig dahil sa pagkirot ng puson ko.

"A-aahh!" Naiiyak na ako sa sobrang sakit ng puson ko. Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa sa Meribeth na nagulat at agad akong dinaluhan.

"Kristina! Anong nangyaya— Friend! Dinudugo ka! Tulong! Sam!" Nahihintakutang sigaw ni Meribeth na sobrang nag-alalang nakatunghay sakin. Nandidilim naman ang paningin habang hawak ko ang tiyan ko.

Please po Lord, pakiligtas po nang anak ko.

Marahas na bumukas ang pinto at akala ko ay si Sam ang pumasok pero nagulat ako nang mukha niya ang makita. May takot sa kanyang mga mata na agad kong napansin. Agad niya akong pinangko na kinasunod nila Meribeth at Sam.

"Sam! Paki-drive!" Utos niya kay Sam na agad pumasok sa manibela habang kandung ako ni Harold dito sa likuran.

"P-please Sweetheart. H-huwag mo akong iwanan... Kapit lang kayo nang anak natin..." Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay nasilayan ko parin ang mga luhang pumatak sa mata ni Harold. Hinahalik halikan niya ang noo ko na kinapikit ng aking mga mata. May tumulong luha sa mga mata ko habang hinahaplos ko ang mukha ni Harold. Nasasaktan parin akong makita siyang nagkakaganito. Kahit ako ang una niyang sinaktan ay hindi ko siya kayang tingnan na nagkakaganito. Mahal ko parin siya at mamahalin habang buhay.

Sa sobrang sakit nang nararamdaman ko ay bigla akong nawalan nang malay.

PAGDILAT ng mga mata ko ay puro puti ang nakikita ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid at nakahiga ako dito sa hindi pamilyar na kwarto. Nakita ko ring nakasubsob sa gilid ko si Harold na natutulog habang hawak niya ang isa kong kamay. Bigla ko naman naalala ang nangyari sakin kaya agad akong napahawak sa puson ko. Pinapakiramdaman ko kung may nawala ba sakin at ganoon nalang ang paghinga ko nang maluwag nang malamang ligtas ang anak ko.

Gumalaw si Harold sa tabi ko at nakita kong nakadilat na siya. Agad siyang tumango at hinawakan ako saking mukha. May pag-alalang tinitingnan niya ako.

"Sweetheart, ayos ka lang ba? Wala bang may masakit sayo? Sabihin mo, tatawag ako nang doktor." Ramdam ko ang pagkataranta ng kanyang boses na kinaiwas ko nang tingin sa kanya. Alam kong alam niyang buntis ako kaya natatakot akong muling umasa sa kanya.

"A-ayos na ako. Kaya pwede ka nang umalis." Pilit kong pinalamig ang boses ko kahit ang totoo ay maiiyak na ako. Narinig ko ang kanyang marahas na pagmura ko na kinapikit ko nang mariin.

"Fuck Sweetheart! Huwag mo akong pag-utusan nang ganyan dahil hindi ako aalis! Hindi mo man lang sinabi sakin na buntis ka at muntik mo nang ipahamak ang anak natin!" Ginulo niya ang kanyang buhok  na tila naiinis na siya sakin. Na tila tinitimpi lang niya ang kanyang galit sakin.

Nanlilisik ang mga matang tiningnan ko siya.

"Ako ba ang may kasalanan kung bakit nangyari sakin ito!? Diba ikaw!? Dahil sa panloloko mo kaya muntik nang mawala ang anak ko sakin! Kaya umalis ka na dito, hindi kita kailangan." Hindi ko mapigilang isumbat iyon sa kanya, napalakas nadin ang boses ko. Napatagilid ako nang higa patalikod sa kanya dahil umaagos na naman ang mga luha ko.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon