Chapter two
Kristina
Pagkatapos kong magbayad ay bumaba na ako. Napatingin ako sa nagtitinda ng mga gulay at napangiti na hindi pa sila nakasara. Wala na kasi akong stock ng mga gulay. Lumapit ako at bumili ng ilan mga gulay. Matapos kong bumili ay tinatahak ko na ang makipot na eskenita. Papaliko na ako sa kanang gawi ng mabungo ako sa matigas na bagay na dahilan ng pagka out balance ko. Napatili ako at napapikit dahil babagsak ako sa semento. Pero may marahas na mga kamay ang pumulupot sa balakang ko. Kinabig ako nito palapit sa matigas nitong dibdib na kinasinghap ko. Nakapikit parin ako dahil sa sobrang pagkabigla. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ng taong nagligtas sakin. Napalanghap ako sa mabango nitong amoy. May halong mint at hindi masakit sa ilong. Kakaiba ang bango niya na nag iisa lang. Idinikit ko pa lalo ang ilong ko sa mabango nitong damit. Ayaw ko na ngang lumayo dahil para bang ligtas ako sa mga kamay nito.
"Mukhang ayos ka na riyan Ms teacher beautiful." Agad akong napamulat at napatingala sa boses na iyon. Nakakalokong ngisi na mula sa taong kinaiinisan ko. Napatingin uli ako sa mga kamay nito kung saan nakahawak.
"Aaahhh!!! Bastos! Manyak!" Tili ko sabay alis ng mga kamay nito malapit sa puwetan ko. Kainis. Natyansingan pa tuloy ako ng manyak na ito. Bakit kasi hindi ko agad inalam kung sino ang nakabungo ko. Napatingin ako uli sa kanya na masama ang tingin pinupukol dito. Iyong tingin na parang nakakamatay.
"Bastos ka talagang lalaki ka no. Sinadya mong bungguin ako. Tama ba?" Naiirita kong sabi pagkakita sa nakakaloko nitong ngisi na nakahilig lang sa pader na magkakrus ang mga kamay sa dibdib nito habang pinagmamasdan ako. Iyon bang tingin na naaaliw sa pagkairita ko. Bwisit talagang manyak nato!
"Your so cute when you got angry, sweetheart." Sabi nito na unti-unting lumapit sa kinaroroonan ko. Napaatras naman ako pero nanlumo ako dahil pader na pala ang naatrasan ko. Tumingin ako uli sa kanya nang bigla akong mapasinghap nang nasa harapan ko na ito. Malapad ang pagkakangisi ng mukha nito. Tumingin ako sa gilid ko at tatakbo na sana ng pumatong ang magkabila nitong braso sa pagitan ko. Kaya parang nakakulong ako sa ginawa nito.
Tumunghay ito at inilapit ang mukha sa mukha ko na ilang pulgada nalang ang pagitan. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang lapit nito. Nalalanghap ko na ang mainit na mabangong hininga nito. Pigil ang hininga ko nang dumako ang matiim nitong tingin sa buo kong katawan at tumigil sa labi ko. Natakpan ko tuloy ang labi ko na kinatawa nito ng malakas. Uminit naman ang mukha ko sa sobrang galit dahil sa pinagtitripan ako nito.
Kumukulo na naman ang dugo ko. Kainis talaga.
"Manyak!" Iyon lang ang sinabi ko at marahas na winaksi ang braso nito. Mabilis akong naglakad at dinig na dinig ko ang malakas nitong tawa. Nagpupuyos naman ang loob ko sa sobrang inis. Nakasalubong ko ang mga kaibigan nito na malawak ang pagkakangisi. Nag apiran pa ang mga ito na kinasama ko nang tingin sa kanila. Wala talagang magawa sa buhay nila.
Matapos kong buksan ang pinto ay pumasok ako sa loob. Napasandal ako sa pinto at napabuga ng hangin. Sinira na talaga ng lalaking iyon ang araw ko. Buti nakapigil ako at hindi siya sinampal. Mabuti rin at wala masyadong tao doon kundi napahiya pa ako.
Nagpalit ako nang pambahay na damit. Nagtungo ako sa kusina at nagsaing habang naghihiwa ng gulay. Magluluto ako ng chopsoy. Gusto ko kasing kumain nun.
Kumain na ako nang matapos ako sa pagluluto. Gutom na kasi talaga ako at pagod. Gusto ko na ngang humilata sa kama. Naghugas muna ako ng plato bago ko tinawagan sila mama. Nangamusta lang ako. Namimis ko na rin kasi sila.
BINABASA MO ANG
She the next Victim
Romance"Hoy bata! Magpalaki ka muna ng dibdib at katawan mo! Hindi masarap kung maliit lang!" Nakakalokong pahayag ni Harold Magbanua sa dalagang hindi maipinta and mukha. Tambay. Maraming bisyo. Gwapo, maangas at walang pinapalampas na mga kadalagahan na...
