Chapter fourteen

26.6K 635 27
                                    

Chapter fourteen
Kristina

Sumapit ang araw ng pagpunta namin sa Palawan. Araw ngayon ng sabado at susunduin kami nila Meribeth para magkasama sa pagsakay sa chopper na pagmamay ari daw ng pamilya nila Sam. Sobrang yaman din pala ng pamilya nila Sam. Swerte naman ni Meribeth. Pero siyempre mas maswerte ako kay Harold dahil mayroon akong mapagmahal, maasikaso, malambing, gwapo at machong boyfriend. Ganoon kasi ang mga katangian na pinapakita ni Harold sakin. Wala na akong mahihiling pa.

Naalimpungatan ako ng may humalik sa labi ko sabay yakap nito sa bewang ko.

"Ako naman ba ang iniisip mo, sweetheart? Hmm." Tanong nito na tapos na palang maligo at nakabihis na. Lalong itong gumwapo sa suot na denim pants na mayroon butas sa magkabilang tuhod. Naka simpleng T-shirt na puti ito at pinatungan niya ng rugged jacket. Nakasabit ang itim na sunglass nito sa damit. Lihim akong napangiti dahil sobrang gwapo at hot ng boyfriend ko. Simpleng bestida naman ang suot ko na pinaresan ko ng sandals. Pinusod ko rin ang buhok ko. Dito siya naligo dahil dito naman siya natutulog. Parang mag live-in na nga ang dating dahil nandito nadin ang mga damit niya. At nagpapasalamat ako dahil wala na ang mga taong sumusubaybay sa bahay ko. Nagtataka ako dahil hindi pa naman nahuhuli ang mga suspect. Pero may ilan gabi rin na napapaginipan ko si Evelyn na humihingi ng tulong ko. Hindi siya matatahimk sa kabilang buhay kung hindi pa nahuhuli ang mga suspect. Mabuti din at nandiyan si Harold na kinocomfort ako. At sa ganoon lang ako makakatulog sa mga bisig nito.

"T-tara na?"  Tumango ito ng kumalas kami ng yakap. Kinuha naman nito ang travelling bag ko na laman ay mga damit namin.

Matapos kong mailock ang pinto ay lumakad na kami ni Harold. Sakto naman paglabas namin sa eskenita ay pumarada ang sasakyan ni Sam. Lumabas si Meribeth ng sasakyan at agad akong niyakap. Bumati din ito kay Harold. Nagtanguan naman ang sina Harold at Sam. Nilagay ni Harold ang bag namin sa likod ng sasakyan habang excited naman nagkukwento si Meribeth sa pagdating namin sa Palawan. Makakarelax na daw ang katawan at isip niya dahil sa katatapos na exams at closing exercise. Wala din akong masyadong pahinga dahil busy naman talaga kami sa school sa pag aasikaso ng graduation.

Nagpaalam na si Beth at sa unahan naupo katabi ang boyfriend. Binuksan naman ni Harold ang pinto sa likod kaya pumasok ako. Pumasok din siya at tumabi sakin.

Mahaba haba din ang biyahe namin pero hindi boring dahil sa pagkukwento ni Meribeth tungkol sa beach resort nila Sam. Mukhang maganda nga ang resort nila dahil dinadayo pa daw ng mga turista na galing sa ibang bansa. Namana pa pala ng pamilya nila Sam ang resort sa yumao niyang lolo na itinayo daw nito para sa asawa na ang lola ni Sam. Regalo daw ng lolo nito sa kanyang lola noong ikinasal sila. Napaka romantic naman ng storya ng grandparents ni Sam.

Dumaan muna kami sa isang restaurant dahil tanghalian na at medyo malayo pa ang biyahe papunta sa naghihintay na chopper nila Sam. Umorder kami at kumain. Si Sam ang nagbayad at si Harold naman samin.

Nagpatuloy kami sa pagbiyahe. Hanggang sa makarating kami sa isang mataas na gusali na pag mamay ari daw ng kaibigan ng kanilang pamilya. Huminto ang sasakyan sa parking lot. Binuksan ni Harold ang pinto at lumabas siya. Inalalayan naman niya ako ng lumabas ako. Kinuha nito ang bagahe namin ganoon din sila Meribeth at pumasok na sa loob ng malaking building. Marami pang mga empleyado ang nandito na binabati si Harold at para bang nirerespeto nila ito na kinataka ko.

Napatingin ako kay Harold pero diretso lang ang tingin nito na lumalakad habang hawak nito ang kamay ko. Bakit kaya ganoon ang tingin nila kay Harold, parang malaki ang galang nila sa kanya. Hindi naman siguro nakapag trabaho dito si Harold o baka naman naging client siya dito. Pero parang hindi naman. Nagkataon lang sigurong mga kakilala niya.

"Sweetheart. Ano namang iniisip mo?" Napapitlag ako ng may humapit sa bewang ko. Si Harold pala at hindi ko napansing nakasakay na kami ng elevator.

Napailing ako sa tanong niya. Pasimple naman ngumisi si Meribeth na todo ang pagkakayakap kay Sam. Inirapan ko nalang siya bago tumingin kay Harold.

"A-ah, wala." Tumango naman siya sagot ko. Napabaling ako kay Sam na hindi nagbabago ang sweetness ng dalawa. "Sam, sino pala ang sinasabi mong kaibigan na may ari nitong building?" Tanong ko dito na natigilan saglit at biglang napatingin sakin. Nakita kong bumaling ang tingin niya kay Harold at binalik din sakin agad.

"A-ah... Masikreto kasi ang taong iyon. Ayaw niyang pinagkakalat ang pangalan niya. Baka suntukin ako nun pag nalaman niyang sinabi ko sayo. Pasensya na talaga, Kristina." Napakamot ito sa batok. Napatango nalang ako sa sinabi nito. Pinisil naman ni Harold ang bewang ko na kinatingin ko sa kanya.

"Bakit ka ba interesado sa taong iyon, sweetheart. Nandito naman ako. At ayokong naglalapit ka sa mga lalaki, kundi malalagot ka sakin." Pagkatapos ay hinalikan niya ang labi ko kaya todo kantiyaw ang inabot namin mula kay Meribeth. Sinuway naman ito ni Sam. Nakarating na kami sa pinakatuktok ng building kaya lumabas na kami ng elevator. Umakyat kami ng hagdan at binuksan ni Sam ang pinto. Napapikit ako habang ninanamnam ang simoy ng hangin. Kita rin ang buong lugar dito at mga tanawin. Sobrang taas kaya ng building na ito. Sobrang yaman din siguro ang may ari nito.

Nandoon na nga ang chopper na naghihintay samin. Inalalayan ako ni Harold habang papalapit kami sa chopper. Nauna akong pumasok at kasunod si Meribeth. Pumasok din si Sam na tumabi kay Meribeth. Kasunod din nito si Harold na tumabi naman sakin. Nilagay nito sa gilid ang bagahe namin. Napakapit ako sa damit ni Harold nang unti unti nang tumataas ang chopper hanggang sa nasa himapapawid na ito. Napangiti naman ito at niyakap ako.

"Wow! Friend, dali tingnan mo sa ibaba oh ang ganda ng view!" Napatingin ako kay Meribeth na nakadungaw sa labas. Kumalas ako sa yakap ni Harold at dumungaw din ako sa ibaba. At ganoon nalang ang pagkamangha ko dahil napaka- gandang tingan ang mga nagkalat na isla na napapalibutan ng tubig. Bitak bitak na mga isla at kapag tuunan mo talaga ng pansin ay may mga korte ang bawat isla.

Sobrang saya ko dahil ngayon lang ako nakasakay dito at ang sarap sa pakiramdam na dito ka sa itaas at natatanaw mo ang lahat ng isla. Kapag may nakikita nga akong mga kakaibang hugis ay tinuturo ko kay Harold na nakangiting pinagmamasdan lang ako.

Ilang minuto ang lumipas, ay napaayos ako ng makita kong unti unti nang lumalanding ang chopper. Sa isang malawak at bakanteng lote. Naunang lumabas si Harold bitbit ang bag namin at inalalayan akong bumaba. Inalalayan din nito si Meribeth na kasunod niya si Sam. May naghihintay namang puting van sa unahan habang tuluyan namang umalis ang chopper.

"I'm so hungry na friend." Pahayag ni Meribeth nang nasa loob na kami ng van. Naglalagay naman ng bagahe namin ang dalawa sa likod ng sasakyan.

"Malayo pa ba ang biyahe?" Tanong ko na tiningnan ang suot kong relo. Quarter to four na pala at medyo mahaba haba din ang ibinyahe namin.

"Two hours, friend. Kapag may nakita tayong restaurant ay kumain muna tayo ah?" Madali talagang magutom ang isang ito. Habang nasa chopper nga kami ay panay ang kain nito ng junk foods. Mabuti naman at ito tumataba. Napailing nalang ako sa babaeng ito.

Napausog kami ni Meribeth nang pumasok ang dalawa. Hinapit ako ni Harold ng makaupo na siya sa upuan.

"Gutom ka na?" Napailing ako sa tanong niya. Hindi ako gutom dahil sa nararamdaman kong saya at pagkasabik na makita ang resort nila Sam. Kaya susulitin ko itong pagkakataon na ma enjoy man ang sarili ko na kasama ang taong mahal ko. Walang iba kundi si Harold Magbanua.

***
Please votes, comments and share. Thank you.

Mayambay

She the next VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon