Chapter one

42.9K 880 23
                                        

Chapter one
Kristina

Nagbayad muna ako bago bumaba sa tricycle. Dumiretso ako sa gate. Agad binuksan ni manong Anselmo ang gate nang makita ako.

"Good morning ma'am Kristina!" Bati nito na kinangiti ko rin. Matagal na daw itong nagbobodyguard ng paaralan ng Mabini National high school. Tumanda na nga si manong Anselmo sa pagbabantay dito. Strikto kasi si manong pagdating sa mga rules ang regulations ng paaralan kaya siguro tumagal siya ng ganito. May pamilya ito at anim na mga anak na pinapaaral dito din sa paaralan.

Nakakaproud talaga si manong.

"Good morning din manong Anselmo!" Balik kong bati dito na tumango sakin. Nagpatuloy ako sa paglakad. Kunti palang ang mga estudyante na paparating dahil maaga pa naman. Nagtungo ako sa principal's office para sa attendance.

Pumasok ako at may mga co- teachers nang nandito. Bumati ako sa kanila at ganun din sila sakin. Mas maaga pa pala sila sakin. Nagsign ako sa pangalan at nagbigay lang ng kunting reminder ang principal namin.

Lumabas na kami pagkatapos.

"Friend! Good morning. How's your neighboor? May dinala naman bang babae?" Biglang sabi ni Meribeth. Co- teacher ko at bestfriend dito. Math ang handle nitong subject ako naman ay Filipino. Umalingkis ang braso nito sakin. Itatanong na naman nito ang tungkol sa manyak kong kapitbahay. Alam nito ang pagkairita ko tungkol sa lalaking iyon. Naikwento ko kasi at nakita na nito ang binata nang dumalaw siya sa bahay ko. Crush nga nito ang manyak na iyon. Wala talagang taste sa lalaki.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Ewan ko sa manyak nayon!" Naiirita kong sabi dito na kinangisi lang nito ng todo. Iyong ngising kakaiba na parang nanunudyo. Ako talaga ang parating kinukulit nito. May boyfriend na nga ito at nakikipag flirt pa sa manyak na iyon. Isumbong ko kaya sa boyfriend niya?

"Asus! Kalma lang friend. Nagtatanong lang naman." Sabi nito habang naglalakad kami patungo sa room namin. Nasa ikalawang palapag kami ng building. Nasa room fourteen ako. Siya naman ay nasa fifteen. Magkatabi lang kami ng room kaya magkasabay kaming lumalakad. Dito rin kami sa school naging magbestfriend. Gaya ko ay baguhan din siya noong nagsimula kaming magturo dito. Matanda lang ito sakin ng isang taon.

"The more you hate. The more you love! Iyon ba ang peg mo friend?" Napatigil ako sa paglakakad at marahas na napalingon dito. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi nito.

"Ah ganun! Sino ba ang kinakampihan mo siya o ako?" Mataray kong tanong sa makulit na babaeng ito. Hindi porket may crush sa manyak na iyon ay kakampihan na niya. Naku kung hindi ko lang bestfriend ito sinapak ko na siya sa sinabi nito. Nungka akong maiinlove sa manyak na iyon. Kahit siya pa ang nag iisang lalaki sa mundong ito ay never akong mahuhulog sa lakaking iyon. Tambay na manyak pa. Kahit gwapo at maganda pa ang katawan niya ay hindi ako papatol sa lalaking iyon. Lolokohin ka lang ng manyak na iyon. Ewan ko ba bakit marami pang nagkakandarapa sa manyak nayon. Iba't ibang babae ang kinakama tapos hindi pa nahiya sa mga ingay nila. Buong kabahayan na yata ang nakakarinig sa mga malalaswang ginagawa nila.

Gumagamit ba siya ng proteksyon?

Paano kung magkaroon siya ng HIV or AIDS? Dahil sa kakasex niya palagi.

Hindi ba niya iniisip ang kalusugan niya? Siguro dahil sa binata siya at hindi niya pinahahalagahan ang buhay niya. Kaya siya siguro naging ganun.

She the next VictimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon