SLL I

103 0 0
                                    

Dahan-dahang binuksan ni Alliya ang pintuan. Inalis nya muna ang suot-suot na heels bago tuluyang pumasok sa loob. Kagat-kagat nya thumb nail nya. Pagkapasok ay halos patingkayad matsing syang maglakad hihi syempre peborit nya si Monkey bear nya kaya ganun, iwas ingay, iwas komosyon, iwas--

"Do you know what time is it, Alliya?!"

"Ohmegad! Mom!" padyak nya bago nagliwanag. Ang Mommy nya nakatayo sa mismong switch ng ilaw. Nakataas-kilay bago sya nilapitan.

"Ikaw na bata ka talagang sinsagad mo pasensya ko ano?" utas nito habang pinipingutan sya ng tenga paakyat sa hagdan.

"Mommy.. a-a-ouch! It hurts, Mom." saka lang sya nito pinakawalan ng makarating sa kwarto nya.

"How many times do I have to tell you na 'wag na wag kang lalabas ng bahay lalo na pag gabi na?" sininghot-singhot sya nito. "Amoy bar ka na naman! Naku, naku!" gigil nito sa kanya. Kung nung 9 years old sya lagi sya nitong kinukurot sa singit hihi buti nalang dalaginding na sya less kurot na pero dagdag pingot naman. Pero konting lambing lang naman nya rito e close na ulit sila hihi.

"Naku Ma, dahil inantay mo 'ko ngayong gabi, tignan mo anong oras na, hala may wrinkles ka na oh." bigla nitong kinapa ang bandang noo na itinuro nya. Kitam.

"Hindi pa tayo tapos Alliya, wag mo ko tatakasan bukas lagot ka saken." ingos nito sa kanya. Hahaha see, beauty conscious yan e, kung ganito lahat ng Mommy kasing-swerte ko na kayo mga kapatid!

"Goodnight Mommy! I love you." pahabol pa nya. Bukas, dating routine hihi.

**********************************************************

Resulta ng maagang paggising makaiwas lang sa almusal ng Mommy nya ay aantok-antok tuloy sya sa school. Sinamahan pa ng boring na prof ay talaga namang halos pulutin na nya sa table nya ang mga mata. Hindi na nya alintana ang mga kaibigang sinusundan bawat galaw ng ulo nya. Nagising lang sya ng tuluyan ng marinig nya ang--

"Class dismiss!" napainat naman sya.

"Wow friendship! Bilib naman talaga ako sa'yo hano? Pampagising talaga ang class dismiss." nginisihan nya nalang ito. Hahaba pa e. 'di ba nya alam na kasalanan nila kung bakit ako puyat? tsk walang pasintabi rin tong babae na'to e.

Sa cafeteria ang gawi nila. Paupo na sila ng matanawan nya ang lalabs nya. Aba! Hataw na!

"Besty!" sinundan naman ni Mika ng tingin ang nginuso nya. Matalino yan alam nya agad ibig sabihin hihi. bago pa sya nito taasan ng kilay ay kinaladkad na nya ito palapit sa lalabs nya. Oh Marcus!

Ikaw Na Lang ang KulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon